INGRID
I opened my eyes and stared at my room's ceiling. Tumingin ako sa wall clock at nakita kong alas-dos palang ng madaling-araw. Inis akong bumangon sa aking kama dahil muli kong narinig ang parang maliliit na batong tumama sa sliding door. I waited for seconds at naulit na naman ito.
I sighed before getting out of my bed. Naglakad ako papunta sa sliding door at binuksan ito.
"Ouch!" napahawak ako sa aking noo nang may tumamang maliit at matigas na bagay dito. Galing ba 'yun sa taas?
"Shit!"
Napatingala ako at nakita ko si Chaos na nalalaki ang mga mata at ang isang niyang kamay ay puno ng maliliit na bato. Nakadungaw siya mula sa teresa ng kanyang kwarto sa third floor.
"Hi?" nag-aalinlangan siyang ngumiti.
"What the hell do you think are you doing?" malamig kong tanong.
"A-ahm... I was trying to wake you up. Pero hindi ko talaga sinasadyang mataman ka sa noo! I swear, Ingrid-"
Naiiling akong naglakad pabalik sa loob ng aking kwarto. Hindi man lang ba niya naisip na baka mabasag niya ang sliding door o kaya magasgasan ito? Bago ko pa man maisara ang sliding door ay narinig ko ang pagtawag niya sa akin pangalan. Napahinto ako pero hindi ko siya nilingon.
"Ingrid! I have something to tell you!" pabulong niyang sabi at sakto lamang ang lakas nito para aking marinig.
Tamad ako naglakad pabalik sa teresa at tiningala si Chaos na nakatingin sa akin mula sa third floor. Pinagtaasan ko siya ng kilay.
"Ano?"
"Don't lower your voice. You're scaring me!"
Kumunot ang aking noo. "Wala ka ng iba pang sasabihin?"
Nanatili akong nakatingin sa kanya at nangangawit na ang aking leeg. I waited for seconds for him to answer my question. Babalik na sana ako sa aking kwarto nang marinig ko ang kanyang boses. "Happy first weeksary, Ingrid," he wiggled his eyebrows and it made my blood boil. I calmed myself before going back to my room. I tried to go back sleep pero ayaw umalis ni Chaos na isip ko. That lunatic!
I woke up when I felt the rays of the sun hit my face. Wala ang galit na Isay ang pilit akong ginigising. Nang mapatingin ang sa wall clock ay napag-alaman kong 8 o'clock na pala. Sabado ngayon kaya kahit anong oras akong gumising. Walang magagalit.
After doing my morning rituals ay bumaba na ako. Naabutan ko sina Isay, ang kambal ko, ang magkapatid na Madrigal, at si Manang Lorna. Kahapon lang siya nakabalik dahil nagkasakit daw ang kanyang anak at hindi niya ito pwede iwan dahil wala rin ang iba pa niyang mga anak. Her vacation extended because of that. It's hard to be a single parent lalo na kapag marami kang anak. Saludo ako sa mga katulad ni Manang Lorna na hindi sumusuko. I wish I can be like her. Hindi madaling sumuko at laban lang ng laban. In my case, meron pa naman daw akong pag-asa. Pero ako kasi ang problema at ang utak ko. I have already accepted my fate.
"Magandang umaga, Ingrid. Maupo ka na at mag-almusal. Maagang umalis si Ma'am Andy dahil mayroon daw emergency sa ospital," nakangiting sabi ni Manang Lorna at pinaghila ako ng upuan.
Uupo na sana ako nang bigla nalang may nagsalita.
"Good morning, Ingrid," Chaos greeted in a singsong voice. "Nakatulog ka ba ng mahimbing? Nanaginip ka ba dahil sa sobrang himbing?"
"Yes," I gave him a sharp look before sitting down. Pinagkuha ako ni Manang Lorna ng kanin. "Ako na po."
"Ako na, anak. Matagal din akong nawala kaya gusto kong makabawi sa inyo. Lalo na kay Isay. Siguradong nahirapan siya," saad ni Manang Lorna.
BINABASA MO ANG
Before Our Tale Ends
Teen FictionTime is precious and I'm going to waste mine wisely.