Prologue

251 39 5
                                    

Aray ko! Aray! Napahawak ako sa paa ko na sumanggi sa isang patulis. Patalon talon akong tumatakbo habang kinakaladkad ako ni Maze. Hindi niya napansin ang pagkakatama ko roon kaya walang pasubaling tumakbo lang siya. Nang makarating kami sa malaking gymnasium ng Cliffords Academy ay saka pa lang kami tumigil. Lumuhod ako para matignan ang paa ko at nakitang gasgas lang naman iyon kaya tumayo na lang ako ulit. Maraming tao ang nakapalibot kaya agad na kumunot ang noo ko. Wala naman akong nababalitaan na event?

"Sis, ano meron?" Tanong ko at tinignan si Maze na abot tenga ang ngiti. Ngumuso naman siya sa gitna na pinalilibutan ng tao kaya inaya ko siya papalapit pa doon.

"Excuse me, excuse me." Sumingit kami sa maraming taong nagkukumpulan hanggang sa marating ang harap.

Halos lumuwa ang mga mata ko nung nakita ko si Divine sa gitna na may hawak na bulaklak at may malaking teddy bear pa sa harap niya. Agad na napadpad ang atensyon ko sa lalaking nakauniporme at may hawak na balloons. Kinumpleto talaga ni Matt ang common na binibigay ng mga lalaki sa babae, ano?

Bahagyang tumaas ang labi ko dahil sa nakitang mic na hawak ni Matt sa kabilang kamay. Mukhang alam ko na ang pakulo ng isang 'to.

"Sharpelyn Divine De Vera, it's been two years of smooth and bumpy roads with you and I see you as the most beautiful lady in the universe since day one. I want to continue this journey until forever so here I stand in front of everyone as a witness, asking you to take this relationship to the next level." Deretso ang tingin ni Matt sa mga mata ni Divine habang sinasabi ang mga katagang iyon.

Malalim akong huminga at saka napansin ang brasong umangkin sa baywang ng katabi ko. Marahas ko iyong binuga.

"Will you be officially mine?" Pagtatapos ni Matt sa mga sinabi niya. Agad na naghiyawan ang mga tao kasabay ng pagtango at pagyakap ni Divine sa kaniya.

Napangiti ako sa dalawa. Two years of courtship but he didn't give up. There's not a time I heard Matthew complaining for having a hard time with my friend. It sure is tough but he was really determined to win her heart that's why I'm their huge supporter.

Pagkatapos ng palabas ni Matt ay nagpakain siya sa labas at kantyawan ang natanggap nila sa amin.

"You finally got her, bro. Congrats!" Sabi ni Andrew habang katabi ang kumakain na si Maze. Abot tenga ang ngiti nila dahil sa tuwa ng pagkakasagot ni Divine kay Matt at ganoon din naman ako. Pero, may mali eh.

"Painom ka naman dyan-" Biro ni Jax na di natuloy dahil sa siko na natamo galing kay Elise. Something is really not right. Kunot noo kong pinasadahan ng tingin ang mga kasama ko.

Si Matt ay nakaakbay sa upuan ni Divine habang si Divine naman ay nakangiting pinapanood ang kantyawan ng kalalakihan kay Matt.

Dumapo ang tingin ko sa katabi kong si Maze na kumakain habang nasa kabilang side niya si Andrew. Napababa ang tingin ko sa mesa dahil sa napansin ko. Kalmadong nakadantay ang hita ni Maze sa hita ni Andrew. Bahagyang napataas doon ang kilay ko.

Muli akong tumingin sa harap kung saan nakita ko kaagad si Elise at Jaxon na magkatabi. Tumatawa pa silang dalawa. Agad na kumunot ang buong mukha ko nang malaman ang pagkakamali na kanina ko pang napapansin sa kapaligiran.

"Anong nangyari sayo?" Tanong ni Elise nung napansin niya ang mukha ko.

"I am a seventh wheel, holy mother of cow!" Hindi makapaniwala kong sagot sa kaniya. Nagkatinginan ang tatlo kong kaibigan at saka sabay sabay na tumawa. Ganoon na rin ang ginawa ng boys.

"You realized that just now?" Sarkastikong sabi ni Jax. Oh my god, I'm a seventh wheel since then? Hindi ako nakasagot kaya nagsitawanan muli sila.

Built Specially For YouOù les histoires vivent. Découvrez maintenant