Chapter 12- Meet the stranger

23 15 0
                                    

Tuloy pa rin ako sa pag hahanap kung saan nang galing ang kaluskos na naririnig ko. Meron na naman akong narinig sa kaliwa ko! Mabilis akong lumingon rito, natatakot ako na ito'y aking masalisihan.

Meron akong nakitang lalaki na naglalakad papalapit sa direksyo  ko "sino ka? Private property to ah" mukhang nagulat ang lalaki "tito ko ang may-ari nito si Gilbert Chan" paliwanag niya.

Inayos ko ang mga gamit ko at sumulyap sa bintana ni Nathan "pinarent sa amin to ng tito mo" nasabi na ito sa akin ni Miss Amanda.

"Ako nga pala si Philip" naka-ngiti ito. "Kristine. Bakit ka na papunta rito?" Nilagay ko ang libro sa aking dibdib "maganda kasi ang tanawin rito, gusto ko sanang tumambay. Hindi ko alam na may rumenta na pala dito. Pasensiya na kung nagulat kita" sincere na paliwanag nito

Kinakabahan pa rin ako sa kaniya, pero mukha rin naman siyang maayos at totoo nga naman na maganda ang tanawin dito, lalo na kapag lulubog na ang araw.

"Sabi mo sa amin? Sino pa ang kasama mo?" Curious na tanong nito. "Ako at ang tita ko lang" mabilis na sagot ko. Hindi ko naman siya kilala ng lubos para sabihin kung ilan kaming nakatira dito. Mahirap na liblib na lugar ito, kailangan may doble ingat.

Bigla na lamang ito sumulpot at ngayo'y puro tanong. Tiningnan ko ang oras. Maya maya ay gigising na si Nathan kailangan ko ng mapaalis ito. "Stephen king? Maganda ang libro na yan" manghang komento nito.

"Kakaumpisa ko pa lamang basahin" paliwanag ko, baka kasi mag tanong pa siya tungkol sa libro. Tumayo na ako mula sa swing at inayos ang mga unan, baka sakaling maramdaman niya na gusto ko na siyang umalis at tumigil na sa pagtatanong ng kung anu-ano.

"Matagal ka na ba dito?" Nililibot pa niya ang buong bahay ng tingin. Bumuntong hininga ako at sumagot na rin "pangatlong araw palang, maganda rito peaceful. Madaling kalimutan ang mga problema"

"Pero mukhang lagi kang mag-isa dito" napa-simangot na lamang ako "masaya naman, I have all the time for myself. Naaaliw ako magbasa."

Kung tutuusin mas gusto ko sa resort dahil mas maraming tao don' maraming pwedeng gawin, pero yung employer ko ang may gusto rito, dahil gusto niya ng privacy.

"Lahat ng pumupunta rito sa Panglao Island ay tumatakas sa mga problema. Ang iba ay gusto ng privacy para makapag-relax" kumunot ang noo ko sa kanyang sinabi, alam naman pala niya iyon pero ang dami niya paring tanong sa akin.

"I guess I have to go" he said "kung gusto mo ng tour, punta ka lang sa resort andon lang ako palagi" malaking ang ngiti nito.

Nakahinga naman ako ng maluwag nang makita kong papalayo na ito kaya naman pumasok na rin ako sa loob ng bahay.

Siguro hindi na muna ako lalabas ng bahay.

Napa-isip ako sa tour na sinasabi niya, gusto ko rin makita ang resort pero wala naman kaming napagusapan ni Miss Amanda about sa day-off ko. Itong island ay escape talaga sa mga problema pero, paano kung may mangyaring masama at mai-stuck ako rito? Sino ang hihingan ko ng tulong?

Tumaas ang balahibo ko sa aking naisip.

Wag ka mag-isip ng kung anu-ano! Pangaral ko sa aking sarili, tsaka what could go wrong?

Mother's Helper (ON-GOING)Where stories live. Discover now