Chapter 11 ( Tagaytay Escapade prt. 2)

4 0 0
                                        

Enzo's P.O.V

(So Hi!! So tama po ang nakikita niyo!! Gagawan ko po si Enzo ng point of view.... Sana po magustuhan niyo)

Pumikit na ang mga mapupungay niyang mga mata..
Habang natutulog siya pinagmamasdan ko siya..

She's so Beautiful! Ang puti niya, ang amo ng mukha niya, mataas na pilik-mata, matangos na ilong, red rosy cheeks, and her red soft kissable lips... Fvck! Ano bang iniisip ko?? Na tetemp ba akong halikan siya?

Inalis ko nalang ang tingin ko sa kanya.. At pumikit nalang.. Pero sh*t di talaga maalis sa isip ko ang magandang mukha ni Ellah..

Tiningnan ko siya ulit, pero dahan-dahang napasandal ang ulo niya sa balikat ni Carl.. Biglang na bad mood ako.. Ewan ko bakit...

Kaya ang ginawa ko, ay kinuha ko ng dahan-dahan ang ulo ni Ellah mula sa balikat ni Carl, at ipinatong sa balikat ko.. Selfish?? Siguro?? Tinamaan ako eh!

Oo, i admit tinamaan ako sa kanya, since unang pagkikita palang namin.. I don't believe at love at first sight, but when I saw her. Everything has changed..

Ganyan talaga siguro ang pag-ibig pag tinamaan ka, tinamaan ka! Kase sabi nga nila ang pag-ibig parang kidlat, hindi mo alam kong kailan ka tatamaan.

Nagising bigla si Carl, at napa tingin siya sa akin at kay Ellah. He's so cold, ewan ko ba bakit gustong-gusto siya ni Ellah. Naawa na ako kay Ellah, dahil nagpapaka tanga siya sa lalaking katulad ni Carl..

Naiinis ako sa kanya minsan, dahil hindi niya nakikita yung mga effort ni Ellah para sa kanya.   Kung ako lang siya, siguro abot langit na ang saya ko.. Pusong bato talaga siguro siya..

Tiningnan ko siya at nagtama ang paningin namin, hindi ko alam pero basta basta ko nalang siya tinanong.

"Do you like Ellah?" Tanong ko

Ilang segundo di siyang napahinto at tila nag iisip

"No, I don't like her." Cold niyang sagot

"But, why? Di mo ba nakikita ang mga efforts niya? Mapansin mo lang siya?" Sunod-sunod kong tanong, I can't help it

"I don't know, Alam niya namang di ko siya gusto, at kahit kailan di ako magkakagusto sa isang katulad niya. Eh, habol parin ng habol.  Nag mumukha na nga siyang tanga! Ako lang ang naawa sa kanya." Cold niya paring sagot

Bigla nalang nag init ang dugo ko sa mga sinabi niya, wala siyang karapatang pag sabihan ng ganyan si Ellah! Fvck! I want to punch him.. Wala ba siyang puso?

" Alam mo, Carl? Ikaw yung tanga! At hindi si Ellah! Alam mo bakit? Dahil hindi mo nakikita yung mga paghihirap ni Ellah, mapansin mo lang siya. At wala kang pakialam kong masasaktan ba siya o hindi! You know what? Di ko nga rin alam eh, kung bakit nagkagusto siya sa isang tulad mo na walang puso.. Matalino ka nga Carl, wala namang puso!" Sigaw ko sa kanya

Nag iinit na talaga ang dugo ko! Fvck! Sh*t!

"Why don't you ask her to stop liking me? And beg her na ikaw nalang ang gustuhin niya?" Sagot niya...

Hindi na ako nakapag salita dahil nagising na si Ellah

"A-anong nangyayari? Ba't ang iingay niyo?" Inosente niyang tanong habang kinukusot niya ang mga mata niya

" Ahm, it was just nothing. May pinag usapan lang kami ni Carl. Matulog ka na lang ulit.. Gigising nalang kita, pag nandun na tayo." Paliwanag ko sa kanya

"Tapos na kong matulog, ikaw ba? Nakatulog ka ba? Ang haba kaya ng byahe." Tanong niya habang naka tingin sa akin, ang ganda ng mga mata niya...

"Hindi ako natulog."

"Huh? Bakit?" Curios niyang tanong

" Binabantayan kasi kita, baka maagaw ka pa ng iba." Sabi ko

Sh*t ano bang sinabi ko? Sana di niya yun narinig

"Huh? A-anong sabi mo?" Tanong niya, whooo tnx di niya talaga narinig

"Wala, sabi ko nagbabantay lang ako sa inyo." Paliwanag ko at napa 'ahh' nlng siya

Ilang oras din kaming natahimik

"Ahm, Enzo anong mga type mo? I mean anong klaseng babae ang mga tipo mo?" Tanong niya na seryoso ang mukha

Napa isip ako.. Ano bang tipo ko sa isang babae?

"Mga tipo ko? Yung mga katulad mo, cute, masayahin, hindi basta-basta sumusuko, mabait. At maganda, yung simple lang." Sagot ko sabay lingon sa kanya

"Eh, ikaw ba? Ano yung mga tipo mo?"

Bigla siyang tumingin sa katabi niya, na walang iba kundi yung gagong Carl na yun. Na naka headset habang naka pikit.. Tsk! Sarap tadyakan!

"Ellah, gusto mo parin ba si Carl? Kahit alam mong wala ng pag-asa? I mean di ka niya pinapansin, palagi ka niyang iniiwasan. Parang wala ka lang sa kanya, ba't di ka parin sumusuko? Ellah, hindi lang si Carl ang lalaki sa mundo. Nandito di ako Ellah." Wika ko habang hinawakan ang isang kamay niya na nasa lap niya, at nakatitig parin sa mga mata niya

Bigla niyang tinanggal ang kamay niya, at umiwas ng tingin sa akin

"Ahm, Enzo. Mukhang inaantok pa ko eh. Sige tulog muna ako ulit ha? Heheh" nahihiya niyang sagot habang pilit na ngumiti

Alam kong nabigla yata siya sa mga sinabi ko

Napa buntong hininga nalang ako...

Wag kang mag-aalala Ellah, dahil kahit anong mangyari andito lang ako sa tabi mo. Kung sasaktan kaman ni Carl, wag kang mag aalala nandito lng ako para saluin at punasan ang mga luha mo..

Sana ako nalang Ellah, sana ako nalang..

Hanggang ngayon umaasa parin ako na balang araw, magiging akin karin, at hinding-hindi kita sasaktan at papakawalan.

At hindi ko na namalayan na naka tulog na pala ako..

End of Chapter 11💖











💜I'm Destined With This Cold Guy💜Место, где живут истории. Откройте их для себя