INGRID
I stared blankly at the white wall in front of the hospital bed. I was alone inside this cell when I woke up! Hindi ko alam kung gaano katagal na akong nandito. Magi-isang oras na rin siguro ang nakalipas mula kaninang may pumasok na nurse dito para i-check ako.
For the last three hours that I have been awake, I only ate two apples from the fruit basket that I saw on the table. The nurse who came an hour ago didn't even ask me if I was hungry or do I need something. She just did her thing and then left. What a nice and caring nurse. Yes, I am dying, but I don't want to die because of starvation!
Nang makatayo ako ay kumapit ako sa pole para magkaroon ng suporta. I put on the comfy bedroom slippers that I saw and walked to the door. If no one's going to come here and feed me, ako na lang ang pupunta sa mismong ang canteen ng hospital.
After a couple of minutes of walking slowly, I reached the elevator. Pinindot ko ang button na magdadala sa akin sa first floor kung nasaan ang canteen ng hospital. When the door opened, I got out and walked straight to the counter.
"Wala ka bang kasama, hija?"
Hindi siya pamilyar. Siguro ay bago lang siya rito. Hindi rin siya aware na ganito talaga ako kapag nandito ako sa ospital.
"Can I have two pancakes with maple syrup? My aunt owns this hospital so I don't need to pay."
Napataas ang isa niyang kilay na tila ba hindi siya naniniwala sa pinagsasasabi ko. Do I look like a fucking scammer?
"Sigurado ka ba, hija?"
"Do I need to get a DNA test for you to believe me? Call Ate Myrna. She knows me."
"H-hindi na. Naniniwala na ako," nahihiya siyang ngumiti.
Nang makuha ko na ang in-order kong pancakes ay umupo ako sa usual spot ko rito tuwing nananatili ako rito sa ospital. Inilibot ko ang aking paningin at napansing kakaunti lang ang mga pasyenteng nandito. Karamihan ay kumakain, ang ilan may tumatambay lang at kausap ang mga bantay kung hindi ako nagkakamali.
I sliced a small portion from my pancake and ate it. Napangiwi ako nang malasahang hindi ito kalasa ng lagi kong kinakain na pancake. Pinalitan na kaya nila ang cook? Masarap pa naman iyon magluto. Kahit na hindi ako sanay sa lasa ay pinilit ko pa ring kinain ito.
"Oh, ba't nakasimangot ka na naman?"
Sa gulat ko ay nabitawan ko ang tinidor at nahulog ang nahati kong pancake. Isang matalim na tingin ang iginawad ko sa nanggulat na sa akin.
"What are you doing here?" tanong ko, hindi pa rin tinatanggal ang matalim na tingin sa kaniya.
"Visiting you?" sagot niya na may kasamang ngiti at pagkindat.
Mabuti na lang at may lalagyan ng mga utensils malapit sa table ko kaya kumuha ako ng panibago. Pagkabalik ko ay nandoon pa rin siya, nakatayo at hindi inaalis ang tingin sa akin habang papalapit ako.
"Leave. I don't need you here," pagtataboy ko pero imbes na sumunod ay hinila niya ang upuan na katapat ko at saka umupo roon. What do I expect? Makulit si Chaos. Lagi naman.
"Why not? I brought you here, I'll be the one to-"
"Shut up," naiinis kong sabi saka umupo para ipagpatuloy ang pagkain.
"Sungit."
"Don't you have class?"
"It's Saturday, Idang."
Nag-angat ako ng tingin at naabutan siyang nakanguso tila ba pinipigilan ang pagngiti.
"Stop staring," saway ko pero ang pasaway, mas nilapit pa ang mukha sa akin.
BINABASA MO ANG
Before Our Tale Ends
Teen FictionTime is precious and I'm going to waste mine wisely.