P.A 15

554 20 0
                                    

Lydia POV

"I can't believe it. Nakakaya mong magsuot ng ganyan sa harap ng mga lalaki. Pano kung gahasin ka, pano kung rapen AW!!!!"

Tumingin siya sakin ng masama habang hinihimas ang parteng binatukan ko.

"Wag ka ngang O.A KUYA!!"diniin ko ang kuya para mas lalo siyang mainis. Yes si Kuya Levi nga..siya ang dumating kanina. " Kung makareact ka akala mo kita na lahat kaluluwa ko eh spaghetti strap lang man at short lang suot ko atshaka anong gahasa gahasa ka jan"

"Kahit ano pasabihin mo yun din naman ang patutunguhan niyan. Lalaki sila kaya normal lang na mag-init sila"

"Ewan ko sayo. Ano ba ginagawa mo dito? At pano nalaman na nandito ako?"

Simula kasi nung paghila niya sakin hindi niya pa sinasabi.


"Ah!! Sinundan kita kaya nga lang nawalan ako ng gas at ang malas sa kakahuyan pa nangyari kaya ayun natagalan pa ako"

Tinaasan ko siya ng kilay "Pano mo nalaman na nandito ako kung nawalan ka ng gas. Ibig sabihin nun ay hindi mo kamo nasundan pa dahil huminto ka"

"One way lang man ang daan dito kaya nalaman ko ito"

Napatango ako. Nakalimutan ko wala pala masyadong dumadaan dito dahil kakahuyan ang sasalubong sayo sa labas tapos isang daanan lang ito

In short masyado itong creepy.

"Kung ganon pala, anong ginagawa mo dito? Alam ba ito ni Ate Heidi o baka naman tumakas ka"

"Dami mong tanong" inayos niya ang buhok niya "Hindi ba pwedeng maging masaya ka na lang dahil nandito ako. Ang ganda ng lugar nato tapos sisirain mo lang" magsasalita pa sana ako ng tumayo siya at lumabas. Napailing na lang ako sa mga sinabi niya.

 Nahiya naman ako.Siya nga tong unang nanermon tapos tanong lang akin hindi pa masagot.
Tumayo ako at lalabas sana ng pumasok si Mea.

"Oh! Bat ganyan mukha mo?"

Ngumiti ako ng pilit. "W-wala. Wag mo ng pansinin"

Tumingin siya sa pinto na nilabas ni Kuya bago bumalik sakin.

"Sino nga pala yun?" Kahit hindi niya sabihin ay alam ko na kung sino.


"Si Kuya yun"

"In fairness ha may itsura" at ngumiti.

"Tumigil ka nga may asawa na yun kaya umayos ka"

"Ay sayang"

Tumawa ako sa biglang pa nguso niya "wag ka ng malungkot. Andyan naman si Cleck eh bagay kayo"

"Che!! Kahit siya lang ang maiwan na lalaki sa mundo never akung papatol sa bakla na yun" Napailing na lang ako at naunang bumalik sa dagat

Mula sa pwesto ko ay makakasalubong ko si Ate Sheena kaya huminto ako. Ng makalapit siya sakin ay agad din siyang huminto

"Siya ba yun?"

Kumunot naman ang noo ko "Sinong ano?"

Nginuso niya ang kinaroroonan nila kuya.
"Hindi ba siya yung hinihintay mo"

Biglang may naalala ako. Tumingin ako kila Kuya. Possible ba na binigay ni Jazz Kay Kuya ang ticket kaya siya nakapasok dito. Possible nga na binigay niya ito dahil hindi naman makakapasok si kuya kung hindi diba?


"Amm. Hello may kausap pa ba ako"

Agad akung napaiwas ng tingin kila Kuya at binalik Kay Ate Sheena.

"Malayo ba ang sagot sa tanong ko at hindi mo agad masagot aber"

Natatawang umiling ako .Pano ba naman kasi nakapameywang siya tapos nakataas pa ang kilay idagdag mo pa na pang bata ang boses niya kanina.

Pretending AmnesiaWhere stories live. Discover now