Chapter 39 #MissingYou

101 9 6
                                    

Stephanie’s POV

Halos magda-dalawang oras na kaming hindi sinisipot ng dapat magiging teacher namin ngayon. Anong meron at three consecutive days nang ganito, bigla magpapatawag ng half-day nalang ang pasok, biglaang faculty meeting at kung ano-ano pang mga excuses na hindi naman makabuluhan. Ang dami ko naman reklamo. Yung mga kaklase ko nga, masaya kapag mga ganitong walang teacher. Kasi ‘yon lang ang panahon nila upang ilabas ang dark and wild side nila. Syempre, sila na ata ang hari at reyna ng kaingayan. Samantalang ako, as always, tahimik lang sa isang tabi. Wala na namang magawa kundi mag-isip isip ng mga bagay gaya ng pagtataka kung bakit feeling ko parang may kulang sa araw na ito.

Lumingon ako sa likod. Dalawang araw nang bakante ang upuan na ‘yon. Nakakapagtaka talaga. Simula nung makilala ko siya way back then, hindi siya uma-absent sa klase. Maski ang ma-late ay hindi. Pero bakit ngayon, tila nagbago ang ihip ng hangin? Anong rason niya upang ‘di pumasok sa klase ng dalawang araw? May sakit kaya siya? May biglaang out-of town kasama ang pamilya? O hindi kaya, na-kidnap siya tapos ilang araw na pala siyang nawawala? Kaso paano nangyari ‘yon? Yung mga kaibigan nga niya dito, parang walang inaalala at masaya pa.

Teka nga muna, huminahon muna tayo. Ano ba naman itong pinag-iisip ko. Puro negatibo. At parang… nag-aalala pa. jusko! Mali ito. Hindi, tama ka. Kasi nami-miss mo lang siya. Ayeiiiii!

Ako? Mami-miss ‘yong lalaki na ‘yon na walang kwentang kausap? Tss. ‘wag siyang umasa. Hanggang ngayon, galit pa din ako sa kanya. Akala niya makikipag-bati ako sa kanya. Pataasan nalang kami ng pride, oh. Dapat nga siya ang humingi ng sorry sa’kin kasi sinaktan niya ako!

Excuse me, ang kapal din ng mukha mo na isumbat sa kanya yung mali na wala siyang kaalam-alam.

Kahit na! Hindi ko naman kailangan pang sabihin sa kanya ‘yon. Dapat kusa niyang nararamdaman na nasasaktan na ako! Ganon na ba siya kamanhid?!

Use that brain of yours nga! Alam ba niya yung tunay mong nararamdaman? Na hindi mo pa rin naisasantabi ang feelings mo? Jusko! Minsan, ang hirap mong kausap, lalo na kung puso mo ang pinapairal.

Fine. Sorry na. oo na. ako nalang ang makikipag-ayos, tutal yung role ko naman sa buhay ay ang maging tulay sa mga may samaan ng loob. Taga-bigay ng walang sawang payo na hindi ko naman mai-apply sa sarili ko.

***

Tumayo ako sa aking upuan at pinuntahan si Spencer sa likod. Tamang-tama at mag-isa lang siya ngayon sa upuan niya.

Tumabi ako sa kanya. “Hi Spencer.” Bati ko.

Mukhang nagulat pa siya sa presensya ko. “Oh, Stephie. Kamusta ka na? matagal-tagal na rin tayong ‘di nagkaka-kwentuhan ah.”

Ngumiti ako. “Okay lang naman ako. Oo nga eh. Ang layo kasi natin sa isa’t-isa. Sa susunod, ikaw naman ang bumisita doon.”

Natawa lamang siya. “Mabuti naman at okay ka lang. Ikaw ba, hindi mo man lang ba ako kakamustahin?” biro niya.

“Kahit hindi na. Mukhang okay ka lang rin. Wala ka namang problemang iniinda o ano diba?”

“Wala naman. Nga pala, ano palang sadya mo dito?”

Nag-alangan ako saglit. Tama ba itong gagawin ko? “May itatanong lang sana ako sayo.”

“Tungkol saan? May kinalaman ba dyan si Aiden?”

Ang bilis naman niyang maka-hula. Baka mamaya nababasa na pala niya ang isip ko.
“Medyo?”

“Ah. Alam ko na itatanong mo, kung bakit siya absent ngayon. Tama ba?”

“Mind reader ka ba?”

“Hmm. Pwede. Haha! Biro lang. Sadyang alam ko lang kasi ‘yon naman lagi ang dahilan mo kapag napunta ka dito sa’kin. Magtatanong ka tungkol sa kanya, kung kamusta na siya kapag wala siya dito sa tabi ko.”

“Grabe ka! Minsan lang kaya. Tsaka minsan din, nagpapaturo ako sayo, lalo na sa math.” Depensa ko.

“Haha! Oo nalang. So, ano, gusto mo bang malaman?”

“Ang alin?”

“Kung bakit nga siya absent.”

Kailangan ko pa bang malaman? Eh ano bang pakialam ko kung absent siya. mabuti nga ‘yon at mapayapa akong namumuhay dito sa school. Walang mambubwiset sa’kin ng patago. But still, a part of me is worried sick since yesterday. Dapat pala kahapon ko nalang pala tinanong itong si Spencer. Sa bagay, medyo busy din ako kahapon kaya hindi ko rin ‘yon naisipang gawin.

“Ikaw bahala.”

“Anong ako bahala? Sus. Halata namang gusto mo ring malaman eh.” Tukso niya.

“Oo na. Dalian mo na. Dami pang satsat.”

“Suspended kasi siya ng isang linggo.”

Ano? Tama ba yung narinig ko sa kanya? Suspended? For a week?!

“Bakit naman? Ano bang ginawa niya para magkaroon ng ganong kabigat na parusa?” kunot-noo kong tanong sa kanya.

“Naalala mo ba nung kinausap kayo ni Ma’am sa labas ng room nung isang araw?”

Ah. Yung pinagsabihan niya kami nila Jessie at Anna. Akala ko talaga katakot-takot na sermon ang aabutin ko sa kanya. Mabuti nalang at medyo good vibes siya n’on.

“Oo. Ano namang kinalaman n’on sa kaso niya?”

“Hindi mo ba narinig na sinigawan siya ni Ma’am? Nandon ka pa n’on. Alam kong nasaksihan mo din ‘yon.”

“Hala! Sige! Doon tayo sa guidance office magtutuos!”

Biglang tumahimik ang klase dahil sa lakas ng boses ni ma’am. Kanya-kanya sila ng karipas ng takbo papunta sa pinto para maki-tsismis. Kita ko naman dito sa pwesto ko malapit sa bintana kung paano kinaladkad ni ma’am si Aiden paalis ng eksena.

Nanlumo ako sa nalaman ko. Hala, bigla akong nakonsensya. Kasalanan ko kung bakit siya na-guidance at na-suspend ng isang linggo.

Paanong kasalanan mo ‘yon? Paki-explain nga. Naguguluhan ako.

Maski ako hindi ko alam kung saan ko hinugot ang lakas ng loob para aminin na kasalanan ko nga.

“O-oo nga. Alam ko ‘yon. Ano, naka-usap mo ba siya nung araw na ‘yon? After niyang maidala sa guidance office?” tanong ko.
Tumango siya bilang sagot. “Tinanong ko nga siya kung ano ba ang totoong kwento. Ayaw niyang sabihin. Bakit, may alam ka ba?”

Parang may kung anong unknown na pwersa ang pumipigil sa’kin upang sabihin sa kanya lahat ng nalalaman ko. Kahit tingnan pa natin ang ibang anggulo ng problema, dapat ako talaga yung nasa kalagayan niya. Dapat ako yung naparusahan dahil ako naman talaga yung may kasalanan. Pero anong nangyari? Ibang tao yung sumalo n’on, at yung tao na ‘yon, malapit pa sa puso ko. O diba? Sino ba namang hindi mako-konsensya n’on?

“Stephie, okay ka lang? Natahimik ka na dyan.” naramdaman ko ang pag-tapik sa’kin ni Spencer sa balikat ko.

Tumingin ako sa kanya saka pilit na ngumiti. “Ah, wala ‘to. May iniisip lang.”

“Hay nako. ‘Wag mo masyadong alalahanin ang kalagayan ni Aiden. Kung gusto mo, puntahan mo siya mamaya. Samahan pa kita, baka kasi hindi mo pa alam ang daan sa kanila.” ngumisi siya.

“Ayoko nga. Bakit ko pa siya pupuntahan? Na-suspend lang naman siya ah. Mabuti sana kung may sakit siya, okay pa.”

“Grabe ka naman sa kanya, Stephie. Hindi ka man lang concerned kay Aiden? Nako. Tsk tsk. Kung nandito lang ‘yon ngayon at narinig niya ‘yan, panigurado malulungkot ‘yon.”

“Edi malungkot siya. At least sinasabi ko ang totoo. Eh siya ba? Hindi nga niya magawang mag-sorry sa kasalanan niya sa’kin eh!” tinakpan ko agad ang bibig ko nang ma-realize kong may nasabi akong hindi tama. Lintek na dila ito oh. Kating-kati na akong ibuking.

Nagtaka naman si Spencer sa ginawa ko. “Huh? Anong atraso sayo n’on? Resbakan ko na ba?”

Umiling ako. “W-wala. Nevermind. Just pretend that you’ve never heard that. Sige. Aalis na muna ako.” pagkasabi ko n’on ay dali-dali akong bumalik sa kinauupuan ko.

Shemay ka, Stephie! Kaya nga may preno ang sasakyan para tumigil eh. Ayan tuloy, nadulas ka.

I hope he’s as slow as a turtle para ma-gets yung sinabi ko.

This Is MeWhere stories live. Discover now