Chapter 6

16.3K 594 322
                                    

After crying inside my room nag shower muna ako. Bumaba lang ako ng marinig kong nandyan na si Kuya.

"Kuya"- sabi ko pero natigilan din ako ng makitang sobrang lapit nila ni Mel.

Nakaramdam ako ng inis lalo na ng magtama ang mga mata namin. Base sa reaksyon nya parang nakalimutan nya kaagad na nahalikan nya ako accidentally kasi yung mukha nya?, the usual face of her maamo na parang walang ginawang masama ganun.

"Yes Annie? "- pagtawag ni kuya dahilan para mapabalik ako sa reyalidad.

Tumayo ako ng tuwid at umiling. Tapos nilagpasan kona sila.

"Kumain naba kayo ni Mel?"- tanong ni kuya na nakasunod.

"Guess what Kuya? "-sabi ko at tumaas ang isang kilay.

Pinanliitan naman ako ng mga mata ni kuya.

Sumimangot ako at padabog na umamin.

"Fine. Hindi pa. You know I can't eat na kasabay yan"- sabi ko.

"Annie isa"- Kuya warned.

"Ahm let her be kung ayaw nya pwede naman tayong nalang kumain dalawa e"-sabi ni Mel kay kuya. Lalo akong nainis.

So ayaw din nya ako kasabay kumain?! Then fine!  Much better matatahimik ako. Damn!

Kumuha ako ng noodles sa cabinet. Ayaw kona magdinner.
Nilagyan ko yun ng mainit na tubig.

"Annie iyan lang kakainin mo?"-tanong ni Kuya habang naglalabas ng plato.

"Yeah"-walang gana kong sabi.

"Ayaw mong sumabay samin ni Mel?"-tanong ulit ni Kuya.

"Obvious naman kuya "-maktol ko.

Lumakad ako dala dala ang cup noodles ko.
Tumingin ako sa gawi ni Mel and to my surprise nakatingin din sya sakin kaya tinaasan ko sya ng kilay.

"Excuse me"-sabi ko kasi madadaanan ko sya palabas ng kusina.

Lumagpas sya sakin at ewan ko ba kung aksidente lang o sinadya nya talagang dumikit yung braso nya sa kamay ko na may hawak na noodles.
Nagbigay yun ng kakaibang kuryente sakin na naging dahilan para takbuhin kona papuntang kwarto ko sa itaas.

I lock the door and look at my noodles.

"What was that? "- inis na sabi ko at nagtungo sa kama.

Pero hindi ako nakuntento at tumungo ako sa may bintana para maupo. Hinawi ko yung kurtina at pinagmasdan ang labas.

Gabi na. Wait dito ba matutulog yung babaeng yun?
Wag naman sana ayaw kona makakita or makarinig ng nakakakilabot no!

Inubos ko ang noodles ko at pagkatapos nagpahinga ako saglit bago umalis sa pwesto ko. Sinara kona ulit yung kurtina at nagdesisyon nakong bumaba.

"Oh my gosh! "- gulat na sabi ko at halos matulos sa kinatatayuan.

Maghalikan daw ba sa kusina?! Jeezzz!!  Nakakaloka

Hinarangan naman ni kuya si Mel para siguro hindi mapahiya.

"Sorry sis"-natatawang sabi ni kuya.

Sumimangot ako.

"Hindi nakakatawa."-sabi ko at pumasok na sa kusina. Nilagay ko sa trash bin yung lagayan ng noodles at hinugasan ko ang ginamit kong tinidor.

After maghugas ng plato halikan portion naman sila?! Aba talaga naman.

Pagkalingon ko magkahiwalay na sila. Nagpunas ako ng kamay at tinanong kona si kuya.

"Dito ba sya matutulog? "- tanong ko.

My Brother's GirlfriendWhere stories live. Discover now