Chapter 7 - Code Gray

548 20 1
                                    

Chapter 7 – Code Gray

"Tell us about the structure of this org and your deeds before we discuss about our conditions," formal na sabi ni Tito Renzo habang nasa hapag-kainan. Maaga pa lang ngunit naiirita na ako. Aside from the fact that I haven't got enough sleep, ayokong marinig ang pinag-uusapan nila. I just want to eat in peace.

"Just like normal universities, we provide basic education for primary learners, then the secondary, and tertiary. Of course there are basic subjects, but the lessons are mainly about self-defense and survival. That goes for both the elementary and highschool students," explained Miss Altecia. Pinunasan niya ang gilid ng labi at nagpatuloy. "But for college, we provide courses such as accountancy and engineering, but for the lack of professionals to teach for various courses, tanging sa medical courses kami nagfo-focus dahil aside sa maraming doctors ang maaaring magturo, doctors are highly demanded lalo na sa sitwasyon natin ngayon. We also have the military forces to provide military training for the surviving men. Para na rin ligtas tayo sa mga posibleng panganib."

"And this is supported by the government?" tanong ni Tito Kyle. Tumango si Miss Altecia.

"Supported secretly. Kung malalaman ng presidente ito, tiyak na katapusan na natin. He might even use the media to destroy us."

"You said you want us to be your students, what kind of students?" tanong ni Tita Grace. This time, si Sir Blake ang sumagot.

"I want the boys to undergo military training, and you women, as teachers. I specifically want Samantha Go as one of my researchers."

I clenched my jaw in annoyance.

"I am a man not a boy," sagot ni Draico at ngumiti ng malapad. "Buti na lang at ligtas ang gwapo kong mukha sa anumang karahasan sa militar!"

"Totoy ka pa rin boi," sagot ng dad ni Draico. Sumimangot si Draico. "Wala kang takas. Pampalaki na rin ng muscles mo."

"Dad!" saway ni Draico. Tumawa ang lahat maliban sa mga batong mga Alberts.

"May mga tanong pa ba kayo?" tanong ni Detective Vestil. Matapos lunukin ang nginunguyang manok, itinaas ko ang aking kamay.

"This is not a question," walang emosyong sabi ko. Tumayo ako at inayos ang upuan. "Cut me out. I am not going to be a researcher."

Nagulat ang lahat sa sinabi ko, lalo na si Sir Blake na di sang-ayon sa pahayag ko. Tumayo siya at nagsalita. "We especially requested for you, Miss Samantha. Malaki ang maitutulong mo sa pag-usad ng pananaliksik. Hindi mo pwedeng sabihin 'yan lalo n—"

"Stephanie was also a researcher of that Verzalias Org. Mas malaki ang maitutulong niya," wala pa ring emosyong sabi ko. "You made this far without me. You gathered the survivors, feed them, and you even have the government on your side. I'll just have the military training."

"But Miss Samant—"

"I can have my own choices, right?" tanong ko. "Wag niyo sabihing katulad rin kayo sa kabilang organisasyon? Will you also put me behind the bars of guilt?"

________

Naglakad-lakad lang ako sa labas. Nanginginig pa rin ako sa galit at halu-halong emosyon. Naalala ko ang aking mga pinagdaanan sa kamay ng walang-awang organisasyong iyon. Ayokong umiyak kahit kanina pa gustong tumulo ng mga luha ko.

Cut the head of that fetus, Samantha. We need to shred it into pieces!

Ngunit hindi natin kailanga—

Just cut it or we'll cut you!

Naririnig ko pa rin ang boses ng mga doctor na pumilit sa aking kumitil ng buhay ng walang kamuwang-muwang na sanggol. Naalala ko pa kung paano naghalo ang maalat kong luha sa kulay pulang likidong nagmula sa ugat ng bata.

Verson University: School of DoctorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon