The Haunted Boarding House CHAPTER 3

9 0 0
                                    

Bakasyon ng mga panahon na ito ..
At nag uwian sa kanikanilang probinsya ang ibang nangungupahan dun.. kaya kaunti nalang silang natira dun..

Kinumbinsi na ni Cris ang ina nya na lumipat nalang ng inuupahan kasi nga nakakatakot na duon..

Ayaw naman makinig ng nanay nya at sinasabing guni-guni nya lang daw ang lahat..

-------

Isang gabi.. pag patak ng 12 midnight habang payapang nagpapahinga si Cris sa taas nabahagi ng double deck na hinihigaan niya at sa baba naman ang kanyang ina...

Pinipilit nya makatulog..

Subalit parang namamahay yata siya at ayaw syang dalawin ng antok..

Maya-maya ay may narinig syang  alulong ng mga aso sa labas ng boardinghouse na inuupahan nila..

hindi nya ito pinansin..

Ngunit ilang sandali lang ay may narinig sya na parang umiiyak..

Yung mga alulong ng mga aso ay sinasabayan ng mahihinang iyak ng isang babae na mistulang humahagulhol..

palapit ng palapit ito sa bahay..

Habang umiiyak ang babae.. sumasabay din ang alolong ng aso..

Nagsitayu.an ang mga balahibo ni Cris sa mga narinig nya.. yun nga! Yun yung narinig nila nung isang gabi..

..

Naririnig ni Cris na parang nakapasok na sa bahay ang umiiyak na babae..
At papalapit to sa kwarto nila..

Nang parang naka tapat na sa pintuan ng kwarto nila ang boses ng babaeng umiiyak..

Biglang nanigas ang buong katawan ni Cris..

Namutla sya bigla na parang binuhusan ng napaka lamig na tubig..

Ayaw makisama ng katawan nya at hndi man lang magawang mag taklob ng kumot..

Gustong gusto din nyang takpan ang tenga nya.. subalit ayaw talaga makisama ng katawan nya..

kaya ang nagawa nya lang ay pumikit ..

naririnig nya parin ang hagulgul ng babae.. at  narinig nya din ang pilit na pag bukas sa pintuan ng kwarto nila.. kaya kinabahan sya..

Gusto man nyang umiyak, Sumigaw at humingi ng tulong o kaya mag taklob man lang ng kumot ay d nya magawa.. sa hindi malamang dahilan..

Lalong nagimbal si Cris ng narinig nya ang pag click ng lock nila sa loob at ang dahang dahang pag bukas ng pinto ng kwartong iyon na mabigat at luma..

at dahil dito..

lumilikha ito ng ingay sa dahang dahang pag bukas ng pinto..

Nararamdaman at naririnig ni Cris ang pag pasok ng babaeng umiiyak sa kwarto nila..

"Dyos ko! Wag nyo po akong pababayaan lord. Kayo na po ang bahala saakin" sigaw ng isipan ni Cris ..

"Hhhuuuhuhuhuuuh" dinig na dinig ni bhem ang babaeng umiiyak papalapit sa double deck na hinihigaan nilang mag ina..

D nya alam kung naririnig o nararamdaman din ba ng ina nya ang pag pasok ng kakaibang nilalang na to na nagawang buksan ang lock nila sa loob ng kwarto samantalang galing naman to sa labas..

Palapit ng palapit sa kinahihigaan nya ang babaeng umiiyak..

Naramdaman nya ang pagiyak na yun papalapit sa tenga nya..

Pahina ng pahina pero palapit ng palapit sa tenga nya..

Mistulang bubulong sa kanya..

At ng makalapit na ng masyado na para bang nakadikit na sa kanya.. at nararamdaman nya yun..

"huhuhuhhuuuhuhu!" sumasabay na din sya sa pag iyak.. dala ng takot nya..

Ng biglang-----

"Tiktilaookk!!"

Biglang nawala ang boses na umiiyak nung tumilaok ang manok..

At dun na nakkuha ng tyempo si bhem na kunin ang kumot nya at ipang taklob sa kanya..
At nakatulog sya dala dala ang takot..

-------

The Haunted Boarding HouseWhere stories live. Discover now