The Haunted Boarding House CHAPTER 2

3 0 0
                                    

Isang gabi habang himbing na himbing natutulog ang mag pinsan..

Naalmpungatan sila dahil sa mga naririnig na ingay sa labas ng bahay na pinag upahan nila ng kwarto..

"Haaayy nakuu.. ano kaya meron? Bat ang ingay sa labas?" Tanong ni Lyka sa pinsan habang tinaklob ang unan sa mga tenga nya..

"Naririnig mo yun?" Tanong ni Cris sa pinsan.

Yung alagang baboy kasi nung land lady eh parang umiiyak na ewan.. parang umiiyak pero nagpipigil na wag umiyak..

Yung parang natatakot yung baboy. Ganun yung tunog..

"Mommy! Huhu!" Sabay talon ni lyka mula sa taas ng double deck na higaan.

Tumabi sya sa pinsan nya at nanginig sa takot..

May naririnig sila sa labas..

Si Cris ay naririnig yung
Parang mga sundalong nagmamartsa..

"Hop! Two! three! four!"

"Hop! Two! three! four!"

"Hop! Two! three! four!"

"Hop! Two! three! four!"

Patuloy nyang naririnig iyun na mistula bang iniikot ikot lang yung bakuran ng kanilang boardinghouse na inuupahan.

Si Lyka naman ay iba yung naririnig..

"Yyyaaaaahhhh! Tigidiig! tiiiggiiidiig! Tigidig"

"Yyyaaaaahhhh! Tigidiig! tiiiggiiidiig! Tigidig"

"Wwhhooooooww! Yaaaahh! Tigidig tigidig!"


Mistulang may mga nangangabayong mga tao sa labas ng bahay..

Naririnig din ni Lyka ang mga huni ng mga kabayo at ang mga taong mistulang nagkakagulo at nag aaway away sa labas..


Nag yakapan ang mag pinsan at nagtalukbong ng kumot..

Takot na takot ang dalawa..
Pareho pa naman silang babae dun, iisa lang ang lalake na naka board dun.. at itoy nasa kabilang kwarto pa..

Narinig nila Cris at Lyka si Miya sa kabilang kwarto..

Umiiyak na..

"Mommy.. huhuhu! ".. si miya

"Ssshhhh.. wag kang maingay. Takpan mo tenga mo at pumikit ka.." sabi ng kuya niya.

Habang sila Cris naman at Lyka naramdaman na parang nawawala na yung mga naririnig nila sa labas..

Akala nila tapos na.
Pero hindi pa pala..

Yung iyak kanina nung baboy na medyu mahina lang ay lalong lumakas..

Mahahalata mo talagang takot na takot ito..

Narinig ng magpinsan na mistulang may nag iigib sa poso.. tapat lang ng kulungan ng baboy..
Sa mismong labas lang ng bintana kung saan ang kwarto nila..

Naririnig nilang nag iigib ito ng tubig gamit yung pang igib na mahabang kawayan at may nakasabit na lata ng pintura sa dulo..

Narinig pa nilang nag buhos ito ng tubig at mistulang naliligo..

Mga ilang minuto din yun..

Pagkatapos ay parang nag lakad ito papuntang main door ng boarding house at hinahatak-hatak nya lang ang tabo ng poso..

Pabalik balik lang sya sa hallway..
Nararamdaman ni Cris ito dahil sa naririnig nya..

Naririnig din nya yung mga patak ng tubig na tumutulo sa sahig.. na mistulang basa yung naglalakad na yun..

Hindi silasigurado kung sino o kung ano yun. .

Limang beses nagpabalik balik  sa hallway yun nang biglang gunalaw yung doorknob ng kwarto nila Cris na parang gusto itong buksan mula sa labas..

Parang nasa tapat ito ng pinto nila.
Narinig din nila na hinampas na yung tabo sa pintuan nila.. at uulitin nanaman ang pag lalaro sa doorknob..

Mga limang minutong ganon bago narinig nilang nag lakad ito papalayo habang hatak hatak parin yung tabo nung timba..

Napapaiyak na sa takot ang mag pinsan habang magkayakap.. nanginginig at nanlalamig ang mga katawan nila..

Ilanh sandali lang ay may narinig nanaman sila..

Yung babaeng umiiyak..
Hindi lang bastang iyak.. kundi hagulgol..

alam nilang babae ito dahil sa boses..
At alam nilang hindi normal na nilalang.. dahil napaka lalim ng boses nito habang umiiyak..

Parang nanggagaling sa ilalim ng hukay .

Napaka lamig ng boses at nakakapang tindig balahibo..

Pagka rinig ng pagkarinig nila dun..
Sumabay sa pag hagulgol ai Lyka dahil sa matinding takot ay di na nya napigilang umiyak..

Si Cris naman ay umiiyak na rin at nag pipigil lang habang yakap ang pinsan nya..

"Huhhuhuhuhu"

"Hhuuuhuuuuuuuhhh"

Dinig na dinig naming lahat yun..

Napansin ko ding humahagulgol na din sa takot si Miya sa kabilang room..

Mga tatlong minuto lang yata nun at dahan dahan itong nawala..

Pare pareho silang hindi nakatulog ng gabing yun kahit magdamag naka pikit ang mga mata nila..

Mag sikat ng araw.. sama sama silang natulog sa isang kwarto.. para makabawi ng tulog.

Nalaman din nilang ganun talaga dun lalo na pag kaunti nalang boarders dun at pag nag iingay sila sa gabi.. ito ay ayon sa katiwala ng boarding house..

Ibat ibang kababalaghan ang maririnig mo dun..

Lalo na yung babaeng umiiyak..

----

Pagkatapos na pagkatapos ng exams nila ay agad na umuwi si Lyka ..Cris naman ay hinantay ang ina nyang dumating galing Maynila..
At pagkadating nito kinukumbinsi nya itong lumipat ng boardinghouse..

The Haunted Boarding HouseWhere stories live. Discover now