CHAPTER 41

2K 29 0
                                    

CHAPTER 41

FORD POV

"S-sir p-patawadin nyo po kame o-oh . Inutos lang p-po talaga samen un"

Sa silid kung saan nila pinahirapan ang mahal ko.

"H-hindi po n-namen ginusto s-sir"

Parehas nakatali ang kamay at paa habang nakaupo sila sa silya.

Kaparehas ng pwestong ginawa nila kay sex.

*BLAGGG!*

walang sabi-sabing sinuntok ko sila sa muka!

"MGA WALA KAYONG KWENTA! HINDI NA KAYO NAAWA! BUNTIS YON! BUNTIS! TANGINA NYO!"

Huminga ako ng malalim dahil hindi kona kayang pigilan ang sarili ko .

Baka mapatay kopa tong mga to.

Gusto kopa silang pahirapan.

"Kalagan nyo ang mga yan"

Utos ko sa mga kasama ko.

" Labanan nyo ko.

Patayan tayo."

Kung anong ginawa nyo sa anak ko.
Sisiguraduhin kong ganon den ang kahihinatnan nyo.

Agad silang tumayo at pumwesto.

"Boss kame napo bahala"

Sabi ng isa kong tauhan.

"Hindi. Wag kayong makielam. Ako ang papatay sa dalawang to"

Biglang sumugod saken ang isa at akmang susuntukin ako ngunit nailagan ko, agad ko syang sinikmuraan dahilan ng pamimilipit nya.

Marahas namang binato saken ng kasamahan nya ang bangkong kaninang upuan nila.
Agad akong umalis sa pwesto ko at pumunta sa gawi nya, inambangan nya ko ng sunod sunod na suntok at tumama saken ang pinaka huli nyang suntok na magagawa.

Agad akong nakabawi at tinuhod ko sya sa sikmura at sinuntok sa muka.
Dalawang sunod ang ginawa ko.

Nakita ko naman na nakatayo na ang isa pa at muling dadapo ang kamao nya sa muka ko ngunit agad kotong hinawakan sabay suntok sa muka nailagan nya yon ngunit ang pangalawang suntok ko ay hindi na.

Inikot ko sya at pinadapa sa sahig. Babalian kona sana sya ng buto ng biglang tumunog ang cellphone ko.

"B-boss n-natawag po ang daddy nyo"

Agad kong binitawan ang hawak ko at sinagot ang tawag.

"Yes dad?"

"Son where are you? Gising na si sex. Hinahanap ka."

"Ok dad. Papunta nako"

Agad kong binaba ang tawag.

" Dalhin nyo na sa prisinto yang mga yan"

Utos ko sa mga tauhan ko.
Agad akong umalis at pinaharurot ang sasakyan ko papunta sa hospital kung saan nandon ang mahal ko.

Agad akong pumasok sa kwarto nya at nakita ko syang nakaupo mula sa higaan nya at tulala. Naawa ako sa kanya. Naaawa ako sa taong mahal ko.

Nakita ko si dad na tumayo mula sa sofa.

"Ford. Let's talk outside first"

"Dad-"

"Please"

Wala akong nagawa kundi sumunod sa kanya papunta sa labas.

" sa rooftop na tayo mag usap"

My Name is Sex ( COMPLETED)Where stories live. Discover now