Chapter 3

5 0 0
                                    

Sandra's POV

Kakauwi lang namin ni Rate galing school.

"Good afternoon Ma'm Sandra and Ma'am Rate."
Nakangiting bumati sa amin si yaya pagkapasok namin.

"Good morning din yaya."

"Good morning din yaya."

Agad akong pumunta sa kwarto ko, sobrang stress ako ngayon.

Hindi pa din nagsi-sink in sa akin yung sinabi ni Camille kanina.

BAKIT SI OTTO PA!? Eh napakawalanghiya nun eh ,walang kinaaawaan ,walang respeto sa babae ,mahilig mambully palibhasa anak siya ng may-ari tapos higit sa lahat GANGSTER siya at hindi lang ordinaryong myembro ng NH gangster ,siya ang leader!

(Otto Villaluna:Gwapo ,hot at mayaman, yan ang tingin ng mga ilang kababaihan kay Otto which is totoo naman pero iba si Sandra dahil kabaliktaran ng ibang typical na babae ang tingin niya kay Otto.)

"ATEEEEE! "
Binuksan ko ang pinto

"T*ng ina Rate! Sobrang layo ko ba sayo para sumigaw ka?!"
Agad kong bungad sa kanya.

Grabe nakakapagmura talaga ako kapag nasestress.Psh!

"Nagmumura ka na rin Ate?"
Biglang lumiwanag ang mukha ni Rate.

Lintik talaga tong kapatid ko eh ano?

"Ewan ko sayo! Anong bang kailangan mo?"

Umupo kami sa gilid ng kama.

"Nag-aalala lang ako sayo ate."

"O bakit naman?"

"Mula sa pagpasok mo kasi ng sasakyan hanggang sa naka-uwi na tayo para kang dalagang ina na iniisip kung ano kakainin ng anak mo ,sobrang haggard mo kaya kanina which is unusual kasi lagi kanamang fresh tsaka blooming."

Talaga bah? Ganon ba talaga itsura ko kanina?

"Totoo?"
Tumayo ako at kinuha ang salamin ko.

Ay totoo nga para akong may isang dosenang anak dahil sa sobrang haggard ko.

"Ano ba kasing nangyayari sayo ate ,bakit stress ka?"

"Eh kasi naman etong si Camille bigla akong nireto kay Otto ,tarantado talaga ang babaeng yun."

Biglang tumayo si Rate.

"Kay OTTO ate as in kay OTTO VILLALUNA?!"

"Grabe naman maka-react."

"Tanga! di mo ba siya kilala?"

"Tanga! syempre kilala ko."

"Eh bakit parang chill ka lang."
Umupo ulit siya.

"Anong chill lang eh yan nga yung dahilan kung bakit nagmukha akong super losyang kanina hanggang ngayon diba?"

Tiningnan ko ulit ang sarili ko sa salamin.
"......tsaka reto palang naman kaya ,maybe di niya ako inonotice."

"Pero di mo masasabi ate baka pansinin ka niya."

"Tsk. Malabo eh sa pagmumukha ba naman ng lalaking yun eh halatang ang mga tipo nun eh mga magaganda tapos sexy, kaya malabong mangyari yan."

"Hindi natin alam ate,basta mag ingat ka alagaan mo yang puso mo mahirap na sa panahon natin ngayon ang dami nang nakakalat na mga nanggagagong lalaki."

Parang natamaan ako sa mga pinagsasalita ni Rate at....... bilang isang biktima ,pero Masyado naman atang sincere tong si Rate.

"Hoy! Ba't ganyan ka kung mag-advice parang may pinagdadaanan, ........naka-experience kana noh?"

Bigla siyang namutla.
"A--ko?! Malabo, si-sige na ate matutulog na ako goodnight."

Ayun na nakalabas na.

"Hhmmmm may tanga palang nagkakagusto sa kapatid ko.Tsk makaligo na nga lang."

As usual pagkatapos kong maligo at mag-ready matulog ,bigla nanaman ako nakaramdam ng lungkot at sakit ulit ,muli bumalik nanaman sa isipan ko ang mga pinagsamahan namin ni Carl ,masaya man o masakit.

Iyak lang ako ng iyak hanggang sa dapuan na ako ng antok.

*Kinaumagahan*

Nandito na kami ni Rate sa sasakyan at patungo na kami sa School.

"Ate di pala ako makakasabay sayong umuwi mamaya kasi nag-aya sina Angelica sa Mall baka mauna kapa sa akin."

"Anong oras kayo uuwi?"

"Siguro mga 7."

"Ang dilim naman na ata niyan?"

"Sige na Ate ngayon lang naman toh eh ,pleeaaassseee."

Nagpapa-cute pa amp*ta.

"Sige basta mga 7:00 naka-uwi kana ha?"

"Oo naman promise yan, thank you ate."

"Naku! Patay ako kay manang neto eh ,sasabihin pinababayaan nanaman kita."

"Ako na bahala kay Manang ate."

Otto's POV

"Bro! Ano di ka pa din ba papasok bukas?"
Kinalabit ako ni Adrian

"Ano bang pake mo!?"

"T*ng ina naman talaga netong si Otto, tayo na nga yung concern sa kanya siya pa tong masungit."
Sabi ni Zeron

"Pabayaan niyo na yan alam niyo naman broken hearted."
Sabi ni Laron

"Pwede bah magsi- alisan na kayo, naalibadbaran ako sa mga pagmumukha niyo eh!"

"Eh ikaw tong nagyaya eh kaya tiisin mo tong mga nagwagwapuhan naming pagmumukha."
Sabi ni ulit ni Zeron

"Halika na kayo mga bro pabayaan muna natin yang si Otto magmuni-muni."
Sabi ulit ni Laron

Umalis na Sina Paron,Zeron at Adrian.

"Another glass please."

Andito ako ngayon sa isang bar, nagpapakalasing para ilimot kahit panandalian ang hindi ko kailanman makakalimutan na pangyayari kanina.

(Flashback)













You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 15, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

What If You Found Yourself Falling In love With SomeoneWhere stories live. Discover now