49

2.1K 58 4
                                    


" Manong, pwede po bang magtanong?" sabi ni Salvi sa nadaanan niyang matandang lalaki.

"Magandang gabi po. Señorito Salvi. Sige po, ano po ba yon?" magalang na sabi ng matanda.

"Ahm.. Alam nyo po ba ang Hacienda Arrelano?" tanong niya dito.

"Ah! oho! kaso pagkakalam ko wala po sila riyan. Dahil ang sabi po ay may pinuntahan pong handaan. Kaso hindi ko po alam. Kung ngayon po ay nandiyan na sila " kamot-kamot na sabi ng matanda. "Pero diretsuhin nyo lang po ang daan na iyan makikita nyo po ang Hacienda Arrelano" pagtuturo ng daan nito sa kaniya.

Napaisip siya baka yung sa sweet sixteen ng anak ni Jam ang tinutukoy ng matanda.

"Ah! sige, Salamat ho!" nakangiti niyang sabi sa matanda.

"Walang ano man ho!" sabi ng matanda. "Sige ho! mauna na ako at hinihintay na ako ng pamilya ko" dagdag pa nito.

"Sige, salamat po ulit" sabi niya sa matanda saka pinaandar ulit ang kotse.

Susubukan niyang pumunta ng Hacienda baka kasi nandoon ito.

***

Pagkadating niya roon napansin niyang may ilaw sa bahay. Kaya nagbusina siya ng malakas. Nakita niya na may lumabas na trabahador at nagtungo sa gate.

"Ano po ang kailangan ninyo?" magalang na tanong ng matandang babae.

"Ahmm.. Dumating na ba sila Santina at mga anak niya?" tanong niya.

"Ay! wala pa ho! ano po ba ang sadya ninyo kay Señora Santina at sa mga bata?" magalang na sabi ng matandang babae." Pero nandiyan po sila Señor Rei at Señorita Mimay saka yung kambal na pinsan ni Señor Rei" dagdag pa nito.

"Ahm.. Pwede bang makausap ko si Rei?" sabi niya .

"Sige po, tatanungin ko lang po siya" sabi nito bago tumakbo papuntang Mansion.

Few minutes dumating ang babae na nakausap niya kanina.

"Señor, wala rin po pala sila. Biglang lumuwas ng Manila" sabi ng matanda. "Pasensiya na ho! gusto ko man po. Kayong papasukin kaso baka mapagalitan ako" dagdag pa nito.

"Its ok, salamat na lang at pakisabi na pumunta ako rito. Kapag umuwi na sila" nakangiti niyang sabi bago pinaandar ang kotse.

Bigla siyang nalungkot dahil ramdam niya kasi na pinagtataguan siya ng mag ina niya.

Pero hindi parin siya nawawalan ng pag asa na mabuo niya ang pamilya niya kasama si Santina. He really missed her so much. Kanina nga ng makita niya ito gusto niyang halikan at yakapin ito tulad ng dati. Napabuntong hininga siya at dumiretso sa Bar sa Bayan. Gusto niya munang magchill kahit papaano. Ayaw niya rin munang umuwi sa Manila.

***

"Sanz, tara umuwi na tayo. Baka magalit sa atin mga kapatid mo. Kapag nalaman nila na nagpunta tayo rito" sabi ni Santina kay Sanz.

Ang luko-luko niya kasing anak ay inaya siyang mag bar. Dahil hindi siya makatulog tapos ito rin hindi pa natutulog ng makita siyang nasa terrace na nagpapahangin. Naturingang menor de edad palang ay alam na ang ganitong bagay. Hindi rin naman kasi halata na bata pa ang anak niya dahil sa tangkad nito.

"Mudra! Minsan lang ito. Don't worry kapag may gumalaw sayo, ako bahala" sabi ni Sanz .

"Nako! Bata ka! Halika na at pinagtitinginan na tayo ng mga tao rito" sabi ni Santina.

Totoo yon, halos lahat ng tao nakatingin sa kanila. Lalo na kay Sanz.

"Ok" suko ni Sanz.

Naglakad na sila paalis ng bar ng biglang may humarang sa kanila. Nanlaki ang mata ni Santina.

"What are you doing here the both of you?" seryusong tanong nito.

"Ah-Eh!" nauutal na sabi ni Sanz.

"U-Uuwi na kami, padaanin mo kami" sabi ni Santina na nakayuko. At hinila si Sanz pero napahinto siya ng hawakan nito ang braso niya.

"Can we talk please, mahal?" malambing na sabi ni Salvi.

"Talk daw Mudra" kinikilig na sabi ni Sanz.

"W-Wala na tayong dapat pag usapan pa " sabi ni Santina.

"Meron, please. Kausapin mo naman ako" pakiusap ni Salvi at hinawakan siya sa kamay.

"Sige na Mudra" tulong ni Sanz sa Ama.

"Sige, saglit lang" sabi ni Santina.

"Ah! Pudra, pwede ba na mauna na akong umuwi? total mag-uusap naman kayo ni Mudra eh!" sabi ni Sanz.

"Sanz-"

Hindi na natuloy ni Santina ang sasabihin ng tumakbo ng paalis si Sanz.

"Pwede ka bang sumama sa akin? para makapag usap tayo ng maayos" sabi ni Salvi.

Tango lang ang sagot niya.

***

Hindi mapigilang sulyap-sulyapan ni Salvi, si Santina na nakatingin lang sa labas ng bintana habang nagbibiyahe sila. Nang makarating sila sa Condo na binili niya rito sa Santa Isabela saka lang siya nagsalita.

"Kumusta ka naman?" basag niya sa katahimikan.

"Ayos naman" simpleng sagot nito.

"Bakit mo pinaputol ang buhok mo? mas bagay sayo ang mahaba" sabi niya.

"Mainit kasi" sabi ni Santina.

"Ganon ba? bakit dati hindi mo pinaputol kung mainit din" curious na tanong niya.

"Hmm.. Sabi kasi ni Sanz kailangan ko raw na bagong hair cut. Kaya ako nagpagupit" sagot ni Santina.

"Kumusta naman ang mga kambal?" tanong ni Salvi.

"Ayos naman sila pero mga pasaway at makukulit sila minsan, lalo na si Sanz at Sam laging nagbabangayan, si Seave naman tahimik lang. Nag aaral sila, grade 9 na at lahat sila ay matatalino saka laging may honor ang mga iyon. Kaya nga tuwang-tuwa ako sa mga iyon eh!" masayang kwento ni Santina saka napatingin kay Salvi na may luha sa mata.

"B-Bakit ka umiiyak?" tanong ni Santina saka napa-stiff siya ng bigla siyang yakapin ni Salvi ng mahigpit at doon umiyak.

"M-Mahal, sorry sa mga kagaguhan na nagawa ko sayo rati" umiiyak na sabi ni Salvi at hinarap siya. Hindi na rin niya mapigilang umiyak. Pinahid niya ang luha sa pisnge nito saka pinilit mag salita.

"Alam mo Salvi, wala na iyon sa akin. Saka masaya naman na ako dahil masaya ka sa pamilya mo. Ang hangad ko lang naman ay maging masaya ka" nakangiting sabi ni Santina. "Kaya ba gusto mo akong makausap dahil gusto mong humingi ng tawad? Hindi ka man humingi ng tawad, napatawad na kita. Kaya ayos na iyon saka kailangan ko na rin umuwi at ikaw rin baka nag-aalala na sayo ang mag ina mo" pinahid muli ni Santina ang luha sa pisnge ni Salvi. Nagulat siya ng bigla siyang halikan ni Salvi. Slow ito at puno ng pagmamahal. Niyakap siya nito ng mahigpit matapos silang maghalikan.

"M-Mahal, pwede bang matulog ka rito kasama ko? I miss you so much" husky na sabi ni Salvi.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Santina. Hindi siya makasagot dahil marami siyang inaalala, tulad ng may pamilya ito saka ang pangit tignan na magkatabi silang matulog samantalang may asawa ito.

"Hindi pwede, dahil may asawa ka na" sabi niya at agad na nagmadaling umali. Kahit anong tawag nito sa kaniya hindi niya pinansin. Alam niya kasing bibigay siya rito. Kapag nanatili pa siya roon.



.............

 BEAUTIFUL ERRONEOUSWhere stories live. Discover now