Nineteen

1.8K 81 35
                                    

Kabanata Desi-nuevē:

DAHLIA (4)

MY FOREHEAD creased after I opened my eyes. Nakita ko ang sarili ko na nakahiga sa loob ng aking silid, nakasalampak sa sahig sa tapat ng salamin.

Ang huli kong naalala, tiningnan ko ang aking sarili sa harapan ng salamin pagkatapos kong magbihis ng uniporme para sa apocalypse. Lalabas na sana ako sa silid ko nang biglang sumakit ang tiyan ko.

Akala ko wala lang pero nang muli akong humakbang ay sumakit ulit ang tiyan ko, parang ayaw akong palabasin ng silid ko dahil sa sakit ng tiyan. Naalala ko pa ang lahat bago ako tuluyang nawalan ng malay....

"Apocalypse will be soon, you wanna come with us?" Tanong ko kay Suey na walang puknat parin sa pagmamasid sa mukha ng kanyang kapareha.

"No. Mananatili ako rito upang bantayan si Peter. Hindi pa siya nagigising kahit na nabigyan na siya ng paunang lunas ni Mei. Kayo muna ang bahala sa lahat, wala man ako pero alam kong kakayanin niyo ang apocalypse dahil naroon si Mei, syempre ikaw din." Nakangiting sumulyap siya sa akin.

Naiiling na pinagkrus ko ang mga braso ko, sumandal ako sa pang-isahang sofa na ibinigay sa akin ni Dwight upang hindi raw ako mangalay sa pagkakaupo ayon sa kanya nung narito siya kanina para inspeksyunin ang kalagayan ko.

Speaking of him, dunno why my cousin was acting weirdly these past few days after I came back from an dead/ashes vampire.

Nagtataka man ako ngunit binabalewala ko na lamang ang kakaibang pakikitungo ni Dwight sa akin na nagsimula nung dinalhan niya ako ng pagkain sa silid ko.

Hindi ko alam kung panaginip lang ba ang lahat ng iyon dahil may pakiramdam ako na may nangyari sa aming dalawa matapos ang gabing 'yon mismo sa ibabaw ng aking kama.

Para bang nagtalik kami ng walang humpay hanggang sa mapagod at nakatulog na ako sa sakit ng katawan. Nagising lang ako nang kumatok si Suey para humingi ng tulong sa akin.

Subalit, imposible naman ang lahat ng mga eksenang tumatakbo sa isipan ko. Kasi nga,  bakit naman kami magtatalik ni Dwight? He's my freakin' cousin for fvck sake, right?

Napagdesisyon kong kalimutan na lang ang mga bagay o pangyayari sapagkat alam kong hindi iyon totoo. Palagay ko napaglaruan lang ako ng ilusyon ni Dwight.

Tss. That's his hidden ability, the illusion. Only me who knows about it because he told me a long time ago.

Tinanong ko si Dwight noon, kung bakit niya sinabi sa akin ang lihim niyang abilidad... His response was like this....

"One day, you'll know the answer, Dahlia." He said while pitching my both rossy cheeks.

Though, I was confused since that day. I chose to forget about it 'coz I don't care anyway. Pakialam ko lang kasi noong bata pa kami ay ang magbasa ng iba't ibang libro sa aming malawak at malaking silid aklatan.

Ngayon, kakalimutan ko naman ang mga lumilitong eksena sa akin isipan sapagkat alam kong wala rin 'yong kabuluhan. Kahit na nga ba nalilito at naguguluhan na ako sa inaakto ni Dwight sa akin.

Naging malambing, maalahanin at clingy pa siyang lalo na nagbigay naman ng takot sa aking sistema. Pakiramdam ko may nag-iba sa akin kapag nakikita ko siya, 'di ko lang matukoy kung ano 'yon.

Napabuntong-hininga ako at ibinalik ang atensyon kay Suey, she keep looking at the wolf King from LœThian Empire.

"Cut the stares, you're creepy, Suey." Biro ko.

Sumingkit ang mga mata niya sa akin. "Ginugulo mo kami kaya lumayas kana rito sa Mēdica. Tumulong ka sa digmaan laban sa mga pangit na halimaw. Hala, chupi na!"

Vampire's GenerationDonde viven las historias. Descúbrelo ahora