Chapter 9

15.8K 564 155
                                    


Kinagat ko ang inner cheek ko habang pinagmamasdan si Mel na busy sa laptop nya.

She looks so formal parang hindi sya yung babae na inaaway ko lagi pag napunta sa bahay. At parang hindi din sya yung babae na nakipag s*x kay Kuya sa bahay.

Kung titignan mo sya para talaga syang isang bagay na babasagin. She's so feminine.Kung ngayon kolang sya nakilala iisipin kona sobrang tino nyang babae or let's say hindi sya yung mukhang easy to bed with.

"Are you hungry? "- she asked while still typing something.

So this is how she work in here? Napangiti ako. Ang sipag naman nya. Samantalang ako hindi pa graduate ng college pero tinatamad na. Bakit kasi ang lungkot ng buhay ko?, Hindi manlang ako binigyan ng huling pagkakataon na makita at makausap sya. Andami kong tanong kay Papa. Pero hindi kona man na matatanong.

"Annie hey"- Mel snap in front of me.

Wala na pala sya sa mesa nya at nakalapit na sya sakin.

"Are you okay?, is there something bothering you? "- she asked worried.

Worried? San nanggaling yun?

Tumayo ako at binigyan distansya ang layo namin dalawa. Nakaupo kasi sya malapit sakin.

"I'm fine. Uuwi nalang kasi ako"-sabi ko.

She shook her head bago tumayo. She look at her wristwatch and she look at me.

"We'll eat dinner together"-she said.

"Kuya Kevin might look for me if I didn't go home early"-palusot ko.

She chuckled bagay na nakapag pabilis ng tibok ng puso ko. No doubt she's so pretty.

"Sabi mo hindi kana bata?"-sabi nya

"Hindi na nga"-sabi ko at humawak sa batok.

"Edi dito kalang muna. Magpapaakyat ako ng dinner"-sabi nya at bumalik sa mesa nya para pindutin ang intercom.

I stare at her and how she calmly talk to whoever it is in the intercom.

Why do I hate this woman?, Because of my brother...

And why do I feel like I want to unhate her right now?

"Pwede naman si Kuya ang yayain mo kumain bakit ako pa? You know I hate you right? "-sabi ko.

"Hate mo nga ba ako? "-she asked.

"Oo"-walang gatol na tanong ko.

"Okay. "-simpleng sabi nya. "And btw kaya kita gustong makasama ngayon because I want to find out something. "-dagdag pa nya.

I was about to say something ng may kumatok sa pinto. Bumukas iyon at bumungad samin ang isang lalaki na may tulak tulak.

"Put it all on my dining table Mark"-sabi ni Mel na sinunod naman nung lalaki.

He open another door at nandun sa loob nun ang isang dining hall.
Bakit hindi ko yata napansin yun?

After maarrange yung mga pagkain lumabas na yung lalaki.

"Halika na"-aya sakin ni Mel at pumasok na duon.

Slowly I walk to come in there. Pagpasok ko feeling ko nasa bahay lang ako. San kaba kasi nakakita ng ganto kalaking office tapos may lamesa pa na kasya ang anim na tao pag kakain. May sink din dun. May c.r din. May mga baso at mga platito at kutsara din.

Pwede ka ng tumira. Sinara nya yung pinto kaya naman hindi kona nakita yung office nya sa labas.

"Bakit mo sinara?"-sabi ko.

My Brother's GirlfriendWhere stories live. Discover now