Chapter 16- Frightened

19 12 0
                                    


Nag-aya na rin ako umuwi agad, nakakahiya naman kasi na ang aga kong umalis ng bahay at uuwi ng gabing gabi. Nag-presinta si Philip na ihatid ako, may bangka raw ang tito niya. Pumayag ako dahil di ko rin alam kung paano ako makakauwi, dahil hindi ko naman makokontak si Mang Tomas. 

Hindi na rin ako masyadong nagsasalita dahil baka magtanong nanaman ito tungkol kanila Miss Amanda. Siya na lamang ang hinahayaan kong magsalita at hindi na rin ako nagtatanong pa. "Nagustuhan mo ba dito sa resort?" inaayos na nito ang bangka na sasakyan namin. "oo naman, salamat pala at sinamahan mo ko. Nag-enjoy ako" totoo naman na nagenjoy talaga ako, kung hindi dahil sakaniya di ko magagawang maikot ng lubusan ang resort, sayang nga lang at hindi namin masyadong naikot ang perya.

"buti naman kung ganon, sa susunod sana makapunta ka uli rito. Marami pang pwedeng gawin, natry mo na ba mag snorkeling?" inalalayan niya ako makasakay sa bangka. "Hindi pa, hindi kasi ako marunong lumangoy eh" paliwanag ko dito. Si papa lang kasi ang marunong lumangoy sa amin. 

"ganun ba? may life vest naman eh, masaya yon kasi makakakita ka ng iba't ibang klase ng isda. pwede mo rin silang pakainin" pinaandar na niya ang bangka. Parang masaya nga mag snorkel, "sa susunod pwede ko naman siguro itry" pero hindi ko parin talaga alam kung kelan uli ako makakapunta ng resort.

Dahil lumubog na ang araw medyo madilim na ang tinatahak namin, hindi naman ako natatakot dahil maliwanag parin naman, madami kasing poste ng ilaw. 

Pareho na kaming hindi nagsalita, mukhang may iniisip si Philip. Wala na rin naman akong masabi sakaniya, kaya pareho na lamang kaming nakatingin sa tubig at ineenjoy ang hangin.

Ang bilis ng oras dahil tanaw ko na agad ang bahay ni Miss Amanda, "pano, dito na tayo" pinatay muna ni Philip ang makina ng bangka at sumandal sa inuupuan niya "Thanks for today, nag-enjoy din ako, buti nalang at nahulog ko yung corn dog mo" pareho kaming natawa sakaniyang sinabi.

"salamat talaga, tska sa paghatid. Ingat ka pabalik" bumaba na ko ng bangka. Binukas niya uli ang makina at nagsimula ng umalis. "Sana makasama uli kita Kristine, I'm looking forward for that day" kumindat pa ito at tuluyan ng umalis. Napabuntong hininga ako at nagsimula na maglakad patungo sa bahay. 

Feeling ko ay namumula ang pisngi ko dahil sa pag-kindat nito. Nilobo ko ang pisngi ko baka sakaling mawala ang init. 

Nagulat ako sa biglang pagbukas ng pinto ni Miss Amanda, nanliliksik ang mata nito at tila galit "Sino yon?" madiin ang pagkakabigkas nito. "Si..si.. Philip po" sanhi ng gulat ay pautal utal ako. Hinila ako nito papasok at sinarado ang pinto, nilock niya rin ito at sinigurado na naka sara ang lahat ng bintana.

"Di ba ang sabi ko sayo ay bawal ipaalam kahit na kanino ang tungkol sa trabaho mo!" palakad lakad ito sa harapan ko at tila aligaga. "Hindi naman po niya alam na nagtatrabaho ako rito, ang sabi ko po ay tiyahin kita." mahinang paliwanag ko. 

Tumigil siya sa paglakad ng pabalik balik at tila kumalma "So, di niya alam na may bata rito?" 

"Hindi po" napayuko ako sa takot na baka tanggalin na niya ako sa trabaho agad. Umupo siya sa sofa at pinatabi ako sakaniya, sumunod naman din ako agad. Mukhang kalmado na ito.

"Pasensiya ka na sa naging reaksyon ko, gusto ko lang na mag ingat tayo dahil tayong babae lamang ang nakatira rito at may bata pa. Nakakatakot na kasi ang mga nangyayari sa ibang lugar, malalayo ang ibang bahay sa atin. wala tayong mahihingan ng tulong, sana ay naiintindihan mo ako Kristine" nakahawak ito sa aking braso.

"sorry din po Miss Amanda, sinamahan niya po kasi ako mamasyal kanina sa resort. Nakilala ko rin po siya doon. Mabait naman po siya, pero kung gusto niyo po na wag na siyang kausapin ay ayos lang po." paliwanag ko sakaniya, ayos lang naman talaga sa akin, para na rin hindi na siya mag alala, napaka buti ni Miss Amanda sa akin kaya kung nababahala siya kay Philip ay pwede ko naman ito layuan.

Napabuntong hininga siya "Sorry ah ang paranoid ko ba, siguro dahil na rin sa itsura ng lugar. Pero ang ganda kasi talaga dito diba? ang peaceful, feeling ko ay wala akong problema." napasandal ito sa sofa.

"magkwento ka sa mga pinasyalan ninyo" agad naman akong nagkwento, natutuwa ako dahil interesado ito sa mga ginawa ko ngayong araw.

Nagguilty rin ako dahil hindi ko sinabi sakaniya na sa resort ko nakita si Philip, ayoko naman sabihin na gumagala si Philip sa may gubat baka mag iba ang isip ni Miss Amanda rito. Sana ay mabigyan ng pagkakataon na magkakilala silang dalawa.

Mother's Helper (ON-GOING)Where stories live. Discover now