Chapter 2

10 3 0
                                    

***

Pasensya sa pangmatagalang updates hehehehe busy sa school eh pero....eto naaa!

***

Sandra's POV

"ATEEEEEEEE!!!"

Nagising ako dahil sa sigaw ng human clock ko....si Rate.

"ANOOOO?!"

Grabe kasi Kung makasigaw toh parang may nilunok na microphone kaya para mapakinabangan ko naman ang kaingayan niyan ginawa ko nalang siyang alarm clock ,hahahaha ang sama kong ate diba?

Bumangon na ako at tiningnan muna ng sarili ko sa salamin,grabe mugtong-mugto ang mga mata ko kakaiyak kagabi pero di naman masyadong halata.

Binuksan ko na ang pinto.

"Tulog mantika ka talaga ate, ang hirap mong gisingin ,Psh."
Umupo siya sa kama at tinabihan ko siya.

"Kaya nga ikaw ang ginawa kong alarm clock kasi yang bibig mo lang naman ang nakakagising sa akin."

"G*go ka talaga ate" hinampas ako sa braso

"Ayan ka nanaman sa pagmumura mo, ilang beses ba kita kailangang pagsabihan? "

Grade 7 palang si Rate alam na niya lahat ng pagmumura kaya nga madalas pagalitan toh ni mama at papa dahil pati sila minumura neto,walang exemption Tsk.

"Nakasanayan ko na eh."
Kamot ulo niyang sabi.

"Tsk, sige na malelate na tayo oh, pasado alas syete na." sabay tingin ko sa wall clock.

"Psh, sige na nga. "

Haayyyy salamat umalis na.

Niligpit ko na agad ang kama ko at naligo.

***

"Wala pa si Mama at Papa yaya? "
Tanong ko habang pababa ng hagdan patungong dinning area.

"Ay umuwi po kaninang madaling araw ma'am mga pasado alas 2 po, kaso mga alas 6 umalis po ulit sila pareho."

"Yaya, diba sabi ko Sandra nalang ang itawag mo sa akin. "

"Hehehehe sorry po ma'am este Sandra."

Naaawa ako sa mga magulang ko kasi this past 2 weeks madalas na silang ganyan, umuuwi ng madaling araw tapos mga ilang oras lang aalis nanaman ,wala na nga kaming oras mag bonding pero naiintindihan ko naman kasi para naman sa amin ni Rate ang pagsisipag nila sa trabaho.

"Ate kumain kana." aya ni Rate.

"Wag na, pupunta na akong campus malapit na akong malate eh." sabi ko habang nag-aayos ng bag.

"Ay sige sabay nalang ako sayo ate patapos na din ako."

Pagkatapos kumain ni Rate eh agad kaming bumyahe papuntang school at buti nalang late ang professor kaya hindi pa ako late.

"Besh!" Sigaw ni Camille
"..... Dito ka umupo tabi tayo, wala pa naman si Jayzam. "

Best friend ko si Camille simula high school pa lang pati si Jayzam which is boyfriend ni Camille, actually ako ang nagreto kay Jayzam na kilalanin si Camille at Hindi nagtagal nagkaligawan na sila tapos mga ilang months din sinagot na ni Camille si Jayzam kaya ngayon mag-iisang taon na silang mag-jowa, ang galing kong mang-match diba pero ako wala paring kamatch, haysssss dadating din yung destiny ko...... sa tamang panahon.

"Bakit may chika ka?" sabi ko sabay upo sa tabi ni Camille.

Ganyan kami palagi ni Camille pag kami ipinagtabi niyo, agad kaming magchichikahan.

What If You Found Yourself Falling In love With SomeoneWhere stories live. Discover now