30 - Epilogue

71 27 6
                                    

Sa mga sumunod na araw, sarado na ang gate, sarado na ang mga bintana at pintuan. Umalis na kaya siya? Kailangan naming i-check dahil may katawan sa loob ang nakahandusay. Ngunit binilinan kami ni chief na ihinto muna ang kaso. Nakakaputangina talaga ang sistema sa Pilipinas. Nakipag-debate pa ako, dahilan upang ako ay masuspinde.

Nag-aalala ako para sa kaniya. Ano na ang nangyayari?

Ngunit sa bawat tangka kong paglusob sa loob ay hindi ko magawa. Minsan ay dumadaan ako sa harap ng bahay na iyon, alam kong naroon pa siya dahil bahagyang gumagalaw ang kurtina.

Hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko. Nagpalipas ako ng ilang araw, dumating ang Huwebes. Tinangka kong pumasok, ilang galos ang natamo ko makalagpas lang sa gate.

Nang nasa tapat na ako ng pintuan, marahas ko itong sinipa. Ilang padyak bago ito tuluyang masira. At nang magawa ko iyon, huli na ang lahat.

Ang pakay ko'y duguan, walang buhay, may saksak sa tagiliran, habang nakaharap ang kaniyang mukha sa isang salamin. Pumasok ako at sumalubong sa akin ang masangsang na amoy. Lumingon ako sa kusina at doon ko nakita ang totoong suspect, nakataga pa rin sa kaniyang inu-uod na mata ang kutsilyo.

Kinuha ko ang cellphone ko at tumawag ng ambulansya at mga pulis.

***

Nakabalik ako sa serbisyo ngunit nawalan ako ng gana. Matutulungan ko sana si Wakin kung hindi ako pinigilan ng chief, kung maayos lang ang sistema sa bansa na ito. Pero gayunpaman, nagpapasalamat ako na natuldukan ang kaso. Wala ng personalidad ang nawawala. At malaking pasasalamat kay Wakin, kung hindi niya nagawang saksakin ang lalaki ay baka wala pa rin itong katapusan.

Siya rin dapat ay may pag-asa pang mabuhay, ngunit ang kaniyang sikmura at sistema ay nalason ng drugs, ng mga pagkain na hindi naman dapat natin kinukonsumo. Napag-alaman ko rin na nagkaroon siya ng pagsisira sa isip. Dahil sa paranoia? Wala akong ibang balita bukod sa dati siyang nasa mental.

Kawawa naman si Wakin. Sa bahay ding iyon nakatago ang mga personalidad na nawawala. Wala ng buhay, ang iba ay nawawalan ng ulo, katawan, o paa. Nakakasuka.

Pero hayain mo, ipagpapatuloy ko ang iyong kuwento. Binili ko ang bahay na iyon. At nang sinimulan kong tumira dito, ang saya. Ang dilim na bumabalot sa akin ay nagbibigay ng kakaibang ligaya. Maliban na lamang sa tapat ng aking kwarto, ang poste.

Dahil sa tuwing dudungaw ako, may nakikita akong anino. At pakiramdam ko rin, may kasama ako sa loob.

Ang Anino Sa Poste

Ang Anino Sa Poste (PUBLISHED)Where stories live. Discover now