CHAPTER 12 ( SUNSET)

5 0 0
                                        

ELLAH'S P.O.V

"Ellah were here." Narinig ko ang boses ni Enzo kaya dali-dali kong iminulat ang mga mata ko.

Sumilip ako sa bintana at bumungad sakin ang napakagandang view.

Bumaba na kami ng bus, at lahat kami ay napa-mangha.. Grabe! Ang ganda ng view, mula dito makikita muna ang maputing buhangin, at maririnig muna ang  hampas ng alon sa dalampasigan, ang sarap ng simoy ng hangin, at ang linaw-linaw ng tubig dagat..

Mukhang mag eenjoy kami dito, pumasok na kami sa isang hotel, malaki din yung hotel.

Pumunta kami sa receptionist, para magtanong kung saang room kami naka reserved.

"Welcome to Mercedea Beach Resort." Bati sa amin ng mga staff ng hotel habang isa-isa kaming sinusuotan ng garlands

Naka-check in na kaming lahat, at ang buong 3rd floor ay pina reserved talaga para sa amin

So, sa isang room dalawa ang kama. Kaya syempre sino pa ba ang makakasama ko, eh di ang bestfriend ko na si Steffy.

At ang kasama naman ni Enzo ay si Carl, huhuh bakit di nalang ako? Joke! Ahaha Tsaka si Nikka the Higad naman ay si Mae, ang malanding bestfriend din niya..

Inayos namin ang mga gamit namin, bago ako lumabas ng kwarto. Nagpa-iwan muna si Steffy dun, di pa daw sya tapos mag ayos. Ewan ko ba sa babaeng yun, andami daming dalang damit. Eh, 2days lng kami dito. Para nga siya aalis ng bansa eh. Hahh

Pagbukas ko ng pinto, ay bumukas din ang pinto sa harapan ng room namin. At ang room nayun ay kina Enzo at Carl.
ang pinaka gwapong mukha ni Enzo, grabe! Mukhang mapapa aga ang summer ko ah! Ang hot kase!

"Ahm, bababa ka ba?" Tanong niya

"Ah, Oo, sabi kasi nila na maganda daw yung sunsets dito. Kaya papanoorin ko yun,dun sa baba. Eh, ikaw ba?"

"Bababa din, gusto mo sabay tayo? Manonood din ako ng sunset." Sabi niya habang kinakamot ang batok niya, teka? Nahihiya ba siya? Ganda ko kase! Di jowk lng

Tumango nalang ako, at bunaba ba kami sakay ang elevator.

Pagbaba namin ay pumunta kami sa dalampasigan, grabe! Ang ganda! Nagiging dilaw ba rin ang buong paligid at lumalamig nadin ang hangin.

Tiningnan ko ang wrist watch ko at 5:00 pm na pala, malapit ng lumubog yung araw!

Maya-maya ay nakita na namin ang palulubog na araw. Grabe! Ganda! #nganga! Dahil sa nakita ko ay di ko mapigilang mamangha.

Di ko rin mapigilang ngumiti

"Ang ganda noh?" Tanong ko kay Enzo, pero nakatingin parin sa papalubog na araw.

"Oo, ang ganda! Sobra!" Wika niya, hindi sa nag aassume ako ha? Pero parang hindi siya sa sunset tumitingin. Kundi sa akin, kaya tiningnan ko siya. At tama nga ako, tinitingnan niya ko. Grabe yung mga titig niya nakakatunaw!

"Hoy! Baka matunaw na ko sa mga tingin mo ha!" Wika ko sabay yuko, grabe! Tamang acting lng na nahihiya, para di mahalata.

"Ha? Ah, eh sorry. Ang ganda mo kasi." Sabi niya na mas ikinapula pa ng pisngi ko, wahh! Nagmumukha na talaga akong kamatis nito!

"Ellah, araw ka ba?" Tanong niya, teka? Muka ba kong araw?

"Ha? B-bakit?" Utal kong sagot

"Kase ikaw ang nagbibigay liwanag sa mundo ko." Sabi niya, at ang buong sistema ko ay kinilig

Wahhh!! Help!! Tama na Enzo!! Grabeh! Yung tiyan ko! Parang nagkaroon ng concert ng BlackPink sa loob...

Nag-usap mo na kami sandali, bago namin napag-pasiyahan na pumasok na sa hotel. Mag-didinner na din siguro kami

Pagkatapos naming kumain ay umakyat na kami sa taas at pumasok na sa rooms namin.

Pero bago ako pumasok ay nahagip ng paningin ko ang gwapong mukha ni Carl..

Nagtama ang paningin namin, pero agad din syang umiwas. Haystt! Mas nagiging cold siya sa akin..

Bubuksan ko na sana ang pinto, para pumasok ng biglang may nagsalita sa likod ko.

"Goodnight Ellah, and have a sweet dreams." Naka ngiting bati ni Enzo, grabe!!! Ang gwapo niya talaga!

"Goodnight din Enzo, and have a sweet dreams." Naka ngiting wika ko din sa kanya.

At pumasok na kaming dalawa sa mga rooms namin.

Hanggang sa naka higa na ko, ay di ko pa rin malimutan ang mga sinabi ni Enzo kanina

At pumikit na ako ng may mga ngiti sa labi..

End of Chapter 12💖







💜I'm Destined With This Cold Guy💜Where stories live. Discover now