Chapter 7

0 2 0
                                    


Tumingin ako sa relo ko at mag aalas tres na. Kanina pang 2:30  natapos ang klase namin.

Chineck ko yung phone ko at sakto namang may tumatawag.

"Natalia anak? Hindi muna kita masusundo ngayon. Busy talaga. Pasensya na"

"Pa okay lang po. Sige po uuwi na ako"

"Sino yon Natnat? Uuwi ka na?" Tanong ni sky.

"Oo. Mauna na ko sayo" naglakad na ko palabas ng gate.

Habang tumatawid ako nakaramdam ako na may sumusunod sakin.

Pero naglakad lang ako.

Nang malapit na ko makarating sa village namin, nandun padin yung pakiramdam na may sumusunod sakin

Pagtingin ko sa likuran, wala naman.

Weird feeling.

Nang nakapasok na ko sa village namin,

Papalapit ng papalapit yung yabag ng nakasunod sakin.

Alam kong nakasunod talaga!

Tatakbo na sana ako kaso pagtingin ko tinamad na ko tumakbo.

"Sinusundan mo ba ko ha?!?!" Sigaw ko kay sky

"Ano? Hindi noh! Medyo assuming ka Natnat. Village namin to eh!"

"Huh? Dito ka din?"

"Obvious ba Natnat?"

"Bat di mo pa ko sinabayan! E kanina palang sa pagtawid ko nakasunod ka na pala! Engot ka!"

"Huh? Natnat ngayon lang ako nasalikod mo. Kagagaling ko lang sa fast food malapit dito. Hindi kita nakasabay kanina sa school"

I-ibig sabihin, may sumusunod talaga sakin?

"Langit nakakatawa ba yon ha? Umayos ka nga!"

"Hindi talaga Natnat pramis  mamatay ka man"

Hindi ko na siya pinansin at dirediretso ako sa paglalakad.

Nakasunod parin pala si sky. Kelan ba to liliko?

Nakaramdam ako ng malamig na bagay na dinikit sa pisngi ko.

dinikit pala ni sky yung coke float sakin.

"Malamig ano ba"

"Malamang may yelo eh! Hahahahahah!!!" Tawa niya pa.

"Tss"

"Yan sayo na yan. Kanina ka pa tahimik e"

"Thanks"

matagal ng may bakanteng bahay sa gilid ng bahay namin.

Dalawang bakante. kaliwat kanan.

Hindi kaya don nakatira si sky?

Ng makarating ako sa bahay namin ay tumigil din si sky.

"Dito bahay nyo Natnat? Nice! Dito lang bahay ko oh! Magkatabi tayo!" Nakangiting sabi nito.

"Bahay mo? Maka angkin ah sayo lang ba ha" asar ko saknya.

"Sakin lang kasi yon Natnat. Ako lang diyan eh"

"Ikaw lang? Mag isa?" Lakas maka independent ah

"Ofcourse" taas noo pa nitong sagot

"Sige una na ko" sagot ko dito

"Mas mauuna ako sayo!!" Sagot nito at tumakbo papuntang pintuan ng bahay NIYA at biglang sinara yung pinto.

Cronia - The Lost KingdomWhere stories live. Discover now