Chapter 19 - Kapit sa Patalim

281 11 4
                                    

Chapter 19 - Kapit sa Patalim

Mabigat ang bawat hakbang ni Stephanie habang naglalakad palabas ng kaniyang opisina. Nakasuot siya ng sleeveless na pinatungan ng itim na leather jacket. Rinig na rinig niya ang bawat pagtapak ng kaniyang boots sa hagdanan. It sounds exactly like the unsaid farewell of a person leaving without any trace of existence.

Suot niya ang isang itim na maskara at ang suot nitong jacket ay may tinatagong mga armas at patalim. Alam niyang hindi sapat ang mga iyon upang protektahan siya mula sa mga demonyong nasa impyernong pupuntahan niya.

She needs to save the girl. Walang ibang dapat gagawa noon kundi siya lamang. She could have Samantha be by her side, but she's more than willing to atone for her sins. Ang dami na niyang kasalanan sa kapatid niya. Bringing her to the place she loathed could mean danger.

"Sino ka?" isang boses ng lalaki ang narinig niya mula sa likuran. Napatigil siya sa pagtapak at napahinto.

Narinig niya ang pagkalabit sa gantilyo ng isang baril. The man is pointing a gun at her. Hindi naman niya aakalaing may dadaan sa hagdanan kung kaya't masyado siyang naging kampante.

Dahan-dahan siyang tumalikod upang harapin ang lalaking humarang sa kaniya. Itinaas niya ang kaniyang mga kamay upang ipakita na wala siyang balak lumaban.

"Stephanie?" tanong ng lalaking agad niya namang nakilala. 

Mabilis nitong ibinaba ang baril at itinago sa likuran. Kumunot ang noo ng lalaki habang sinusuri ang anyo ni Stephanie. Napairap na lang ang babae.

"Alam ko kung ano ang iniisip mo, Stephanie," wika ni Noah habang matamang nakamasid sa babae. "Nasisiraan ka na ba ng bait? Alam mong wala kang magagawa."

"I still have a card up my sleeve, Noah," sagot ni Stephanie. Umatras siya at humakbang palapit kay Noah. "Besides, I am bound to do this sooner or later. Mas mabuti kung maaga pa'y nagawa ko na."

"Draico knows," mahinang sabi ni Noah. Nanlaki naman ang mga mata ni Stephanie ngunit nang marinig ang tono ng lalaki ay pinakalma niya ang sarili niya.

"Hindi mo maipagkakait ang katotohanan sa kaniya," sagot niya. Binigyan niya si Noah ng isang maliit na ngiti. "Besides, you've been carrying that burden for so long. You cannot carry that your entire lifetime."

Hahakbang na sana si Stephanie paabante nang biglang hawakan ni Noah ang balikat niya. Ngumiti ng mapait si Stephanie at hinawakan ang kamay ni Noah saka dahan-dahang tinanggal sa balikat niya.

"If ever I failed, just assume I died. No one would mourn anyway."

________

Walang emosyon ang mababakas sa mukha ni Stephanie habang nakataas ang kaniyang mga kamay. Nakatayo siya sa harap ng isang malaking gate na yari sa bakal na pinapalibutan ng ilang daang armadong mga lalaki.

Ilang minuto siyang nakatayo doon nang biglang ibinaba ng mga lalaki ang kanilang mga armas matapos makatanggap ng isang tawag ang kanilang commander. Nagbigay sila ng daan para kay Stephanie na ngayon ay nakababa na ang kamay at kalmadong humakbang papasok sa lungga ng mga demonyo.

Hindi bakas sa kaniyang blangkong mukha ang nararamdaman ngunit nangangalaiti sa galit ang babae. Nais niyang pasabugin ang bungo ng bawat nakakasalubong niya at kung maaari'y burahin na rin sa mapa ang Davidson Academy. 

Mabagal ang lakad niya papasok sa paaralan. Sariwa pa rin sa kaniyang alaala ang lahat ng mga pangyayari sa buhay niya, simula noong naging estudyante siya ng paaralan hanggang sa mga malupit na ginawa sa kaniya ng organisasyon. Hindi siya madaling makalimot, at kahit sinuman ay hindi malilimutan ang mga pangyayaring iyon.

Verson University: School of DoctorsWhere stories live. Discover now