48

2.2K 50 9
                                    

"Nay, hindi na ba natin makikita ulit si Tatay" humihikbing sabi Sanz habang nakayakap sa nanay niyang si Santina.

"Siguro anak" sabi ni Santina habang hinahaplos nag magkabilang pisnge ni Sanz. Nakahilig kasi ang pisnge nito sa dibdib ni Santina.

"Pero Mudra, ang gwapo ni Tatay no!" sabi ni Sanz at tumigil na sa pag iyak.

"Tsk.. Mas gwapo pa ako ron!" singit ni Seave.

"Alam mo ang epal mo! kanina ka pa! Gusto ko lang namang makausap si Tatay. Kahit sandali kating-kati ka na agad umalis" inis na sabi ni Sanz.

Hindi pinansin ni Seave ang kapatid at pumikit.

"Anak, bakit mo pala hinalikan yong kapatid mo?" tanong ni Santina sa anak na si Sam.

"Hay! sayang kapatid ko pala iyon. Chicks pa naman" naiiling na napabuntong hininga si Sam.

"Ay! kaluka talaga yong babae na yon! hinalikan ko raw siya! yakk!" sabi ni Sanz na di mawari ang mukha.

Napatawa naman si Sam sa itsura ng kapatid.

"Tawa-tawa ka pa riyan! eh kapatid pala natin iyon tapos hinalikan mo. Kadiri! Incest" sabi ni Sanz.

"Aba! Malay ko ba na kapatid natin siya " natatawang sabi ni Sam.

"Pero bakit mo nga hinalikan? kita mo sa kalukuhan mo nadamay pa ang kapatid mo" sabi ni Santina sa anak.

"Paano kasi Nay! reklamo ng reklamo sa shop na hindi raw maayos mag serve. Keyso pamali-mali raw sa pagdadala ng order sa kaniya. Pero Nay! kinausap ko muna siya ng maayos. As in nagpakagentle man ako, dahil nakakahiya sa mga customers. Pero madadak kaya ayon! hinalikan ko siya. Di nanahimik siya" natatawang kwento ni Sam.

"Eh! Lukaret pala Mudra yong babae na yon eh!" sabi ni Sanz.

"Tahimik nga!" sigaw ni Seave at tinakip ang kaliwang braso sa mata.

Tumahimik na lang silang tatlo. Yumakap si Sanz sa ina. Si Sam na hinilig ang ulo sa balikat ni Santina.

***

["Salvi, where the hell are you? at hinayaan mong ibang tao ang maghatid sa anak natin!"] galit na sabi ni Monica kabilang linya.

"Jam is a good person, no need to worry about Millie" sabi ni Salvi habang nakatuon ang atensiyon sa kalsada.

["Saan ka ba pupunta? Kay Santina no? diba napag usapan na yan natin nila Mommy?"] sabi ni Monica.

"Yes, I know" malamig na sabi niya.

["This is your Mom's wish. Gusto mo ba na sabihin ko sa Mommy mo at atakihin na naman siya ulit"]

"Don't you dare, Monica. Kung hindi ay makikipag divorce ako. Tutal ay sa U.S tayo kinasal kaya hindi mahirap gawin iyon"

["Do whatever you want. Pero makakarating ito kay Mom na mas pipiliin mo si Santina over her"] pinatay nito ang phone pagkasabi nito.

Napabuntong hininga si Salvi. At naalala ang kasunduan nila ng Ina.

**

"Papayag akong magpagamot kung papakasalan mo si Monica" sabi ni Sabrina. Medyo maputla na ito.

"S-Sige, basta magpagaling ka lang. I will do anything. Even it against in my happiness" sabi ni Salvi.

Agad silang nagpakasal ni Monica sa Howes. Hindi kasi alam ng Mommy niya na hindi kaniya ang pinagbubuntis ni Monica. Kaya makapilit na pakasalan ni Salvi ang dalaga ay ganon na lang. Gusto man niyang sabihin sa iba ay ayaw na niyang mastress ito.

"Your Mother is need a good environment, healthy, no stress. Because if its not your mothers life will risk. She is a cancer survivor but her heart is still weak." sabi ng Doctor.

***

Nagpaderetso sila Seave sa Hacienda Quiatzon. Dahil alam nilang sa bahay nila dederetso si Salvi.

"Hello!! Lolo" bati ni Sanz sa lolo, agad na niyakap nito si Samuel. Ang dalawang kambal at Santina ay nagmano sa matandang nasa wheelchair.

"Napadalaw ata kayo?"hindi makapaniwalang sabi ni Samuel sa mga ito.

"Lo, pwede po ba na rito muna kami " sabi ni Seave na seryuso ang mukha.

"Bakit?, ano problema?" worried na tanong nito at hinawakan ang kamay ni Santina.

"Papà, Nagkita kami ni Salvi. Alam na niya tungkol sa tatlo naming anak" sabi ni Santina.

"Ano ginawa niya nung makita kayo?" tanong nito. Tinulak ni Santina nag wheelchair ng ama papuntang garden. "Mga apo, mauna na kayong matulog. Kakausapin ko muna ang Nanay nyo" baling ni Samuel sa mga apo niya.

"Goodnight, Lolo" sabi ng tatlong kambal. Humalik muna si Sanz bago sumunod sa dalawang kambal na pumasok sa kwarto na nakalaan para sa kanila. If case na dumalaw sila sa Lolo nila. Pinasadya iyon ni Samuel, dahil simula ng malaman ni Santina ang tungkol sa ama at dahil sa apo nito. Minsan pinagstay sila nito sa Hacienda para makabounding naman sila. Dahil tumatanda na ito at kailangan sulitin ang mga bawat sandali ng buhay nito.

"Hindi ko pa alam, Papà. Basta ayaw ko lang na makasira pa ng pamilya" sabi ni Santina at naupo sa sofa. Hindi niya talaga inisip na magkikita sila sa ganoong sitwasyon ni Salvi.

"Anak, ano man ang desisyon mo, suportado pa rin kita. At pagsinaktan ka ulit niya. Hindi nako mananahimik" seryusong sabi ni Samuel.

Kahit na matanda na ito ay makapangyarihan pa rin at maraming kapit sa mataas na tao. Kung sakali man na saktan nito ulit ang anak niya hindi na siya magdalawang isip na gumawa ng hakbang.

"Salamat, Papà. Pero pinuproblema ko talaga, si Seave. Galit siya kay Salvi" sabi ni Santina.

"Hindi mo naman, mapipigil ang gustong madama ng apo ko. Lalo na si Seave, sa kambal siya ang pinakamatigas " sabi ni Samuel . "Sige, matulog na tayo at wag mo munang problemahin ito masiyado" dagdag pa ng ama ni Santina. Hinalikan siya nito sa noo.

"Sige, magandang gabi" sabi ni Santina at pumasok na siya sa loob ng kwarto.

Hindi niya makalimutan ang itsura ni Salvi na nag bago ang panahon pero ito ay hindi parin kumukupas ang taglay nitong kagwapuhan. Hanggang ngayon nandoon pa rin ang pagmamahal niya rito. Kaya hanggang ngayon hindi parin mawal ang sakit sa tuwing maiisip na ganon ang nangyari sa kanila. Walang pinatunguhan ang pagmamahalan nila. Pero ayos na sa kaniya na nakita niyang masaya ito sa pamilya nito. Kaya kuntento na siya. Kahit ang mga anak na lang niya.

Napabuntong hininga siya at pilit na matulog.

...................

A/N: Sorry late UD po. Pinadami ko po muna ang chapters para isang bagsakan na lang.

 BEAUTIFUL ERRONEOUSWhere stories live. Discover now