Chapter 22

78 8 0
                                    

NAGISING si Jamie sa mabangong amoy. Napabangon siya at nag-inat. Tumayo siya at nagsimulang maglakad.

Ouch! Napakagat siya labi nang maramdaman ang kirot sa pagitan ng hita niya!

"Shit..." she cussed.

Iika-ika siyang maglakad pero nabigla siya agad nang bumukas ang pinto ng kwarto! Nanlalaki ang mga mata niyang tinignan si Marco.

May dala itong pagkain sa isang tray. "Bakit ka tumayo agad? Maupo ka..." mahinahong anito.

Nabigla si Jamie sa pagiging mahinahon ni Marco. She's expecting him to be angry, again! Kasi nagsinungaling siya!

Naupo siya sa kama at umusog pa sa bandang gitna para makaupo rin si Marco. Paglingon niya sa kanang bahagi ng kama ay napamaang siya dahil may dugo roon. It's her blood! Her virginity!

Umawang lamang ang mga labi niya at 'di na nagsalita.

"Masakit pa ba?" Nag-aalala nitong tanong.

Tumango si Jamie. "S-Sandali lang, magbabanyo l-lang ako..." tumayo siya at iika-ikang naglakad papunta sa CR na may kalayuan sa kama ni Marco.

"I'll help you," he insisted and helped her. Binuhat niya ito ng pa-bridal style na ikinalaki ng mata ni Jamie!

"Marco..." wala sa sarili niyang usal.

"Hmm?" Himig nito at nakarating sila sa tapat ng pinto ng CR. "Sige na, magbanyo ka na. I'll wait for you tapos kakain na tayo..." marahang sabi nito.

Tumango lamang si Jamie at pumasok sa banyo. Naghilamos siya at nagmumog.

"By the way, wag ka ng mahiyang gamitin yung toothbrush ko, ginamit mo naman yan nung isang araw!" Pasigaw na sinabi 'yon ni Marco mula sa labas.

Namula naman siya agad sa naalala! Napapikit siya nang mariin at kinuha ang toothbrush ng binata. Oo, ginamit niya na 'yon mula pa noong isang araw dahil pinipilit ito ng binata.

Nagpunas siya sa towel na nakasabit doon at lumabas sa banyo. Agad na dumapo ang paningin ni Marco sa kaniya.

"Tara, kakain na tayo..." ani Marco at binuhat muli siya sa ganoong posisyon.

Tuloy ay hindi maiwasang isipin ni Jamie na mag-asawa sila at honeymoon nila! Ano ba, Jamie, napakalandi mo!

Nang marating nila ang kama ay kumalam na ang sikmura niya. Naroon ang paborito niyang umagahan!

"Wow... this is my favorite..." natatakam na sinabi 'yon ni Jamie at agad na kumuha ng kutsara't tinidor at nilantakan ang pagkain.

He chuckled. "Really? Paborito mo ang tuyo, itlog at sinangag?" Tumango siya. "Akala ko ay tatanggihan mo ang almusal na 'to..."

Jamie looked at him. "Bakit ko naman tatanggihan ang luto mo?" Seryosong tanong niya.

Namula naman ang pisngi at tainga ni Marco sa sinabi niya! "Fuck it, kumain na nga tayo!"

Natatawa niyang pinagpatuloy ang pagkain niya. Ang sarap-sarap talaga ng tuyo!

"Kailan mo pa naging paborito ang tuyo? Eh, ang yaman-yaman niyo..." ani Marco habang ngumunguya.

Nilunok muna ni Jamie ang nginunguya niya at uminom ng tubig na nakalagay din sa tray.

"Bata pa lang ako ay paborito ko na ang tuyo na ka-partner madalas ng sinangag," kwento niya. "Pinagbabawalan nga nila akong kumain niyan bata pa lang... hindi raw kasi yan pagkain ng mga mayayamang tulad namin," dagdag niya.

"Apaw talaga ang kayamanan ng mga Santiago, 'no?" Namamanghang tugon ni Marco. "Balita ko ay may mga mansion kayo sa iba't ibang pulo."

"Hindi na sakop sakin 'yon. Dahil ang nag-iisang bahay ko ay ang nasa Deluxe Subdivision. Bahay naming tatlo nila Jaxine 'yon..." tanging nasagot ni Jamie.

Ngumiti lamang si Marco at tumitig sa kaniya. Maya-maya pa ay nawala ang ngiti nito sa mga labi at na-gui-guilty na tumingin kay Jamie.

"Jamie..." tawag ng binata.

"Hmmm?" tumingin si Jamie sa kaniya.

Tumayo ito at pumwesto sa likod niya. Kalauna'y naramdaman niya ang mga kamay nito sa bewang niya at ang muhka ni Marco ay nakasubsob sa pagitan ng leeg at balikat niya.

"I'm sorry, baby... I'm sorry I hurt you..." namamaos at parang iiyak na sinabi ito. "Makikinig na ako sayo. I'm really sorry..."

Nabigla siya at hindi agad nakagalaw. "I'm sorry din..."

"No... No..." lumayo si Marco sa kaniya at hinarap siya sa kaniya. "I did this you..." hinaplos nito ang labi ni Jamie na may sugat. "And I took your virginity..." nagsisising aniya at naluha!

Agad na pinunasan ni Jamie 'yon at hinalikan ang pisngi niya. "It's okay, Marco... kasalanan ko 'yon..." pag-aalo ni Jamie.

Naguguluhang tumitig sa kaniya si Marco. "A-Ano?"

Huminga siya nang malalim at tumitig sa mata ni Marco. "I know your father..."

"H-How? At bakit mo gustong itago sakin?" Mahinang tanong niya.

"It's because of my company... one day, I'll show you my everything..." may pagsuyo sa boses ni Jamie at hinaplos ang pisngi ni Marco.

Marco just smiled. "Jamie..."

"Yes?"

"I love you..." seryosong sabi ni Marco habang nakatitig sa mata niya!

Natigilan si Jamie. Napaawang ang labi niya at hindi malaman kung ano ang sasabihin!

Hindi siya nakasagot at walang ano-ano'y hinalikan siya ni Marco!

Hinalikan siya nito nang mas marahan. May damdamin. May pagmamahal.

Tinugon niya 'yon at sa halik na 'yon... alam niya na ang sagot.

"I... I.. I love you t-too..." usal niya nang maghiwalay ang mga labi nila.

The Innocent Master [JDDS SERIES #2] (COMPLETED)Where stories live. Discover now