Chapter 9

87 29 1
                                    

Chapter 9 : Clubbing

Sumapit ang Sabado at muli kaming magkakasama ng mga kaibigan ko. They're complaining of how I wasn't able to find the man I'm searching for with the options they've given me from the past.

"Napaka choosy kasi nito ni Pia! Porque maganda ka!" Reklamo ni Maze.

Napailing-iling na lang tuloy ako.

"But for real. Ang hirap mo palang bigyan ng lalaki, Pia." Ani Drew.

"Jusko ang standards niyan mas mataas pa ata sa langit." Reklamo pa ni Maze na tinawanan ko.

She's overacting.

"E, ano ba ang pinaplano mo?" Tanong ni Elise nang hindi nagtagumpay ang plano nila ni Jax. Magkasalubong naman ang kilay ng katabi niya habang may tinitignan sa phone at mukhang nagsscroll.

"We're going to a club!" Masayang tugon ni Maze.

Nanlaki ang mga mata ni Drew roon. Mukhang wala siyang alam sa sinasabi ni Maze.

Natigil din naman sa ginagawa si Jax at napatingin kaagad kay Maze. Napansin ko kung paanong humigpit ang hawak ni Matt sa baywang ni Divine at pareho kaming napatingin doon.

"What club are you talking about?" Ramdam ko ang irita sa tono na binigay ni Drew.

I'm not really a party people but I'll consider it. People come there to dance, drink, and flirt. It's not impossible to find my future husband at that place, right? I guess.. Besides, I'm on the right age. I'm sure I can get ahold of myself if I happen to encounter danger... such as butt-holding?

"I mean, doon maghahanap ng boylet si Pia. You're coming with us kaya mababantayan mo ko, okay? Kahit naman wala ka doon, behave lang ako." sagot ni Maze at saka umirap kay Drew.

Natawa na lang ako sa huling sinabi niya. Bago pa ako makapagsalita ay naunahan na ako ni Divine.

"Really, Maze?"

"What do you mean?" Takhang tanong ni Maze.

Napailing na lang ako dahil painosente pa siya.

Maze loves Andrew so much. She's not the type to cheat in a relationship but she can be silly at times. She's been to a lot of clubs and she is a heavy drinker. That's why Andrew hates it when she go near it or even mention it. And as far as I can remember, she always pass out in the middle of the dancefloor or worse, puke.

"I'm not sure about your idea. Madalas ay puro player ang mga nasa club at hindi marunong mapirmi sa isa. And seeing Pia's behavior last time? She'll end up pregnant." Ani Jax. Tumango naman si Elise doon.

Grabe naman ang dalawang 'to!

"Then, that's the challenge for Pia. Dapat ay mabago niya ang lalaki bago siya tuluyang mahulog. And for her drunken attitude, I'll be sure to keep an eye on her." Sabi ni Maze na parang ang dali lang gawin noon para sa kaniya.

Humalakhak si Divine. "Definitely not you."

Huminga ako ng malalim. I don't know why a part of me is agreeing to Maze's idea. To her whole idea.

"That will be risky. Ano sa tingin mo?" Sabi pa ni Divine nang magseryoso at saka tumingin sa akin. Napakagat ako sa labi ko. I truly don't mind if it's that risky. I'm in!

"It's fine.." maikli kong sagot. Nagulat si Elise at Divine doon habang nag ngising-aso si Maze. Maybe she's feeling her victory.

I just want to loosen up for a while. Especially, that I have a lot going on in my head for the whole week. Nagkatinginan sila at parang wala sa sarili na bumuga ng hangin si Drew.

Built Specially For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon