Prologue

2.1K 47 2
                                    


Dahan-dahan akung lumapit sa gate , dalang-dala ang basa kung katawan. Napangiti ako ng tuluyan ng tuluyan na akung nakapasok sa gate. Humakbang ako palapit sa pinto ng mansion at hindi alintana ang bagsak ng ulan. Huminto ako sa harap ng pinto at pinunasan ang mukha ko bago pumasok.

Bumungad sakin ang may magagarang damit mapababae pa at lalaki. Napalingon naman sakin ang lahat at taakng lumingon sakin. Pandidiri ang rumehesto sa kanilang mukha.

"Oh my gosh!! Who's that?"

"Why she's so dirty like ew!!"

"What she doing here?"

Natawa ako ng palihim. Sino ako... Haha hindi na ako magtataka pa kung hindi nila ako kilala. hindi nga ako pinapakilala ng magulang ko sa kanila. Party nga nila hindi ako imbitado.

Hindi ko na lang sila pinansin at tuluyan ng pumasok. Ang mga salitang binibitawan nila nilalabas ko lang sa kabilang tenga ko. Kahit pala dito sinusundan ako ng kamalasan.

"Anong ginagawa mo dito?!! Bakit ka nakapasok dito!!"

Mapait akung ngumiti. Hindi na ako magugulat sa pagbati nila. Sanay an ako

"Bingi ka ba!! Bakit ka nakapasok dito. Umalis ka diot...UMALIS KA!!!"

Kinagat ko ang labi ko habang pinagmamasdan ang ina kung sinisigawan ako sa harap ng mga tao. Lumapit naman sa kaniya si ama at pinigilan ito sa pagwawala.

"Hon tama na"

"Paalisin mo yan Edward. Ayoko siyang makita"

Masamang tingin naman ang pinukol sa akin ni ama." Wala ka talagang respeto. May gana ka pang pumunta dito!!"

Mabilis na bumaling sa kabila ang mukha ko dahil sa lakas na sampal ni kuya. Nadagdagan pa ito ng pangalawa dahil sa sampal ni Ate.

"Wala ka na talagang natitirang kahihiyan sa sarili mo. Hindi ka na talaga nahiya sa pamilyang ito"

Akmang sasampalin na naman niya ako ng may nagsalita.

"Stop it"

Lumingon ako sa nagsalita at halos matumba ako sa aking nakikita. Parang tinusok ng milyong karayom ang puso ko. Magkahawak kamay silang naglalakad sa harap ko.

Ang kaniyang saya ay napalitan ng walang emosyon na mukha ng aking asawa. Asawang ni minsan hindi ko naramdaman. Asawang pinandidigan ko sa loob ng apat na taon. Asawang walang pake alam sakin at asawang nagdala sakin dito.

"What are you doing here?"mga malalamig na salita na lage kung naririnig sa kaniya.

"Bitch"

Tumingin ako sa babaeng kasama niya. Hindi ko maipagkakailang maganda ito at malaki ang hinaharap. Maraming humahanga sa kaniya dahil isa siyang sikat na model sa pamilyang ito.

Ng makita ko na silang lahat ay doon na ako nagsalita. Hinihintay ko lang naman talaga ang mabuso sila para sabihin ang matagal ko ng gustongs sabihin.

"Sabihin niyo na" tumingin ako sa kanilang lahat"Sabihin niyo na ang gusto niyong sabihin. Sigawan niyo na ako..Saktan niyo na ako pero pagkatapos nito. Hayaan niyo ako naman ang magsalita"

Pakiramdam ko na insulto ako sa ginawa nila hindi dahil sinisigawan nila ako kundi dahil tumahimik sila, Kung saan hahayaan ko lang sila duon naman sila magbibingihan.

"I guess ako na lang"

Nagsimula ng makichismis ang mga tao. Sige lang ng saganon kayo ang magiging witness sa gagawing kung live show.

Pretending AmnesiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon