Chapter 10 #DanceMixers

241 16 0
                                    

Stephanie's POV

(MAPEH Time)

"Oi! Umayos na kayo! May magrereport na. Makinig naman kayo." narinig kong sigaw ng classmate ko. Paano kasi, ang iingay na naman nila. May magrereport pala eh. Nakadikit na sa board yung visual aid. Dance Mixers. Uy! Magandang topic ito. Nabasa ko naman rin. Parang laro siya na may sayawan. Basta ganun. Mamaya na. Makikinig muna ako. Hihi.

***

After ng long discussion ng aming reporter ay nagpa-activity naman siya. Yun kasi ang rule kapag reporting, after mag-discuss magpapa-activity or magpapa-quiz. Excited na nga ako maglaro eh.

So yung title nung laro namin ay The Opposites (Mixers). Ang mechanics nung game ay may ibibigay sa aming papel na may nakasulat na word. And then hindi lang basta word yun, may ka-pair yun, like hot and cold, salt and pepper, apple and pie, something like that.

Then ang gagawin ay hahanapin namin yung mga partners namin. Kung sino yung walang kapareha ay may gagawing DARE. Ang ganda nga ng naisip ng reporter namin eh.

"So, i-arrange niyo na yung mga upuan niyo gaya nung kahapon." sabi sa amin ni Shiela. Siya yung magandang reporter namin.

Sumunod naman kami sa kanya. In-arrange yung chairs. Pagkatapos ay pumunta ako kila Summer. Dun kasi siya naka-pwesto sa may bandang board.

Nakita kong may hawak na si Shiela na mga malilit na papel habang nakatayo siya sa harapan. At isa-isa niya kaming nilapitan para i-abot yun.

"Wag niyo muna bubuksan yan." bilin niya sa amin.

Nakuha ko naman yung sa akin. Waaa! Ano kayang nakasulat? Nagsisimula na namang mag-ingay ang mga kaklase ko. Argh! Hindi na ba sila nabibingi?

"Stephie, anong nakasulat sayo?" biglang tanong ni Summer.

"Ewan ko. Ayaw ko pa buksan." sagot ko. Actually, natetempt na akong buksan. Kaso rules are rules. Marami na nga akong nakitang tinitingnan na nila yung papel. Bubuksan ko ba o hindi?

"Eh yung sayo, anong nakasulat?" tanong ko naman kay Summer.

Binuklat niya yung papel at nakasulat dun yung word na DOG "Bakit dog? Ibig sabihin kapartner ko yung may hot na word? Haha!"

"Hahaha! Malamang! Sino kayang may hawak nung hot na word?" buti pa siya. Nakita na. Hmm? Masilip nga. Hindi naman nakatingin sa amin si Shiela eh.

CLARA

Wow! Ganda ng name. Bakit Clara? Sino naman magiging partner ko nito? Pinakita ko kay Summer yung paper ko.

"Clara? Dapat Maria makapartner mo. Kasi Maria Clara." oo nga noh? Hindi ko naisip yun. xD

"Oh? Haha! Shunga ko din. I haven't figured it out like that." naku! Nasasanay na akong mag-taglish. Yung adviser kasi namin, englishera. Yan tuloy, slang managalog.

"Okay! Game na guys! Hanapin niyo na yung mga partners niyo. Sa loob ng isang minuto lang. Walang lalagpas." narinig kong sabi ni Shiela. Okay. Eto na. Naghanda naman ang lahat. And without any futher ado, nagsimula na ang timer.

Let the game begin!

This Is MeWhere stories live. Discover now