P.A 8

812 29 0
                                    

Lydia POV

"Miss me ... Raulyn Kim"

Tumawa ako at nginitian siya "Yes , I miss you so much Leinicar. Sayang lang at nakatulog ka sa party , hindi tuloy tayo nakapagbonding"

Hindi ka tuloy nasama sa drama ko. Sayang talaga.

"Kaya nga nandito ako eh! Makikipag bonding sana ako sayo"

Tumingin ako sa relo ko. Bago binalik sa kaniya.

"Sorry to say. May pupuntahan kasi ako kaya bumalik ka na lang bukas"

Ngumiti pa ako. Ayokong sayangin ang oras ko sa kaniya. Kailangan ko pa hanapin sila kuya

Nagsimula na kung lumakad.

"Saan ka pupunta? , maglalandi"

Napatigil naman ako.

Nakarinig ako ng mahinang tawa "Ang lakas naman ng kamandag mo. May boyfriend ka na nga lalandi ka pa"

Humarap ako sa kaniya at sinamaan siya ng tingin.

"Wala ka bang ibang magawa kundi gumawa ng kwento"

"Huh!!"tumawa ito ng pagak " Ako gagawa ng kwento. Oh! Come on. Hindi ko na kailangan yan dahil sapat na ang lahat ng ito para ilabas ang landi mo"

May kinuha ito sa kaniyang shoulder bag at tinapon sakin. Napapikit naman ako dahil baka matamaan ang mata ko.

Pagdilat ko ay tinignan ko ang tinapon nito.

Picture?

Lumuhod ako at kumuha ng isa at tinignan yun. Picture namin ni Ryder.

"Now tell me bitch. How dare you to seduce my fiance!!"

Teka! Kahapon pa ito ah! Ganon na ba siya ka baliw kay Ryder para pasundan ito.

"Hindi ko inaakit ang fiance mo" naiinis na ako ha! Grave ang talas ng bibig nato

"Sa tingin mo ba maniniwala ako sayo Raulyn. Hindi ka parin nagbabago pinipilit mo parin ang sarili mo sa kaniya. Ganyan ka na ba ka desperada"

Sumeryoso ako at tinignan siya ng masama.

"Raulyn?"

"Hindi mo ako maooto Raulyn"

"I wonder , yung Raulyn na tinutukoy mo ay mahina. Ang lakas kasi ng loob mo para sugudin ako dito"

Tumaas naman ang kilay nito "Wow. Still maang-maangan portion ka pa. "

"Binabalaan kita Raulyn. Stay away to my fiance"dagdag nito

Tinignan ko siya ng madiin. Ginawa pa kung utusan.

" Wag ako ang pagsabihan mo. Siya."

"So anong sinasabi mo. Hinahabol ka niya"

Ngumisi ako "Ikaw nagsabi niyan"

Sumama ang tingin nito at kita ko ang pagkuyom ng kamao nito

"Ang kapal ng mukha mo! Hindi porket iniba mo lang pangalan mo , akala mo kung sino ka. Kahit ibahin mo pa lahat sayo hindi parin mawawala na ikaw si Raulyn. Si Raulyn na mahina , malandi ,depser------"

Hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng lumapat ang kamay ko sa pisngi nito.

Gulat naman siyang tumingin sakin.

"Y-you bitch"

Tinaas nito ang kamay niya at akmang sasampalin ako ng mapigilan ko ito at hinawakan ng madiin.

Pretending AmnesiaWhere stories live. Discover now