"Ang galing niya no? Imagine na isaulo niya yung mga Early Developments in Electronic data possesive" sabi ni Shekiah habang naglalakad kami palabas ng University kaya napa irap nalang ako.
"Its data processing not data possesive" sabi ko kaya napatigil siya sa paglalakad at napatakip sa bibig niya. Ipinapakita niya sa akin na wala siyang kamalay malay na nasabi niya yung word na yun. "Yan kasi kong ano-ano yung binabasa kaya iba na yung na sasabi" pangangaral ko sa kanya. Paano ba naman eh ang hilig hilig niyang magbasa ng mga Possesive series.
"Ikaw talaga beshy ang judgemental mo" sabi niya sa akin sabay pulupot ng braso niya kaya natawa nalang ako.
Hindi ko talaga inakala na magiging kaibigan ko ang bruhang to. Taliwas kasi siya sa mga ugaling ipinapakita ko.
"Maam pinapasundo na po kayo ng mommy mo" bungad sa amin ng Driver nila Shekiah kaya napa pout siya sa akin. "Pano ba yan beshy, bukas ulit?" Sabi niya kaya napatango nalang ako bago siya pumasok sa kotse.
"Bye! Ingat ka! I love you beat frieeeeeennndddddddd" sigaw niya kaya napangiti nalang ako sa kakulitan niya.
Siya si Shekiah Mendoza, anak ng isang Board of Director. Marami yung business nila sa pilipinas piro kahit ganun ay simple lang siya.
Taliwas naman kaming dalawa ni Shekiah. Siya mayaman ako mahirap lang. Actually scholarship lang yung dahilan kong bakit ako nakapag-aral sa Anderson University. Grade 7 ako ng mag start akong mag-aral sa AU at hanggang ngayon na grade 11 na ako. Humanities and social sciences naman yung strand na kinuha ko at ganun din si Shekiah. Ayaw niya kasi sa ABM dahil ayaw na ayaw niya yung math subject kahit na mayroon din naman sa HUMSS.
Napatingin ako sa orasan at nakita kong 4 pm palang kaya napagdesisyunan kong tumambay nalang muna sa park na kung saan katabi lang ng bahay nakin.
Agad akong umupo at pinagmasdan ang paligid. Maraming mga batang naglalaro at naghahabolan. Marami ring pamilya ang namamasyal kaya hindi ko mapigilan ang malungkot. Grade 6 ako ng simulang maulila ako. My mom died because of an accident habang nakasakay siya sa barko papuntang Cebu. Hindi ko alam kong ano ba talaga yung nangyari sa pagkalubog ng barko basta ang sinabi sa akin nila aunte na siyang kapatid ni mama na maysinagip daw si mama na isang batang lalaki. Hindi ko alam kong sino at kung ano yung dahilan.
Simula din ng mamatay si mama ay iniwan na din ako ni papa. Iniwan niya ako ng mag-isa sa buhay at grade 8 ako ng matuklasan kong may bagong pamilya na si papa. Same age lang din kami ng dalawa niyang anak niya kaya sinabi sa akin ni Aunte na matagal na palang may kabit si papa kaya pala palagi kong napapansin na umiiyak ng palihim si mama.
Naiinis ako, bakit ba may mga taong hindi makuntento sa buhay? Tapos ngayong generation pa nagkalat na yung mga manloloko na walang ibang ginawa sa buhay kundi ang paglaruan ang mga kababaehan.
*click (captured)
Napatingin ako sa harap ko ng madinig ko yung pagcaptured ng Camera. Inis akong napatingin sa lalaki na kinukuhanan ako ng litrato.
"Ano ba! Stop it!" Bulyaw ko kay aka Mr. Programmer na ngayon ay nakangiti at batid kong iniinis niya ako.
"I'm sorry Miss but I need to do this" sabi niya sabay kuha na naman ng litrato sa akin habang pilit kong inaabot yung cellphone niya.
"Hindi na ako natutuwa huh!" Bulyaw ko sa kanya at tuluyan ng sumuko dahil hindi ko talaga maabot yung cellphone niya.
"Delete mo yan!" Inis kong sabi piro ngumiti lang siya.
"I'm sorry but I will not do that Miss. This is my evidence" sabi niya kaya kunot noo akong napatingin sa mukha niya.
"Evidence? Bakit ano yung ginawa ko?"tanong ko kaya napangiti siya sabay lapit ng mukha niya sa mukha ko.
Oh no! Sobrang lapit niya. I can even feel his breathe.
"Evidence that Angels does exist" sabi niya sabay tawa at agad na naglakad papalayo. Naiwan akong tulala hanggang sa matauhan ako.
"Mukha mo! Playboy ka! Paasa! Pa fall! Huwag ako Boy! Alam ko na yang galawan mo!" Sigaw ko piro kumaway lang siya habang nakatalikod.
Hmp! Playboy spotted.

YOU ARE READING
THE GUY THEY CALLED, Mr. Programmer
RomanceEvery people has their ideal man. Yung tipong mabait, matapang, matalino, talentado, gentleman, makadiyos, at higit sa lahat yung gwapo. Lahat ng yun ay nandiyan na kay Calixtrou Flinn Montefalquez, ang perfect guy kung ituring ng mga kababaehan and...