Chpater 11 : He caught me

1 0 0
                                    

~Camila~

Uwian na at dali dali akong nagtago sa likod ng building, ayaw ko lang kasing matulog sa condo ni Liam, aish di siguro ako makakatulog ng mahimbing pag kasama ko siya.

"Psssst" biglang kinabahan ako at napalundag sa gulat.

"Hoy baklaaaaa" bungad ni Fiona,

"Dyusmio Jose!!! halos mamatay ako sa gulat!" Reklamo ko at inirapan niya ako, kasama niya si Karen ngayon na halatang nagtataka kung bat ako nagtatago.

"Kung maka Jose toh wagas! Call me Fiona nga eh kulit mo" naiinis niyang sabi at di na ako umimik.

"Teka nga gurl!!! Bakit ka nandito sa likod ng building?" Nagtatakang tanong ni Fiona.

"Ang weird mo, may pa spy effect ka pa dyan sa mga halaman! Nagtatago ka ba? " naguguluhang tanong ni Karen...

"Siya nga pala gurl!! Hina-"

"Shhhh" putol ko sa sasabihin ni Fiona.

"Nagtatago ako kay Leon, baka may gagawin yung masama sa akin sa condo niya, baka pagtangkaan pako nun hay naku! .. at isa pa Di ko alam kung anong tumatakbo sa isipan nun" pagpapaliwanag ko...

"Condo!!? Bakit anong gagawin nyo sa condo?" Tanong ni Fiona? "Wag ka na ngang makulit basta long story... pag nakita nyo si Liam sabihin nyo na nakauwi na ako! At sinundo ako ng mga kuya ko" Wika ko

"Hmm? So sino pinagtataguan mo?" Nabigla ako sa narinig kong pamilyar na boses, napapikit ako ng madiin. Ughhh kainis! Nahuli pa talaga ako... Nagkatinginan si Karen at Fiona.

"I'm harmless hon nothing to worry" bulong niya at hinarap niya ako sa kaniya.

"I'll try my best to behave" kinindatan niya pa ako at pinalo ko ito ng malakas.

"Langya ka! Tigil tigilan mo nga yang pagpapa cute mo at pagiging manyak mo!" Sigaw ko at tumawa lang ang loko, umiilag siya sa bawat palo ko hanggang sa nahawakan niya ang dalawang kamay ko at napasandal ako sa brick wall.

"Hehe mukhang busy kayo, mauna na kami ni Karen gurl ha? Byerss!" Pagpapaalam ni Fiona sabay hila kay Karen... bago pa ako makapagsalita ay mabilis na silang nakaalis.

Unti unti niyang nilapit ang mukha niya sa akin, Tumatalon ang puso ko sa kaba na may halong kilig, di ko dapat ito maramdaman ngunit may parang kakaiba kay Liam na kinokontrol ang buong katawan ko.

"Oh ba't natigilan ka?" Tanong niya, I saw a playful smirk on his face at napairap nalang ako.

Unti-unti niyang binitawan ang kamay ko at diretsong nakatingin sa mata ko, halos tumigil ang pagtibok ng puso ko nung hinawi niya ang buhok ko and electricity flows down to my body the moment he caressed my cheek.

"God, you're making me crazy" pabulong niyang sabi, palapit ng palapit siya sa akin at halos di ako makahinga nung ipinagdikit niya ang noo namin... Malapit nang dumapo ang mga labi namin sa isa't isa nang-

"Tol! Pahiram ako ng ballpen bukas para sa-" di natuloy ang sasabihin ni Max nang nakita niya kaming dalawa.

"Don't you dare tell them!" Pagbabanta ni Leon at tulala si Max sa aming dalawa. Biglang tumakbo si Max at sinubukan siyang habulin ni Leon ngunit masyado na itong malayo.

Ang awkward ng ginawa namin ni Leon.. Paano ba yun nangyari? Muntik ko na siyang mahalikan! Dyusko! Paulit ulit sa utak ko ang sinabi niya..

God you're making me crazy
God you're making me crazy

Sumunod na ako sa kaniya sa parking lot at tahimik lang siyang nagmamaneho. Halos mabingi ako sa katahimikan naming dalawa.

"Yung sinabi ko kanina, it was nothing" pagbabasag niya sa katahimikan, kasabay ng konting pagkirot sa puso ko... Ewan ko ba kung bat ako nagkakaganito.

"Hayss, halos mabaliw ako sa kaiisip! Walang hiya ka!" Pabiro kong sambit at natawa nalang kaming dalawa.

Narating na namin ang condo at bumungad sa akin ang napakalaking penthouse, nakadisplay dito ang napakaraming mamahalin na gamit and combination of black and white ang design ng penthouse niya.. Tanaw na tanaw ang matataas na building dito.. Lumabas ako sa veranda at malamig na hangin ang sumalubong sa akin.

"Enjoying the view?" Tanong ni Leon na biglang sumulpot..

"Oo naman.. Sino bang may ayaw sa ganda ng matatanaw mong ganito" sagot ko at ngumiti siya sa akin.

"Well my mom, she's afraid of heights and di niya gusto ang mamuhay dito sa city and see all these buildings" tiningnan ko siya na nakatanaw rin sa magandang view.

"San na nga pala ang mom mo?" Tanong ko and I saw the hint of sadness on his face.. Parang mali atang natanong ko ito sa kaniya.

"Iniwan niya kami ni Dad nung nalaman niyang may kabit ang Dad .. I tried to convince her that I'll come with her pero di siya pumayag.. After that day binibisita niya nalang ako palagi sa school hanggang sa isang araw ay di na ito nagpakita sa akin" malungkot niyang pagpapaliwanag at nakayuko ito.

"I remembered mom told me about a story of a girl being an undercover agent and many bad guys are chasing that girl.. It hits me, siya yung babaeng kinukwento niya.. Last 2 years nabalitaan nalang namin ni Dad na namatay na si mama dahil sa shark attack daw sa Chicago" dugtong pa niya at agad niyang pinunasan ang luha niya.

"Hays naniniwala pa rin akong buhay si mama hanggang ngayon dahil di ko nakita ang bangkay niya" mapait siyang tumawa, it must have been hard for him growing up without his mom, without a complete family.

"I'm sorry about your mom" malungkot kong sambit at napailing siya.

"No need to be sorry" sagot niya sa akin at tumayo, papasok na sana siya nang bigla siyang lumingon uli sa akin.

"Oo nga pala.. Linisan mo ang buong penthouse, that's your task for tonight, mag-oorder lang ako ng kakainin" bumalik na naman ang masungit na Liam, pshhh.. Kainis nakalimutan ko na tuloy na may atraso pa pala ako sa kaniya, hahays.

"Teka lang, I'm sure hinahanap na ako ng mga kuya ko, ni mom at dad.. Its getting late.." pagpapalusot ko kaso mukha naunahan na ako ng gago.

"Don't worry nagpaalam na ko kay kuya Philip kanina... Nagkita kami sa studio and I told him na may group study tayo and I will take good care of you.. Of course naman, ang alam nila I'm your fiancé and I will never do anything stupid" Sambit ni Leon sabay kindat.

"Grrrrr you are getting into my nerves Leon... !!!" Sigaw ko at tumawa lang ito.

"Hon, babe, sweety.. Its Liam! lahat ng malapit sa puso ko calls me Liam!" Mahabang salaysay ni Leon at naka ngiti ng malawak..Wala na akong nagawa dahil alam kong panalo na sya.

Hidden AgendaWhere stories live. Discover now