Chapter 17

86 9 0
                                    

"ANO???" si Doz, na nakapameywang at nakataas ang kilay sa kaniya.

Umirap si Jamie at tumayo. "I'll stay there for months, Dozen. And that's final."

Doz frowned. "For what?! For that man who made you sick?!"

Sumama ang tingin nito sa kaniya. "Pwede ba, Doz? I am not sick! At isa pa, pupunta ako roon dahil may gusto pa akong malaman!" She lied.

Hindi naalis ang pagkakatitig ni Doz sa kaniya. "Binuksan mo na ba ang envelope?" tanong nito.

Umiling si Jamie. Shit! Oo nga pala! "Nawala sa isip ko, e..." aniya.

Napahilamos sa muhka si Doz. "Ano bang nangyayari sayo?! You're not like this, Jamie! 'Yang puso mo, lumalambot!"

"Doz-"

"Jamie, natatandaan mo yung rule ng Underground di ba?! At sayo pa nagmula 'yon!"

"Doz—"

"Ang pinakaunang rule ay wag na wag lalambot ang puso para sa kahit kaninong tao dahil ito pa ang magpapahamak sayo!"

Natigilan siya roon. Napatitig siya kay Doz at nakuha ang pinupunto nito. Tama siya. Hindi ganon si Jamie noon. She is always hard-hearted. She has no mercy. Wala siyang kinakaawaang tao. Wala dapat siyang nararamdaman para sa kahit sinong tao.

"Ano, Jamie?" Huminahon na ang boses ni Doz. "Ano? Nakalimutan mo na ba? Gusto mo bang ipaalala ko sayo lahat ng sinumpaan natin pareho bago pa lumaki ng ganito yung kompanya mo?" Nawalan ito ng emosyon sa muhka at mas lalong tinamaan doon si Doz!

"Doz..." wala siyang masabi. Napipi siya.

"Jamie, matibay na 'tong Underground. Pero nang makilala mo 'yang lintik na Marco... nag-iiba ka. Lumalambot ka at hindi maganda 'yon!" Matigas na sinabi 'yon ni Doz. "Sana, sana talaga... bago ka pa tuluyang mahulog sa lalaking 'yan ay isipin mo muna ang mangyayari sayo at dito sa Underground. Sa pagkakaalala ko ay mas matigas pa ang puso mo sa kahit sinong tao. Hindi ko naman sinasabing ibalik mo 'yon pero sana isipin mo ang mangyayari. Gamitin mo ang talino mo. Santiago ka, Jamie. Santiago ka," nagpapaalala at malamig na sabi ni Doz at saka siya tinalikuran.

Napailing siya at inisip nga ang sinabi ni Doz.

'Tama siya... hindi ako ganito dati. Lagi akong may plano sa bawat pupuntahan. Sa bawat gagawin ay may nakahanda akong resbak... lagi kong ginagamit ang utak ko maski sa paghugas pa ng pinagkainan...' sa isip ni Jamie. 'Pero bakit ngayon ay hindi ko magawa 'yon? Dahil nga ba... dahil nga ba nahuhulog na ako sa kaniya?'

Nag-isip pa ng nag-isip si Jamie hanggang sa makabuo siya ng sariling plano bago umuwi sa Pilipinas.

"MARCO, DAPAT tapos na ang project na 'to next month..." ani ng boss ni Marco sa kaniya at nilalag ang paperworks sa lamesa niya.

"Okay, sir." Wala siyang magawa kundi umoo dahil hindi niya ito pwedeng hindian.

At nga pala, nagtatrabaho siya sa isang malaking kompanya. Isa siyang office worker. Mabuti ay Computer Engineering ang tinapos niya dahil doon din nakapokus ang trabaho niya.

Pinagpatuloy niya ang pagtatrabaho nang sumagi sa isip niya si Jamie.

'Is she okay? Kamusta na kaya siya?'

T____T

'Tatawagan ko nalang siya!'

Nagring nag ilang beses at sinagot din ni Jamie ito.

"Hey, hi... kailan ba uwi mo? I really miss you..." bungad ni Marco! Hindi naman halatang namiss ko siya.

"Hmmm... bukas... siguro?" Aniya.

'I really wanna see her! Buti na lang at uuwi siya bukas!'

"Oh! Alright then... I'll pick you up at the Ymendez Airlines. What time?" he asked, full of curiosity and... excitement.

"Maybe in the afternoon..." ani Jamie.

"Okay, I'll see you tomorrow..." Marco said.

"Yeah, thanks, I'll end this call now..." ibababa niya na sana ang tawag pero-

"And wait!" humabol ng sigaw si Marco. "Ah—hmm... I just wanna tell you that I miss you!"

"Oh—"

Toot! Toot! Toot!

Marco ended the call!

'Shit, bakit ganon? Kalalaki kong tao... pero kinikilig ako.'

-_____-

Totoo ang sinabi niya. Namimiss niya na talaga ang dalaga kaya naman susunduin niya ito bukas. Sa totoo lang ay nagkakagusto na siya rito pero nahihirapan siyang umamin dahil ayon sa pinsan nitong si Jaxine ay hindi naniniwala si Jamie sa love.

Sa kalagitnaan ng pag-iisip ay nagvibrate ang phone ni Marco.

From: Pierz

Hey, sick. Nasa manila ako. Saan ka ba rito?

Nangunot ang noo niya sa nabasa. Ano namang ginagawa ni Pierz dito?

Agad niya itong tinawagan, dahil tinatamad siyang magtype. Marahil pagod na rin ang daliri niya dahil sa kakatipa sa computer.

"You shit, why are you here?" Bungad niya rito.

"Ang gandang hello naman nyan, Apollo..." batid niyang nakangiwi ang kaibigan niya sa kabilang linya.

"Oh? Hello then," sarkastiko nitong bati.

"Hi," nang-aasar din namang bati ni Pierz.

Ganyan silang magkakaibigan.

"Seriously, bro, bakit ka nandito sa manila? I thought you were having fun in Visayas." Tanong ni Marco.

"Natanggap ako sa kompanya mo."

Nanlaki ang mga mata ni Marco! "What?! But you took business when you were in college!"

Bumuntong hininga si Pierz. "You forgot that I'm too intelligent? Martinez, well?" Nagyayabang ang boses nito.

"Oh! You forgot that your surname is Collins and not Martinez, well?" Nang-aasar na giit ni Marco sa kaibigan.

"Pakyu ka." Mariing ani Pierz. "By the way, may plano pala sila Tita Wena. Malapit na ang birthday ni Matt, I think they'll drop a party next week."

"Sige, magdaday off ako sa birthday ni Matt. Saan daw ba?"

"Gusto nila rito sa Manila. Tutal may ipon naman sila Tita. At isa pa, mayaman ang girlfriend ni Matthew, baka nakakalimutan mo. Jaxine Demetria D. Santiago, eh?"

"Mayaman din naman ang girlfriend mo."

"Tsss! Bye!"

Natatawang binaba ni Marco ang phone niya.

His phone beeped again.

'Ang kulit naman nitong Pierz na 'to!'

But he's wrong. It's not Pierz. It's unknown number!

From: Unknown

Your girl is too dangerous. Be careful.

Naguguluhang napatitig siya roon. 'What does it mean?'

The Innocent Master [JDDS SERIES #2] (COMPLETED)Where stories live. Discover now