Tha Haunted Boarding House Chapter 4

7 0 0
                                    

---
Ayaw pakinggan ni Consuelo ang mga kahibangan na sinasabi ng dalagita nyang anak..

"Nay! Maniwala po kayo.. May mga nagpaparamdam po sa bahay na ito"

"Tumigil ka jan sa mga pinagsasabi mo ha! Alam mo, pagud ako sa trabaho .. Magpapahinga na ako kaya wag kang maingay! " Suway ni Consuelo sa kanyang anak..

Alam naman talaga nya at nararamdaman ang mga nangyayaring kababalaghan sa bahay na yun.. Pero pinili nyang manahimik muna dahil hindi naman makaka tulong kung ipapakita nya din sa anak niya na natatakot din sya sa mga nangyayari..


"Lilipat talaga tayo nang mauupahang bahay.. kaunting tiis lang anak " bulong niya sa kanyang isip.

----
.
.
.

Ilang araw pa sila namalagi doon. Sa awa ng diyos ay madalang nalang sila maka rinig at maka ramdam nang mga nakakatakot na mga nilalang na nagpaparamdam sa boarding house nayun. Minsan nga wala sa loob ng dalawang linggo.

Simula nung sabay sabay na nagparamdam ang mga ligaw na kaluluwa sa bahay na yun.. Tatlong buwan lang ang naka lipas ay muli itong nagparamdam sa kanila..

---

Hating gabi...

Tumunog ang alarm nung malaking wall clock sa boarding house na yun..
Kahit wala naman nag set ay tumunog ito na mistulang kampana.


"Naaaayyy! Huhuhu!" Sabay talon no Cris papunta sa higaan ng nanay nya  mula sa taas sa kanyang higaan ..


"Ssshhhhhh! Wag kang maingay at mag dasal ka lang ng mataimtim" sabi ni Consuelo sa anak habang niyayakap nakatalukbong sila ng kumot at niyakap nya ito ng mahigpit..

Sinimulan na nali mag dasal..



Habang nagdarasal sila...

Narinig nanaman nila ang babaeng umiiyak.. nasa loob ito ng hallway ng boarding house. Sa labas mismo ng mga pinto nila.

"Hhhuuhuuhhuuhuuuhh hhuuhh!"

Umiiyak ito ng pahagulgol..
Mistulang nasa malalim na hukay ang boses nito.. malamig na malamig ang boses..

"Hhhuuhuuhhuuhuuuhh hhuuhh!"

Isa isa nagsitunogan ang mga dorknob nila.. na para bang pinipilit itong buksan kahit naka lock..

Duon na nagsi-iyakan ang mga babaeng boarders sa bahay na yun.. Maririnig mong takot na takot talaga sila..

Mistulang nakikisabay sila sa pag iyak ng multo..

"Hhhuuhuuhhuuhuuuhh hhuuhh!"

-
Habang sa kabilang kwarto naman..
Hindi naka tiis yung lalake na bagong umuupa dun, lalo na't mag isa lamang sya sa kwartong yun..

Lumabas ito ng kwarto niya..

Sa tapat mismo ng kwarto nya..
Merong mataas na mesa at mahabang upuan..

Doon nya mismo nakita ang isang babaeng umiiyak..

Naka damit ito na puting pangkasal..
Pero parang madumi ang suot nito at punit punit pa, na parang lumang luma na at kumukupas na..

Nakita nyang naka upo ito sa bangko at naka yuko ito habang nakatukod ang mga siko sa mesa at naka lapat naman ang mga palad dya sa mukha nya..

"Hhhuuhuuhhuuhuuuhh hhuuhh!"

Hinarap nya ito..
Huminga ng malalim at tinapangan ang sarili.. kahit na nangangatog na ang kanyang buong katawan sa takot..

Sadyang hindi lang niya makayanan ang mga naririnig lalo na't mag isa lamang siya sa kwarto..

"M-miss a-aa-ano ba ang p-ppp-roblema? Ba-b-bakit ka umiiyak? B-bakit hindi ka pa n-nama-mayapa at nagpapahinga?" Tanong nya sa babaeng umiiyak. Tinios nya ang lahat kahit nagka bulol-bulol na siya sa takot.

Alam nyang hindi tao ang kausap nya. Alam nyang isa itong espirito na hindi mamayapa..

Pagka tanong nya nun umangat ang ulo nitong naka yuko kanina at tumayo ito sa pagkakaupo habang wala paring tigil ang pag iyak nito..

"Hhhuuhuuhhuuhuuuhh hhuuhh!"

Dahan-dahan itong humarap sa kanya. At sa pagkaka side view palang ay sobra na ang takot nya nung masilayan nyang parang naagnas na bangkay ang kaharap nya.. Ang kalahiti ng mukha nito ay kitang kita na ang bungo at wala ng mata sa kabila. Habang sa kabila naman ay medyo bu-o pa pero parang nabubulok na din..

Kahit na ganun.. pinanindigan niya nalang ang kanyang ginawang desisyon sa pag harap sa multong umiiyak..

"A-ano po pa-pangalan nyo? Ba-bakit k-ka po umiiyak? Ta-han n-na.. B-bakit di p-pa po ka-kayo mamayapa?" Tanong nya ulit sa multong umiiyak

Sa isip nya ay baka pwedeing masulusyunan ito sa pamamagitan sa pakikipag usap dito .

Humarap ito sa kanya at..
Nagsalita na mistulang nag susumbong sa kanya..
Malamig ang boses nito.. napaka lalim ng boses at malinaw ang mga pagkakabigkas niya. Pero hindi ito maintindihan.. Mistulang ibang lengwahe ang kanyang binibigkas na para bang wala daigdig na ito ang nagbibigkas ng linguwahe na yun..

Pagkatapos mag salita ay umiyak ito ulit at tumalikod palabas ng boarding house..

"Hhhuuhuuhhuuhuuuhh hhuuhh!"

Tumagos ito sa pintuan ng kusina palabas sa likod ng bahay..

"Hhhuuhuuhhuuhuuuhh hhuuhh!"

Palayo ng palayo ang boses hanggang sa nawala ito..

---

Isa isang nagsilabasan ang mga boarders sa kanya kanyang kwarto nung hindi na nila marinig ang babaeng multo. Agad nila nilaputan ang lalakeng kumausap sa multo. Nanghihina ang katawan nito dahil sa takot..

"B-bungo ang kalahating mukha! Na-naagnas na siya! " pilit nyang diniscribe ang babaeng multo kahit na nanginginig na siya sa takot..


Alam nilang lahat ang nangyari dahil dinig na dinig nila ito. Ang hidi lang nila anlam ay kung ano ang itsura nito at ayaw na nila itong malaman..

Kinabukasan naikuwento nung lalake sa mga boarders duon ang lahat ng pangyayari ..


---

Dalawang buwan ang nakalipas ay isa-isa nang umalis ang mga boarders doon dahil i-rerenovate ang kalahiting bahagi ng boarding house na yun. Habang yung iba ay nagpaiwan doon. Wala na daw nagpaparamdam eh.

Kasama ang mag inang Consuelo at Cris sa mga umalis doon. Talagang hindi na nila matitiis na magtagal sa ganoong klaseng tirahan. Sakto naman naka kuha sila ng hulugang lupa na pwedeng pagpatayuan ng bahay.

Makalipas ang ilang buwan..
Nabalitaan nilang namatay daw yung lalakeng nakipag usap sa multo. Atake daw sa puso ang ikinamatay. At doon mismo sa boarding house na iyon siya namatay.

-----
Wakas..
----

Hi sa mga readers!
Salamat po sa pagbabasa ng stories ko! Sana po ay magustuhan nyo po.

Sorry din sa mga typo error, wrong grammars at spelling. Wala po kasi akong talent sa ganyan eh. Sadyang gusto ko lang talaga mag kuwento. Hehe!

Anyways..
Comment lang kayo pag gusto nyo pa ng kuwento at gagawa ako.. salamat ulit

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 26, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Haunted Boarding HouseWhere stories live. Discover now