27

61 27 6
                                    

Huwebes

Tiningnan ko ang aking kamay, hawak ko ang kutsilyo? Inilibot ko ang aking mata, walang tao? Sino ang sumaksak sa akin?

Itinuwid ko ang aking paningin sa harap. Sino siya? Buto't balat, ulwat ang mata, nakaupo sa sahig, duguan. Sumakit ang aking ulo. Ilang linggo na akong hindi nakakainom ng gamot. Kailangan ko—

Habang gumagalaw, gumagalaw rin ang nasa harapan.

Ako pala iyon. Repleksyon sa salamin. Nagulat ako sa nakita, dumagdag pa ang sakit sa tagiliran. Lumawak ang bukas ng aking bibig. Ano ang nangyari sa akin? Nagmumukha akong bangkay...bangkay na mamamatay tao?

Ilang sandali pa at tumagas na ang pulang likido, natagpuan ko rin ang aking sarili na humahalakhak. Ngumingisi. Inililibot ang mata sa paligid. Natutuwa ako. Ang saya sa dilim. Walang anino.

Ngunit hindi nagtagal ang aking paghalakhak, utay-utay akong nanghina— naghahabol ng hininga. Pero patuloy pa rin sa paghalakhak.

Kailangan ko ng gamot...kailangan ko ng drugs.

Ang Anino Sa Poste (PUBLISHED)Where stories live. Discover now