Tik.....tok....
Tik....tok.....
Tik......tok....
"Hayyy.." Tanging tunog nalang ng orasan ang naririnig ko. Hindi kasi ako makatulog,ewan ko ba kung bakit. Parang may bumabagabag sa isip ko.
Tiningnan ko ang wall clock at 9:00 pm palang naman. Napagpasyahan ko munang lumabas,pero boring naman siguro kung ako lang diba?
Hmmm... Ahhh gigisingin ko nalang si Steffy. Gusto kong makipag-chikahan sa kanya sa labas total minsan nalang naman kami nagbo-bonding kasi busy sa school.
"Steffy!gising..." Sigaw ko malapit sa tainga ni Steffy para magising sya.
"Ano ba? Alam mo namang natutulog yung tao eh! Kung ikaw ayaw mong matulog,magpatulog ka!" Mataray na sabi nya habang nakapikit.
"Steffy...samahan mo naman ako sa labas,pleassseee ngayon lang?di kasi ako makatulog eh!"
"Ayaw ko!" Ayyyy umandar na naman yung pagka malidita nang isang toh.
"Sige na please.." Pagmamaka-awa ko.
"Oh sige na nga basta,libre mo ko huh!" Wow, magpapasama lang ako sa labas magpapalibre talaga sya.
"Fine! Bumangon kana dyan." Sabi ko sabay hila sakanya patayo sa kama.
"Pasalamat ka kahit loka-loka ka mahal kita." Wika nya na nagpangisi sakin, ahhh ang sweet naman.
Nagsuot kami nang jacket kasi malamig na sa labas. Tuluyan na kaming umalis at sumakay na kami sa elevator.
Maya-maya pa ay nakarating na kami dito sa ground floor ng hotel,at lumabas na kami.
Ang lamig nang simoy nang hangin at ang liwanag pa nang buwan dag-dagan mo pa nang mga ilaw na kurteng puso sa paligid,ang liwanag na.
Maganda talagang magdate dito nang ganitong oras,sana dito kami magdate nang magiging bf ko or should I say ni Carl. Hhayy alam ko namang malabo pero fighting parin! Hehe kahit nakakatanga, tinamaan ako ehh.
"Hoy bigla ka ata natulala?" Bumalik ako sa huwishyo ng marinig ko ang mataray na boses ni Steffy.
"Nag-iilusyon ka nanaman, tsk tsk Ellah gising na sa katutuha----" di ko na sya pinapos sa pagsasalita kasi naiinis nako,nag walkout nalang ako at iniwan syang mag-isa. Hayy ewan koba wala ba talaga syang trust sa powers ko? Tsk naturingan ngang best friend.
Binilisan ko ang paglalakad at kahit anong tawag nya sakin ay di ko sya nililingon, bahala ka! Actually di naman ako galit trip ko lang mag galit-galitan.
Biglang nahagilap nang mata ko ang mukha ni Kean, oowww nandito rin sya grabe tadhana nga naman. Maya-maya ay naramdaman ko na ang prisensya ni Steffy sa likod ko. Hehe makakabawi rin ako.
"Hoy Kean" sigaw ko sabay lingon sa likod ko kung na saan si Steffy humanda ka.
"Ellah! Sinandya mo talaga to noh! Aalis na nga ko!" Naka kunot-noong sabi ni Steffy pero nginitian ko lang sya sabay hawak sa kamay nya nang mahigpit. Kung di ka maasar sakin mabuti sigurong si Kean nalang, alam ko kasing makita nya lang ang mukha ni Kean na ha-high blood na sya.
"Ooyy Ellah! Nandito din pala kayo ni babe" nakangising sabi ni Kean kay Steffy, habang ako naman nagpipigil ng tawa dahil sa ekspresyon ng mukha ni Steffy yung mukhang natatae na naiinis hahaha...
"Wag mo nga kong ma babe-babe!" Sigaw nito na nakakunot parin ang noo.
"Tama na nga yang bangayan nyo mamasyal nalang tayO"Sabi ko. Yan naman talaga ang pakay namin dito diba?
"Ayoko nga nawalan nako ng gana! Pano ba naman kasi sa dina rami-rami ng tao dito sa resort etong unggoy pa nato ang nakita namin, hhooooww nakakastress."
"Bukas nalang Ellah gabi na eh,mag laro nalang tayo." Luh? Anong pumasok sa kokote nang Kean nto at naisipang maglaro? Ano kami ba---
"Ano kayo bata?" Yun nga yung sasabihin ko eh,epal naman tung ENZO?
"Oyy! Pareng Enzo? Pareng Carl bakit kayo magkasama?oyy kayong dalawa hah! May tinatago kayo nohhh? Sinong babae sa inyo? Ninong ako sa kasal hah or sa binyag nang future baby nyo? Ayy pano pala kayo magkaka-anak diba pareho kayong lalaki? Ayyy whatever!" Nagtawanan kaming lahat except kay Carl na naka poker face parin.
"Laro nalang tayo!" Dugtong ni Kean,kahit kelan madal-dal talaga tung Kean nato.
"Ano bang laro yan?siguraduhin mo lang na hindi yan boring,kung hindi ililibing kita sa buhangin!" Sabat naman ni Steffy.
"Laro? Can I join you?" Ayan nanaman ying nakakarinding boses ng higad.
"Bakit hindi niyo ko tinawag man lang? Di niyo ba ako friend?" Wika niya na parang nagmamakaawa, yakss kadiri! Mukha siyang palaka!
"Sige! So kumpleto na tayo! Let the game begins." Ayy panirang Kean toh! Bahala na nga ayaw ko namang maging suplada sa harapan ni Carl! Baka ma-turn off pa sya.
"Ano bang lalaruin natin?" Tanong ni Enzo
" Simple lang, meron akong ibibigay na papel sa inyo, isulat niyo ang gusto niyo sabihin, pwede nyonh sabihin ang secret niyo, o kaya ay mag confess kayo. Basta wag na wag niyong isusulat ang pangalan niyo. Tapos paghahaluin natin yun sa isang fish bowl, at isa isa tayong bubunot dun. Tapos kapag nabasa niyo na ang naka sulat dun, bawal niyong ipagsabi kahit kanino. Pwede kayong magkaroon ng sarili niyong imbestigasyon kung kanino yun. Basta wag na wag niyong ipagsasabi kahit kanino, so game?" Paliwanag ni Kean sa amin, at umoo naman kaming lahat.
At nagsimula na nga ang laro, nag sulat na sila. At ako naman nag iisip pa kung ano ang isusulat ko? Hmmm??? Aha! Alam ko na!
This letter is dedicated to my greatest crush, Carl Perez.
Nag simula na din akong mag sulat, at maya-maya ay natapos na din. Binasa ko ulit ang sinulat ko.
" Ang love parang star, madaling tanawin pero mahirap abutin. Parang IKAW madalas kong pangarapin, pero imposible namang maging akin."
Ouch! Tinamaan ako dun ah..
Hinulog na namin isa-isa ang mga sinulat namin, sana makuha niya yun.
Hinalo ni Kean ang mga papel sa fish bowl, at isa isa na kaming bumunot.
Nag pa huli ako, para naman exciting, natapos na silang bumunot. And it's my turn, kinuha ko ang isang huling papel sa bowl.
Dahan-dahan ko itong binuksan, nagulat ako, at na estatwa sa nabasa ko.
Sino ang nagsulat nito? Siya ba? Sino? Totoo ba to? Oh panaginip lang?
Binasa ko ulit ang naka sulat, baka namalik-mata lang ako. Pero hindi! Yun parin ang naka sulat.
At ang naka sulat sa papel ay.........
.
.
.
.
.
.
.
.
I like you, Ellah
A|N: wahh sino nga ba ang nag confess kay Ellah? Kung alam niyo, just comment below. And don't forget to vote. Saranghae💖
End of Chapter 13💖

ВЫ ЧИТАЕТЕ
💜I'm Destined With This Cold Guy💜
ФанфикIsang babaeng nagnganglang Ellah Bautista, isa siyang babae na masayahin, bubbly, makulit, hindi agad sumusuko, at higit sa lahat.. Siya ay isang babae na NAGPAPAKATANGA AT HABOL NG HABOL sa lalaking DAIG PA ANG ICE SA SOBRANG COLD... Siya si Carl P...