Day 3

7 0 0
                                    

Zyrish's POV

"Bebs dali na kasi magkwento ka na" pangungulit ni Shane

"Ang daya mo naman eh, bakit ba ayaw mo kasing mag kwento ha?" ang sabi ni Aethel

Kakagising ko lang pero kinukulit na agad ako nila bebs. Nagpapakwento sila about sa "date" kuno namin ni Jacob.

"Ang kulit nyo naman eh, kitang kakagising ko lang eh" iritadong sabi ko

"Hindi ka naman namin kukulitin kung magkukwento ka na" sabi ni Maureen

"Wag nyo na kulitin yan, hindi yan magkukwento. Ganyan na yan, hindi na nagkukwento satin" kunyaring nagtatampong sabi ni Clark

"Oo na, oo na, magkukwento na. Drama nyo eh" napipilitang sabi ko

"Yown, oh game na, simulan mo na" sabi nila

"Kasi nga kagabi..." naputol ang sasabihin ko ng may kumatok sa kwarto at pinagbuksan iyon ni Irvin.

"Ma'am Zyrish, pinapatawag po kayo ni Boss Jacob" sabi ni kuyang guard

"Ayieeee" sabay-sabay na tili nila bebs

"Bebs tawag ka na ni prince charming mo" pang-aasar ni Shane

"Dalian mo, wag mong paghintayin ang prinsipe mo" gatong naman ni Athel

"Tigilan nyo nga ako" inis kong sabi sa kanila

"Pakisabi sa boss mo na yan, ayoko" pagbaling ko kay kuyang guard

"Pero Ma'am Zyrish..." di ko na sya pinatapos at itinulak ko na sya palabas

"Tss, bahala sya jan" inis kong sabi at saka tumalon sa kama at nagtaklob ng unan

"Woi problema mo?" -Athel

"Ano ba kasing nangyari kagabi? Bakit ang init ng ulo mo?" -Shane

"Wala" -ako

"Wala? Eh bakit galit ka?" -Maureen

"Di ako galit" -ako

"Ano lang?" -Maureen

"Wala nga" -ako

"Lagi ka namang ganyan eh, bakit ba ayaw mong magkwento samin twing may problema ka? Bakit ba ang hilig mong sarilihin yang mga problema mo? Twig tinatanong ka namin kung may problema ka, sasabihin mo wala. Twing tinatanong ka namin kung ayos ka lang, sasabihin mo oo. Bebs naman, hindi naman kami manhid para hindi maramdaman na may problema ka, na hindi ka ayos, na kailangan mo ng kausap at kadamay kaya wag mo naman sana kaming ipagtulakan. Wala ka bang tiwala samin? Natatakot ka bang baka i-judge ka namin? Natatakot ka bang pagtawanan namin yung problema mo? Kasi kung oo, bebs hinding-hindi namin gagawin yun, promise"

"Bebs hindi naman kasi sa ganon. Hindi naman kasi sa wala akong tiwala sa inyo, may tiwala ako sa inyo"

"Eh bakit ayaw mo?"

"Hindi naman sa ayaw pero..."

"Pero ano?"

"Hindi nyo kasi naiintindihan"

"Edi ipaintindi mo samin"

"Kasi nga..." naputol ang sasabihin ko ng biglang bumukas ang pintuan at iniluwa ni yon si Jacob.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 17, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Just One WeekWhere stories live. Discover now