Chapter 8

3 0 0
                                    


Pagkarating ko sa bahay, naabutan ko si Nay rosa na nagluluto na.

Dumiretso nalang ako sa kwarto ko at humiga.

Kinuha ko ang phone ko at sinaksak ang earphones sa tenga ko kasabay ng pagtugtog ng kanta ng The Vamps na Somebody To You.

Maya maya pa'y nakarinig ako ng katok.

"Natalia iha, iniwan pala ito ng bisita mo kanina. Tinatawag ka niya habang paakyat ka."  Agad akong napatingin at isang plastic bag yon.

Umalis narin si Nay rosa. Itutuloy ata yung niluluto niya.

Huh? Plastic to ng grocery ah

Pagbukas ko, punong puno ng chocolates at junk foods pati narin chocolate drinks.

Kaya pala maraming binili. Hahatian pala ako. Weirdo.

Pinasok ko na lahat sa ref at pumikit ulit.

-----------------------------------------------

"Natalia, anak gising na. Umaga na"

Unti unti kong dinilat ang mata ko at nakita kong si papa pala.

Teka umaga?

"Hindi na kita pinagising kay Nay rosa. Ang himbing kasi ng tulog mo" sagot ni papa bago pa man ako makapagtanong.

"Sige bumaba kana." Kasabay non ay ang pag alis ni papa sa kwarto ko.

Pagkatapos kong mag ayos, naabutan ko ng nagkakape si papa. Kung hindi kape, tsaa.

Hinatid na ako kaagad ni papa. Mukhang nagmamadali siya dahil hindi niya ako pinaalalahanan ngayong araw.

  

BUMUNGAD sakin si kath na nakatayo at ilalapag palang ang bag niya.

"Gooodmoooorrniiiingggg Liiiaaaaaa!!!!!!!!!"

"Morning" sagot ko dito.

"Yoowwww Nata" sabi ni paul sabay taas ng kamay niya para sa high five.

"Yow" itinaas ko rin ang kamay ko pero agad ko iyong binaba para maiwan sa ere ang kamay niya.

"Owwwwww pag ako yumaman bibili ako ng airplane! Susunduin ko yung mga  naiwan sa ere" sabi naman ni yasser sabay hawak pa sa kamay niya  na akala mo naman siya yung pinick upline-nan.

Medyo weirdo din siya. Pero di mo aakalaing isa siya sa pinakamatalino saamin.

"Lul" sagot ni paul sabay irap sakin

Masaya kasama si paul. Hindi nakaka out of place kase kaya ka niyang pakisamahan babae ka man o lalake. Hindi halatang silang tatlo nina yasser at matthew ang matatalino samin.

"Hoy bat umiirap ka diyan?! Bawal bakla dito bakla ka ba ha?!?!" Sigaw ni matthew na katabi lang niya.

"Hoy hindi ako bakla noh! Ano laban ka?!" Sagot ni paul sabay amba kay matthew.

"Joke lang ikaw talaga di mabiro ehehehe" sabay peace sign ni matthew

Nakakatawa lang tignan si matthew dahil ampayat payat niya tapos pinipilit niyang maging siga boses niya.

Kahit ganon, matalino siya na kinabibilib ko.

"Hi Natnat!! Goodmorning!!!!" Sigaw ni sky sabay upo sa tabi ni dwight.

"Morning" sagot ko tsaka sinaksak yung earphones sa phone ko.

"Andiyan na si maaaaam!!!" Sigaw ni pabs. Isang kaklase namin na silahis pawisan habang nagmamadaling umupo.

Cronia - The Lost KingdomWhere stories live. Discover now