4

119 68 8
                                    

Miyerkules, Alas Otso ng Gabi
Sa loob ng silid ni Wakin sa may bintana, ikalawang palapag

Kumuha ako ng bulak at alcohol para gamutin ang mga sugat ko. Hindi ko alam kung saan ito galing. Abala ako, ngunit may narinig akong sitsit mula sa labas. Sumilip ako. Naroon ulit ang taong mistulang anino sa tabi ng isang poste.

Nakailang sitsit siya. Hindi ko mawari kung ako ang kaniyang tinatawag. Itinaas ko ang aking kamay sa ere. Mabilis siyang tumakbo. Ngunit siya ay nadapa dahil sa batong nakaharang. Ang suot niyang pandong sa ulo ay natagkal. Lumabas ang kaniyang nakataling buhok. Babae pala siya. Narumihan din ang jacket niya.

Napalingon siya sa akin, nais kong tumulong ngunit nagpatuloy siya sa pagtakbo.

Ang Anino Sa Poste (PUBLISHED)Where stories live. Discover now