Chapter 16

10.7K 364 37
                                    

ISAAC

HALOS lumawit ang dila ko sa walang humpay na lakaran. Ang mga tuhod ko ay hirap na hirap sa paghakbang. Napatingin ako sa mga kasama ko. Parang cool na cool lang sila. Ganoon na ba ako kahina at ako ang palaging ganito? Napalatak ako. Tanginang kamote iyan!

"Major Manuel, malayo pa ba ang kampo ng mga sundalo?" tanong ko sa kanila. Hindi ko na alam kung ilang oras na kaming naglalakad. Tanging ang sikat ng araw na lang ang pinagbabasehan namin kung tanghali na ba or hapon na. Katirikan ng araw kaya siguradong  alas dose na ng tanghali.

"Medyo malayo pa. Wala pa tayo sa 1/4. Kung sana may sasakyan kanina pa tayo nakarating doon. Malabo namang magkaroon dito. Madalang ang mga nagagawi dito. Alam nilang teritoryo ito ng mga terorista kaya iniiwasan nilang mapadaan dito," sabi nito.

"I think we need to rest for a while. I'm so tired," reklamo ko. 

Nagugutom na din ako. Kanina pa nagrereklamo ang sikmura ko. Wala na akong maitae kasi walang laman ang tiyan ko. Ano pa ba ilalabas ko? Maalala kong hindi pa ako nagtotooth brush, ilang buwan na ba? Puro cavity na itong ngipin ko. Bumuga ako para amuyin ang hininga ko. Nangamot ako ng ulo. Nakahihiya makipag-usap. Amoy niyog ang hininga ko. 

"Okay, we need to rest a few minutes. Hindi dapat tayo abutan ng gabi dito. Delikado," sabi ni Major Manuel. May nakita kaming isang malaking puno. Mayabong ang mga sanga nito.  Doon kami nagpasyang magpaghinga muna.

"Why?" nakakunot na tanong ko rito.

"This trail is where the terrorist is passing by. Baka mapadaan sila dito. Mapapalaban tayo. Wala pa naman tayong armas. We just only have this." 

Itinaas niya ang mga sibat na ginawa namin. Kinuha ko ang kawayan na pinaglagyan namin ng tubig. Mayroon kaming lahat na ganito para sa paglalakabay namin. Parang nagha-hiking lang kami. Pero naliligaw kami sa gitna ng malawak na kagubatan na puno ng mga terorista.

Ilang minuto din ang ipinahinga namin. Nagpatuloy kami sa paglalakad. Napahinto kami ng sumenyas si Major Manuel na huminto kami. Nagtago kami sa mga puno.  May mga teroristang dumaan. Inilabas ko ang swiss knife. Kailangan namin ng armas. Nagsenyasan kami na ready to attack. Nagkani-kanya kami ng hila sa mga nahuling naglalakad na mga terorista. Wala man lang nakapansin ni isa sa mga kasamahan nila. We stubbed them in the heart and slashed their neck. I know this is brutal death, but we need to survive and beside they kill so many innocent people. Ano'ng kaibhan sa ginawa namin sa ginagawa nila? Mas hindi makatao ang ginagawa nilang pagpatay. Kahit mga bata wala silang patawad.  Nakakuha kami ng mga armas na walang kaalam-alam ang mga kalaban. Sumenyas si Major Manuel na kumalat kami. Nagsihanda kami sa kani-kanya naming puwesto. Nakaramdam ang mga kalaban na nabawasan na sila kaya umatake na kami. 

MARIEYAH

HINDI ako mapakali sa kinauupuan ko habang naghihintay ng balita sa TV. Napatayo ako nang marinig ko ang balita sa TV tungkol sa mga sundalong mga nadukot. Ayon sa balita na-rescue na daw ang mga sundalo. Nabuhayan ako ng loob nang marinig ko ang balita. Nadismaya ako nang hindi binanggit ang mga sundalong na-rescue. Tinawagan ko ang pinsan kong si Daphne.

"Cus, punta tayo ng Mindanao! Magpa-book ka ng ticket natin ngayon din! Na-rescue na ang mga sundalong nadukot," utos ko sa pinsan ko.

"Sige magpapa-book na ako!" napahawak ako sa dibdib kong sobrang tibok. Hindi ko alam kung sa nerbiyos o sa excitement dahil makikita ko na si Isaac the carabao.

Nakarating kami sa Zamboanga at nagpunta kami agad sa General Headquarter ng mga sundalo. Kahit hindi nila kami pinayagang makapasok dahil restricted ang lugar at walang pinapapasok na mga civilian. Napansin kong madami ang mga taong naghihintay sa labas. Baka kamag-anak din ng mga sundalong nadukot.

BARAKO SERIES 7  Faraway (Isaac Dela Costa Story)Where stories live. Discover now