Fourteen

2.9K 96 46
                                    

Kabanata Katorsē:

MARAHAN kong inalis sa aking balat ang kulay berdeng bagay o capullo na nakalapat dito. Habang nakatingala sa akin ang kaibigan.

"Bakit gumising kana? Hindi pa nagbalik ang dugo na nawala sa'yo, Mei. Kailangan mong matulog ulit."

Umiling ako kay Keno at inilingap ang mga mata sa madilim na paligid ng Bønovia. Kahit saglit lang akong nakatulog, pinili ko ang magising ngayon dahil kailangan kong mabalaan sila sa darating na apocalipsis.

"Narinig mo naman ang usapan ng mga Rōgue. Magiging madugo ang darating na apocalipsis at marami ang mamamatay. Kung hindi ko sila masabihan ngayon, baka pagkagising ko ay hindi ko na sila maabutang buhay." Sabi ko.

"Pero mahina kapa, kailangan mong ---"

"Huwag kang mag-alala, iinumin ko ang dugo ng aking kapareha upang magbalik ang lakas ko." Putol ko sa sasabihin ni Keno.

"Kakayanin kaya ng 'yong sikmura, Mei?" Naninimbang niyang tanong.

"Hindi ko pa alam. Siguro." Nagkibit-balikat ako at bumaling sa kanya. "Sasama kaba sa akin na magbalik sa Monarch Tower?"

Umiling si Keno tanda ng pagtanggi. "Maiiwan na ako dito. Pumaroon kana at mag-iingat ka."

Kumunot ang noo ko sa huling sinabi ng kaibigan. Ito ang unang beses na pinag-iingat niya ako, alam niyang hindi ako pangkaraniwan at walang sinuman ang makapanakit sa akin. Pero binalewala ko nalang ang tumakbo sa isip ko ngayon.

Yumuko ako at hinimas ang mabalahibong ulo ni Keno bago ako nagpaalam na aalis na. Pero bago ako umalis, nilagyan ko muna ng barrier ang paligid ng punong nakatayo sa gitna namin. Ito ang tanging tirahin ni Keno na hindi niya maiwan-iwan, nasa pusod ito ng Bønovia.

Kung titingnan, simple lang ang puno na ito pero mataas at malago ang mga sanga at dahon nito. 'Di ko alam kung ano ang pangalan ng puno.

Nung tinanong ko noon si Keno kung ano ang pangalan ng puno, hindi siya sumagot basta't tiningnan niya lang ako gamit ang kanyang asul na mga mata.

Lumitaw ako sa søroridad nang maglaho ako, hindi ko na suot ang eye patch 'di ko maalala kung saan ko ito huling nakita o nailagay.

Biglang nagsalubong ang aking kilay nang may narinig akong mga ungol. Tumingin ako sa direksyon ng silid kung saan ko ito naringgan. Pumikit ako at sa muli kong pagdilat ay nakikita ko na nangyayari sa loob ng silid na iyon.

Namilog ang mga mata ko sa nakitang eksena dahil sa pagtataka. Bakit kinakain ni Duke ang dibdib ni Venus? At bakit tila nagugustuhan naman ni Venus ang ginagawa sa kanya ni Duke? Ano ang ginagawa nila?

"Uh. Duke, mahal kita!" Bulalas ni Venus.

Muli akong napakurap, 'di ko alam kung tama ba itong panunuod ko sa ginagawa ng dalawa. Ito ba ang pagtatalik na sinasabi sa akin ni Keno noon?

"Get up! Fix yourself, nagbago na ang isip ko. Umalis kana sa aking silid ngayon din."

Nagtaka ako sa biglang sinabi at pagtanggi ni Duke kay Venus. Hanggang sa makita ko ang pagmamakaawa naman ni Venus. Nagsimula na siyang maghubad nang pang-ibabang kasuotan ngunit mabilis siyang pinigilan ni Duke at kinaladkad palabas ng silid matapos maibalot ang puting kumot dito.

"Mahal kita, Duke. Mahal na mahal." Lumuluhang salita ni Venus sa lalaking nasa bukana ng pintuan.

Walang sagot mula kay Duke, basta nalang nito isinara ang pinto at iniwang lumuluha si Venus sa labas ng silid.

Walang emosyon kong pinagmasdan si Venus. 'Di ko man alam kung ano ang nangyayari sa kanila ni Duke, pinili kong h'wag makialam sa kanila.

Lumingon sa akin si Venus nang mapansin niya ako. "Mei, you're back!" Aniya.

Vampire's GenerationWhere stories live. Discover now