The Haunted Boarding House CHAPTER 1

9 0 0
                                    

The Haunted Boarding House

Ang kwentong ito'y nangyari sa isang boarding house sa lungsod ng tacloban sa leyte..
Ito po ay totoong pangyayari..


Isang araw napag disisyunan ni aling Consuelo na mag hanap ng mauupahan na bahay o kahit kwarto man lang sa isang lungsod sa probinsya ng Leyte. Upang mabawas bawasan ang gastusin ng kanilang pamilya.. Nag tratrabaho si aling Consuelo sa opisina ng Gobyerno malapit sa nasabing lungsod, kaya dito nila piniling umupa ng matutuluyang kwarto..


Di nag tagal ay naka hanap na sila ng mauupahang kwarto sa lungsod.. kasama nya sa kwarto si Cris na kanyang anak na dalaga na nag aaral sa Lungsod na iyon sa Probinsya ng Leyte na isa ding working student..


"Oh.. pag tiisan muna natin tong kwartong naupahan natin anak" wika ni Consuelo sa anak nya..

"Opo nay"


"Oh sige, ayusin mo na mga gamit mo jan at nang makapag pahinga na tayo"


Habang nag aayos si Cris nga mga gamit nya.. Parang may naramdaman syang kakaiba.. biglang nanlamig ang kapaligiran at mistulang my mga naka masid sa kanila..

.
.
.
.
.
Ilang buwan ang lumipas..

Next week ay Final exams nila Cris sa school..

At dahil classmate nya ang second cousin nyang si Lyka na taga duon sa lugar nila..


Nakiusap ito na makitulog sa kwarto nila sa boardinghouse.. total, wala naman dito ang nanay ni Cris na si Consuelo at my 1 week seminar sa Maynila..

Dahil kaunti lang nag boboard duon..
Napakatahimik lang ng hallway..

"Mukhang nakakabagot dito.. sobrang tahimik." Wika ni Lyka.

"Oo nga eh.. pero ok lang naman. Hehe. Di naman masyadong boring pag meron nito.." ipinakita nya ang isang napaka kapal na english novel na binabasa nya..

"Ayoko nyan.. nakakaduling yan eh.." reklamo ni Lyka.

"Alam ko na! Makipag laro nalang tayo sa mga ka boardmates ng Scrabble"

Ilang sandali lang..

Naglalaro na sila sa kabilang kwarto with boardmates nila..

"Pustahan tayo ha? Yung mananalo bibili icecream!" Wika ni Cris.

"Oh?! Bakit yung mananalo yung bibili?" Tanong ni Armando.

"Oo nga naman. Bakit ba yung panalo yung bibili?" Dagdag naman ni Miya na kapatid ni Armando.

"Ganito kasi yun. Pustahan tayo tig limang piso.. syempre pag nanalo ka. Sayo na lahat ng taya. Kaya yung mananalo ang bibili.. hehehe". Wika ni Cris.

At yun na nga..
Nag laro sila ng scrabble hanggang naabutan sila ng alas dyes ng gabi..

Hindi nila alam..
Dahil sa paglalaro nila..
Di nila napapansin na medyo maingay na sila..

At sigurado sa ganitong oras na alas dyes ng gabi ay nakaka bulabog na sila..


"Cousss.. tulog na tayo. Antok na ako" sabi ni Lyka sa pinsan.

"Uyy.. Miya, Arman.. una na kami. At inaantok na tong pinsan ko.. salamat sa time." Si Cris habang papalabas ng pinto

"Salamat din po ate ! Hihihi! Kung d dahil sa inyo hindi manglilibre si kuya ng ice cream.. ahehehe".

Pagkalabas na pagkalabas nila ng pinto..

My napansin si Cris sa my hallway..

Isang naka puting lalake ang papunta sa kusina.. at pagkatingin nya parang hindi nasayad ang paa sa sahig at mistulang naka lutang ito..

Ginusot nya ang mga mata nya..

Pero pagka tingin nya ulit. Nawala yung lalaki..

"Lyks?! Nakita mo yun? Dun sa kusina?"

"Yung alin?"

"Wala.. hehehe.. inaantok lang siguro ako"

"Guni guni ko lang yata yun.." bulong nya sa sarili.

.
.
.
.
.

-------



Hi readers! Sana po mapansin nyo stories ko.. pasensya na sa mga typo and syntax error.. pati na din sa mga wrong grammar at spellings.. sadyang bago lang po ako sa larangan ng wattpad pero matagal na po ako nahilig sa mga stories dito dahil sa ebook.. hehe..

at sana nagustuhan nyo po kwento ko. Salamat po..

Dugtungan ko po pag my mag request.
True story po yan..

The Haunted Boarding HouseWhere stories live. Discover now