Day 2

5 0 0
                                    

Zyrish's POV

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Umunat-unat ako at nagkusot ng aking mata. Ang sarap ng tulog ko.

Idinilat ko ang mata ko at...

Bakit walang tao? Bakit ako lang mag-isa dito? Parang kagabi lang sabay-sabay pa kaming natulog ah.

Tumayo na ako para maghilamos ng mukha at may nakita akong isang sticky note sa C.R.

'Maligo ka na, nasa cabinet yung susuotin mong damit. Iyo din yang color pink na toothbrush. Mag-toothbrush ka ah' -Maureen

Iyon ang nakalagay sa sticky note kaya lumabas ako ng C.R. para tingnan kung totoo ba yung nakalagay sa sulat na nasa cabinet ang susuotin kong damit.

Pagbukas ko ng cabinet may nakita nga akong damit at may nakalagay dito na isa pang sticky note.

'Ito yung suotin mong damit' -Shane

Kinuha ko na yung damit at nagpunta na ulit sa C.R.. Nakita ko din na may pink ngang toothbrush doon sa lagayan ng mga toothbrush.

Nagtoothbrush na ako at naligo na. Palabas na sana ako ng kwarto nang may makita na naman akong isang sticky note.

'Nasa labas ng pituan yung sapatos na susuotin mo' -Aethel

Nang buksan ko ang pituan, may tumambad ngang mga sapatos sa akin. I mean nakalagay sa baba nung pintuan tapos dun ako nakatingin kaya tumambad 'di ba? Gets nyo? Kung hindi, balakajan charot HAHAHHA

So eto na nga, bumaba na ako ng hagdan at nasaan naman sila? Like duh! Tutal nag-iwan na naman sila ng mga notes about sa paliligo chuchu ko, eh bakit 'di na lang din sila nag-iwan ng note kung nasaan sila 'di ba? Hindi yung ako pa paghahanapin nila. Tsaka bakit wala yung mga guards? Eh sa pagkaka-alala ko, may mga nagbabantay sa labas ng kwarto namin.

Una kong tinignan sa sala pero wala. Sunod naman sa dinning pero wala pa din. Wala akong maisip na lugar kung nasaan sila, 'di ko naman kasi bahay 'to kaya ano bang alam ko dito 'di ba?

Aish! Bahala na nga.

Lumabas na ako dun sa main door. Nakarinig ako ng tawanan kaya sinundan ko ito. Nakita ko sila na masayang nagtatawanan sa may garden.

Wow sosyal ah! May garden ang lolo mo.

"Zy, gising ka na pala" bati sa akin ni Jacob

"Hindi nagse-sleep walk lang ako. Tss" sarcastic kong sabi

"Grabe ka naman kay Jacob bebs" -Maureen

"Oo nga, ang harsh mo ah" -Aethel

"Ang ganda-ganda ng bati sayo nung tao eh" -Shane

"Yung totoo, kaibigan ko ba talaga kayo?" sabi ko sa kanila at inirapan ko sila

"Umagang-umaga bad trip ka agad" sabi sakin ni Shane

"Anyare ba? Bakit bad mood ka?" tanong ni Aethel

"Iniwan nyo kaya ako duh" inis kong sagot

"Ayaw mo kayang gumising duh" panggagaya sakin ni Maureen

"Kanina ka pa namin ginigising duh" panggagaya rin sa akin ni Clark

"Tss" singhal ko

"Duh" sabay-sabay nilang sabing apat

"Hahahah" kaya natawa na lang kami

Just One WeekWhere stories live. Discover now