Day 1

43 1 12
                                    

Zyrish's POV

Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko at dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko.

"Kuyaaaa pakawalan mo na kami" nagmamakaawang sabi ni Shane

"Ano bang kailangan nyo samin kuya?" tanong naman ni Aethel

"Hindi naman kami mayaman" sabi naman ni Maureen habang umiiyak

"TULOOOOONG TULUNGAN NYO KAMIIIIII" sigaw nilang tatlo habang pinapalo ang bintana ng van na sinasakyan namin

"Tumahimik nga kayo, ang iingay nyo" sagot nung kuyang nasa shot gun seat

"Bakit nyo ba kasi kami kinidnapped kuya?" tanong ulit ni Aethel

"Napag-utusan lang naman kami" sagot ulit ni kuyang nasa shot gun seat

"Pakawalan nyo na kasi kamiiii" pangu-ngulit ulit ni Shane, habang pinapatahan naman ni Aethel si Maureen

"Manahimik nga kayo, ang ingay nyo" walang karea-reaksyon kong sabi sa kanila

"Ano? Bebs naman, alam mo bang na-kidnapped tayo ha? Tapos manahimik?" naiinis na sabi sakin ni Shane

"Wala naman kasing mangyayari sa kakasigaw nyo, hindi pa rin naman nila tayo papakawalan kahit na mag sisisigaw kayo jan" kalmado kong sabi sa kanila

"Bakit ba ang nega mo bebs?" naiinis na ring sabi sakin ni Aethel

"Hindi ako nega, bebs. I'm just stating the fact. Hindi nyo ba sila narinig kanina? Napag-utusan lang daw sila. Ibig sabihin may boss sila. Ibig din sabihin nun ay hindi nila tayo papakawalan kahit anong mangyari kasi nga may boss sila at sila ang malalagot kapag pinakawalan nila tayo. Intindihin nyo na lang sila bebs dahil may pamilya rin sila kaya kailangan nilang magtrabaho at malaki yung chance na matanggal sila sa trabaho, edi paano na yung pamilya nila 'di ba? Kaya intindihin nyo na lang sila at saka kahit naman magsisisigaw kayo jan at humingi kayo ng tulong ay walang makakarinig sa inyo dahil wala namang katao-tao sa piligid at baka sound proof pa itong van. Kaya tumahimik na lang kayo dahil pinapagod nyo lang ang sarili nyo at isa pa mukha namang mababait sila kuya eh kasi kanina pa kayo sigaw ng sigaw at kanina pa rin nila kayo pinapatahimik pero hindi naman nila kayo sinasaktan" mahabang paliwanag ko sa kanila

Hindi na naman sila nagsalita after nung paliwanag ko at tumahimik na lang sila.

"Thank you" sabi sakin ni kuyang nasa shot gun seat.

Tumango lang ako sa kanya pero maya-maya ay kumalam ang sikmura ko, buti na lang hindi malakas kaya hindi nila narinig. Hindi pa pala ako nagtatanghalian.

"Kuya may tinapay ka ba jan?" tanong ko

"Tinapay? Meron akong sky flakes, bakit?" nagtatakang tanong nya

Malamang sino ba naman kasi ang hindi magtataka kung na-kidnapped na nga, naghanap pa ng pagkain.

"Kuya pwedeng akin na lang? Nagugutom na kasi ko eh hehe" nahihiya kong tanong. Napakunot ang noo nya pero ibinigay nya rin naman sakin yung sky flakes kaya agad ko itong nilantakan.

~*~
After 9876543210 years ay nakadating na kami sa lugar kung saan kami ikukulong ng mga kumidnap samin.

Gashhh! Isang mansyon ang bumungad sa amin pagkababa namin ng van. Seryoso ba sila? Dito nila kami ikukulong? Wow ah! Ang sosyal naman. Mukhang mayaman yung nagpa kidnapped samin, pero kung mayaman naman sya, eh bakit nya kami kailangang kidnapped-in? Hindi naman kasi kami mukhang mayaman at hindi naman kasi talaga kami mayaman eh.

Just One WeekWhere stories live. Discover now