CHAPTER 15- EX

15 0 0
                                        

"Kyahhhhhhh!" napatingin kami sa gate na kung saan ay doon nanggagaling yung tilian.

Nandito kami ngayon ni Shekiah sa gilid ng stage at nakaupo habang hinihintay yung pag start ng flag Ceremony na sa tuwing Wednesday lang ginagawa.

"Famous na talaga si Calix, aka Mr. Programmer" saad ni Shekiah habang nakatingin kay Calix na ngayon ay pinagkukumpulan ng mga babae habang yung iba naman ay nagpapicture dito o di kaya ay may inaabot na regalo.

"Sikat lang dahil may itsura" pagcocorrection ko kaya natawa si Shekiah sabay tingin sa akin. "Correction, hindi lang siya basta gwapo. He's actually the definition of perfect" saad pa niya kaya natawa ako.

"Nobody's perfect" ani ko pa kaya napairap nalang siya.

Nang magsimulang mag bell ay agad na kaming luminya sa pwesto namin at nagsimula na rin yung flag ceremony.

Hindi din maiwasan ng ibang kababaehan sa likuran namin which is belong sila sa Education department na magtilian dahil malapit sila sa line nina Calixtrou, aka Mr. Programmer.

Mabuti nalang talaga at madaling natapos yung flag Ceremony at wala ng further announcement kaya nakabalik agad kami sa room namin.


"Nag review ka na?" tanong ko kay Shekiah ng makaupo na kami sa pwesto namin. Kailangan ko ding magrecap ulit para sa summative test namin sa social science.

"Hindi. Bakit? May quiz ba--- oh! syettt nakalimutan ko!" saad niya at agad na kinuha yung notes niya para magreview kaya natawa nalang ako.

Matalino din naman si Shekiah but she's not a kind of person na mag-aaral sa bahay even if its exam. Mas natututo raw kasi siya kapag deadline na o di kaya ay mag eexam na although its kind of frustrating. Yun yung pinagkaibahan namin ni Shekiah.

I'm not that kind of person that 'always do it later' for what can I do today. I dont do things by halves. Once I start it, I'll finished it. Ganun akong klasing tao. Hindi madaling sumuko.

"Good Morning Class" napatigil kami sa ginagawa namin at agad na binati pabalik si Ma'am Agnes na siyang Adviser namin.

"Wow! Ang ganda niya"
"Woah! Chix, pre!"
"Wait? Diba siya yung model sa fashion magazine?"

Yan yung mga bulong bulongan ng mga kaklase namin ng may pumasok na isang babae na siyang ka edad lang din namin at sobrang ganda nito.

Balingkinitan ito at hanggang bewang yung straight niyang buhok. May magandang hugis ito ng mukha, maputi, mapupulang labi, matangos na ilong at mas lalong nakakamangha yung mata niyang kulay brown na mas lalo naming nakikita dahil sa pagtama ng sinag ng araw sa kanya.


"Gosh! Its Neathanya Abarsinada. One of the Sexy pop-icon in model Industry. Ang ganda niya pala sa personal" dinig kong bulong ni Shekiah habang nakatingin sa babaeng yun na katabi na ngayon ni Ma'am.

"So class, I know you already know her" saad ni ma'am kaya naghiyawan yung mga kalalakihan sa likod. "Boys at the back, please be quiet. So as I was saying. Starting today, she will be your classmate on this class so please be good to her" saad ni ma'am at nag usap pa sila ng kunti at agad na pumunta sa gitna si Neathanya ba yun?

"Hi guys!" saad nito kaya naghiyawan na naman yung mga kaklase naming lalaki sa likod kaya agad silang sinaway ni ma'am. Napangiti nalang si Neathanya na siyang pagsilay ng dimple nito sa magkabilang pisnge. Actually, sobrang ganda niya talaga. I never imagine such a perfect lady like her. Mapapasana all ka nalang.

"I know I'm familiar to all of you, and I'm here in front of you to introduce myself formaly. I'm Neathanya Abarsinada. Yes I'm a model and I'm here in this University again to continue my studies. I'm hoping to meet all of you here and start our friendship. Thanks" saad nito kaya nagpalakpakan yung mga kaklase ko at ganun narin si Shekiah.

THE GUY THEY CALLED, Mr. ProgrammerOù les histoires vivent. Découvrez maintenant