CHAPTER 34

1.6K 18 0
                                    

CHAPTER 34

SEX POV

Isang buwan naren ang nakalipas simula ng nangyare ang tahedya na iyon.

Umaasa paren ako na buhay sya.
Na tutuparen nya ang pangako nameng mag papakasal kame.

Napatingin ako sa singsing na nakasuot sa daliri ko.

Ito yong bigay nya saken nung nag propose sya.

Napabuntong hininga ako
Bigla ko naman  naramdaman ang gutom ko.

Kagabe pa pala ako hindi nakain.

Bumaba nako sa kama at nag lakad palabas. Ok  naren ang paa ko nakakapag lakad  nako ng maayos.

Pababa  nako sa hagdan ng bigla akong nakarinig ng bulungan.

Agad akong bumaba at nakita ko si fred na nasa pinto at pilit na pumapasok si leila.

Hindi nila napansin ang presensya ko.
Dahil siguro sa parehas na inis.

Malayang nakakapasok dito si fred dahil simula nung araw na lumabas ako sa hospital sya na ang nag asikaso sa akin. Hindi konaren pa pinasabi sa magulang ko dahil ayakong pasunudin pa nila ako sa ibang bansa at mapalayo dito sa lugar nato.
Gusto koren na sa oras na mahanap si ford makakarating agad ako.

"Demonyo ka Fred! Dalhin moko sa Kanya!"

Napalakas na ang boses ni leila at tila galit na galit talaga ito.

"Tumigil kana leila ano ba! Wag tayo dito mag usap!"

Pabulong ngunit galit na tugon ni fred.

"Paano mo naaatim na gawen yon fred ha!"

Singhal ni leila.

Nangunot naman ang noo ko.

"Ang alin?"

Tanong ko.

Napalingon naman agad si fred sa akin at kita ko ang pag kagulat sa reaksyon nya.

Muli syang lumingon kay leila.

"Umalis kana leila"

Mag sasalita pa sana si leila ng agad nyang isinarado ang pinto.

Nag lakad sya papunta saken at marahan na hinigit papunta sa kusina.

" Gising kana pala. Ipag hahain na kita"

Sabi nya.

Hinigit nya ang bangko at pinaupo ako. Tinitigan ko naman sya habang pinag hahain ako.

" Fred? Ano yung sinasabi ni leila?" 

Tanong ko sa kanya.

Napatigil naman sya pero agad deng nakabawi mula sa tanong ko.

"Ah yon ba? Wala lang yon sex. Gusto kalang nyang makita. Gusto ka nyang saktan kaya talagang pumunta pa sya dito."

Sagot nya.

Pero kanina naman parang si fred talaga ang sadya nya at hindi ako.

Dahil kung ako nga, dapat nung nakita nya palang ako pinag salitaan na nya ako.....

Napakibit balikat nalang ako at nag simulang kumain.

Umupo naman sya sa tapat ko at tiningnan ako.

"Sex"

Pag tawag nya saken.

Tumingin naman ako sa kanya at nag tanong kung baket.

My Name is Sex ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon