Chapter 9: The Beginning

29 14 0
                                    

Ngayon na ang araw nang alis ko, kagabi ay tinulungan ako ni mama mag-impake. Isang malaking bag at bagpack ang dala ko. Tiningnan ko sa salamin ang aking sarili nang panatag na ako sa aking itsura, lumabas na ako nang kwarto.

Hinihintay nila akong lahat pwera kay papa na kumukuha nang taxi dahil siya lang ang maghahatid sa akin sa airport.

Niyakap ako agad ni Elise "mag-ingat ka doon gurl. Sobrang mamimiss kita" kasalukuyan itong naghahanap nang trabaho dahil hindi ito natanggap sa call center na pinag applyan namin. Mahigpit ko rin ito niyakap "ikaw rin mag-ingat rito"

Si Kenneth ay ginulo ang buhok ko "have a safe trip" tipid na sabi nito. Tumango ako "salamat" pagkalapit ko naman kay mama at sa aking mga kapatid lahat sila ay umiiyak. "Uy, buong summer lang naman akong mawawala" pinunasan ni mama ang luha "huwag ka nalang kaya tumuloy?" Pakiusap nito.

Napakamot ako sa aking kilay "ma naman, nakakahiya pinag-kagastusan na ako ni Miss Amanda nang ticket tapos ngayon pa ako mag-babackout. Tatawag naman ako sa inyo palagi, meron naman siguro silang telepono don, meron din si tita Eloisa". Wala naman kasing telepono sa bahay, ginagamit ni Tita Eloisa yung kanya para sa karinderya para sa mga order.

Napaka-tagal na pag-papaalam pa ang aking ginawa, buti na lamang pinakawalan din ako nang mga uto noong sinabi ko na mala-late na ako sa flight ko.

Kumaway ako sa mga ito at sumakay na agad nang taxi, dahil kanina ko pa pinipigilan ang mga luha na bumubuhos sa aking pisngi. Sumakay rin si papa sa aking tabi "anak, tahan na. Lalo ako g nahihirapan kapag ganito ka" pagpapatahan niya sa akin.

Pinunasan ko ang aking luha gamit ang likod nang palad ko "ayos lang ako pa, mamimiss ko lang kayo, tska nang mga kaibigan ko" inihiga ako nito sa kanyang balikat at hinalikan ang noo ko. "Pangako, sayo ito na ang huling beses na malalayo sa amin."

Ang bilis nang oras, natatanaw ko na ang Lucena Airport ito ang pinaka-malapit na airport sa Agdangan. Isang oras at labing minuto ang aming byahe, lalo kong hinigpian ang yakap kay papa dahil ilang minuto na lamang ay mag-hihiwalay na kami at ako na lang ang mag-isa.

Nang makababa kami, ginawa ko ang lahat para hindi maiyak, mas lalo lang masasaktan si Papa. "Lagi kang tatawag ha, kumain ka lagi sa tama na oras" bilin nito. Niyakap ako nito nang mahigpit, ingat kayo nila mama, wag ka mag-alala masyado makakahanap ka rin agad nang trabaho".

Tumango ito at hinawakan ang balikat ko "sige na pumasok ka na sa loob" binigay niyo sa akin ang bag ko at pumasok na ako. Hindi rin ako lumingon dahil hindi ko na kaya pigilan ang pag-iyak ko.

Umupo ako malapit sa gate number kung saan ako magbo-board at hinintay tawagin ang flight ko. Maraming tao ngayon sa Airport. Makalipas nang 30minutes pwede na raw pumasok sabi nung airline staff, agad naman ako tumayo at lumakad para ipakita ang ID at ticket ko "pasok na po kayo ma'am" nginitian ko naman ito pabalik.

Naglakad ako sa tarmac walk at pumasok na sa eroplano. Binati agad ako nang isang flight attendant "saan po ang upuan na ito?" Pinakita ko rito ang seat number ko at agad naman niyang tinuro. Nakaupo ako sa tabi nang bintana.

First time ko sumakay sa eroplano kaya naman kinakabahan ako, susubukan ko na lamang matulog para hindi ako mahilo at masuka. Tatlong oras naman ang byahe papuntang Tagbilaran Airport.

"Ma'am gising na po, nasa Tagbilaran Airport na po tayo" gising sa akin nang flight attendant "thanks" kinusot ko ang aking mata at inikot ang aking paningin, ang lahat ay inaayos na ang kanilang mga gamit at handa nang bumaba.

Nang makababa ako iniisip ko ang aking sasakyang papunta sa Panglao Isalnd. Tiningnan ko ang mga tao at napatigil tila alam nila kung saan sila pupunta, mayroon naman akong nakitang matandang lalaki sa pinakaunahan nang mga naghihintay nang sundo. May hawak ito bond paper nakasulat "HI MISS KRISTINE MAGDRIGAL" nilapitan ko naman ito "ikaw ba si Kristine, iha?"

Tumango ako "ako si Mang Tomas driver ako ni Miss Amanda, pinasundo ka niya sa akin" nakangiting paliwanag nito "ganun po ba, salamat po. Kasalukuyan ko pong iniisip kung ano ang aking sasakyan papuntang Panglao Island" buti na lamang ay pinasundo ako, kundi baka nawala ako. Kinuha naman niya ang isa kong bag "tara na, hinihintay ka na ni Miss Amanda"

Pagkalabas nang airport agad kaming pumunta nang parking lot, at sumakay sa isang magarang red na sasakyan "ilang taon ka na iha?" Tanong niyo habang inistart ang kotse "18 po" magkahawak ang aking dalawang kamay.

Buti na lamang kumuha si Miss Amanda nang tutulong sa kanya sa pag-aalaga nang kanyang anak. Lagi kasi itong busy sa trabaho" gusto ko sana magtanong kung nasaan ang asawa nito

"Single mom kasi si Miss Amanda, hindi ko rin alam kung bakit" parang nabasa nito ang nasa isip ko.

"Gaano na po kayo katagal nagta-trabaho sa kanya?" Tanong ko rito "ay mag tatlong linggo pa lamang. May trabaho lang siya sa isla" maya kailangan niya ako pra ipag-drive siya sa bayan" tumango tango lang ako

Abala ako sa pagtanaw sa dagat , kulay blue ito. Napaka-ganda, ang sarap sigurong lumangoy ron. May resort din yata ang dami kasing turista. Lumiko si Mang Tomas sa mapunong lugar "magbabangka tayo papunta sa bahay ni Miss Amanda nasa gitna kasi ito nang gubat" pinark nito ang kotse at bumaba.

Sumunod ako at inalalayan nya ako makasakay sa bangka na nakahanda na para sa amin. Pinaandar naman niya ito "maganda doon iha" nakangiti ito nakatanaw sa nakikita kong puting bahay sa dulo. Nakatingin din ako sa cottage na nasa pinag parkan nang sasakyan. Mukhang may nakatira rin doon.
............................................
Author's Note: Hi Guys! Photo attached is the Panglao Island. Kapit lang guys, umpisa na to nang chilling adventure ni Kristine :)

PS. Don't forget to vote and comment. <3

Mother's Helper (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon