Chapter 8

87 16 0
                                    

CHAOS

Anong gagawin mo kapag may isang tao kang nakita na duguan at walang malay na nakahiga sa lupa? Magp-panic ka ba? O magiging kalmado ka? Kasi ako? Hindi ako ka agad nakapag-isip ng gagawin. Para akong tangang niyuyugyog si Ingrid at pilit siyang ginigising. Pero walang nangyari. Kaya isinakay ko siya sa sasakyan ni Poseidon at nagdrive ako papunta sa ospital.

My hands are shaking. Hindi ito matigil sa panginginig. Tahimik kong inakyat ang gate at pinasok ang bahay ng mga Imperial.

Agad akong umakyat papunta sa second floor ng bahay. Tahimik kong tinungo ang kwarto ni Ingrid. Nasa pinakadulo pa ito. I opened the door and entered her room. At dahil nagmamadali ako, hindi ko na nagawa pang tingnan kung anong disensyo ng kwarto niya. Agad akong pumasok sa walk-in closet niya. Kumuha ang ng dalawang puting t-shirt at dalawang pajama. At... dalawang pares ng undergarments para sa babae.

Kumuha ako sa isa sa mga backpack niya at doon nilagay ang damit niya. Kumuha na rin ako ng towel at isang jacket.

Naalala ko ang sinabi sa akin kanina nung doctor na tita niya. "Bring her reading glasses and a book."

Nagpunta ako sa study table niya. Doon ko nakita ang reading glasses ni Ingrid. May libro rin doon sa tabi ng glasses at 'yun nalang ang kinuha ko at nilagay sa backpack. Aalis na sana ako pero may isang notebook akong nakita. Kinuha ko ito dahil nakaka-curious 'yung cover. Hindi naman siguro magagalit si Ingrid. At hindi naman siya magagalit kung hindi niya alam.

Kumuha na rin ako ng pang-isang bihisan ko pagkatapos kong magshower at magbihis. Kailangan kong bantayan si Ingrid. Hindi ko siya kayang iwanang mag-isa kahit na alam kong doktor ang tita niya sa ospital na iyon. Hindi siya lubusang mababantayan.

Pagkabalik ko sa ospital ay dumiretso ako sa private room kung saan naka-confine si Ingrid. Pagkabukas ko ng pinto ay nakita ko siyang mahimbing pa rin na natutulog. Nilapag ko ang backpack sa sofa at umupo na rin doon.

Para siyang anghel. Ang peaceful ng mukha niya tapos napakaputi pa niya, pero kapag gising akala mo ay prinsesa ng mga nyebe na may lahing halimaw.

Hindi ko maiwasan ang mapatitig sa pisngi niya. Namumula ito at nakakagulat na hindi ito nagkapasa. Alam kong malakas ang sampal ni Tita Andy. Why would she do that to her own daughter? She called Ingrid an ungrateful lying bitch. Paano niya nagagawang sabihin iyon na parang wala lang? Na parang normal lang? Hindi ba niya naiisip ang mararamdaman ni Ingrid? Kung hindi ko pa siya pinigilan ay sigurado akong nasabunutan na niya si Ingrid.

Kaya ba nagkakaganito si Ingrid dahil kay Tita Andy? Kaya ba halos ituring na nilang hangin ang isa't isa?

Bigla kong naalala ko 'yung notebook na kinuha ko sa study table ni Ingrid kanina. Binuklat ko 'yung notebook. Sa unang page ay may sketch ng isang babaeng walang bibig. Pero alam kong si Ingrid ito. Base na rin sa buhok, sa shape ng mukha, ilong, at mga mata. Inilipat ko naman sa susunod na page. Drawing ng mga tablets. Sa baba ay may dalawang salitang nakasulat sa calligraphy. My saviors. Napalunok ako at may kakaibang kaba nanamang umusbong sa aking dibdib. Inilipat ko sa sumunod na page. It's a list. Binasa ko ito.

BEFORE I DIE, I WANT TO:

1. Learn how to cook.
2. Learn how to play the guitar.
3. Be a part of the volleball team and play at least one real match.
4. Be a part of the dance club and perform at least once on stage.
5. Join a piano competition or recital.
6. Publish at least one book.
7. Be a part of a band and perform with them.
8. Have a boyfriend (complete package).
9. Learn how to drive.
10. Make them love me.

Before Our Tale Ends Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon