CHAPTER 35

1.7K 26 0
                                    

SEX POV

Nasa kotse ako ngayon ni fred at pauwi na kame sa condo ko .
Nakatingin lang ako sa labas at hindi sya pinapansin.

Sobrang daming kasinungalingan ang nagawa nya saken, samen ni ford.

Nag patuloy pa ang pag uusap nila ni leila kanina,  hindi kona  maintindihan ang iba dahil sobrang nabigla ako sa nalaman ko.

Dahan dahan akong umalis kanina sa pwesto ko at siniguradong hindi nila ako mapapansin.

Bago ako tuluyang makalayo narinig kopa ang sigaw ni leila.

"Dalhin moko sa kanya fred! P*tangina kang demonyo ka!" 

Gusto kopang makinig sa kanila ngunit alam kong any minute babalik na si fred at mahuhuli nya ko.

Ang pinag tataka kolang, ano ung pinag sasabi ni leila na may kinalaman si fred na pilit na itinatanggi ni fred?

Kelangan koren malaman yon.

May itinatago saken si fred.

"Sex"

Napatigin ako kay fred ng hawakan nya ang kamay ko.

"Baket?"

Kunot noong tanong ko.

"Tinawagan ko kanina si tita . Pero hanggang ngayon . Hindi paren daw nahahanap si Ford"

Napabuntong hininga naman ako at tumango sa kanya. Inalis ko naman ang pag kakahawak nya saken at pinark na nya ang sasakyan nya.

"Mahahanap den naten sya"

Sabi ko bago tuluyang bumaba sa kotse nya.

--

Naalimpungatan ako ng naramdaman kong may humalik sa noo ko at hinimas ang tiyan ko.

Ramdam na ramdam ko ang matagal na pag dampi ng labi nya sa noo ko na hanggang ngayon ay hindi paren tinatanggal. Maging ang kanyang kamay ay nanatili sa tiyan ko.

Maya maya naramdaman kong sunod nyang hinalikan ang tiyan ko.

"I love you sex"

Natauhan ako ng narinig kong si fred iyon.

Nag mulat ako ng mata na ikinagulat nya ren. Nakaupo sya ngayon sa gilid ng kama ko. Napakamot naman sya ng ulo.

"Sorry . Nagising pa kita"

Sabi nya at biglang tumayo .

"Babalik nalang ako bukas. Goodnight sex"

Akmang hahalikan nya muli ako sa noo ng iniwas ko ito.

Wag fred. Nandidiri ako.

Ngumiti naman sya saken.

"Sorry"

Sabi nya at tuluyan nasyang umalis.

Ilang minuto na ang nakalipas at hindi na ko muling dinalaw ng antok
Bumaba muna ako para humanap ng makakain.

Bubuksan ko sana ang Ref ng may nakita akong nakadikit na note doon

Don't drink alcohol. Its not good for you.

-fred

Nangunot naman ang noo ko dahil don. Simula nung naospital ako sobrang maalaga na ni fred. To the point na pate pag inom ng vitamins nakamonitor sya.

Nag kibit balikat nalang ako at binuksan ang ref. Napansin ko naman na wala ngang mga beer doon o kahit anong alcoholic beverages. 

--

My Name is Sex ( COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora