Chapter 3: Another trouble?

905 28 10
                                    

Of course, I dedicate this chapter to my sis in law (tawagan lang hihi!)

LOVEORHATETHISGURL

I love you, Tin! Get well soon!

==

Chapter 3: Another trouble?

Sinigurado kong naka-lock nang mabuti ang pinto ng kwarto ko. The beast is still inside my house. Sinabi niyang simula ngayon ay dito na siya maninirahan hangga’t hindi pa niya nakukuha ang hinahanap niya. Sa una ay hindi ako pumayag pero napagtanto kong wala akong magagawa sa kanya. I hate it when he was always telling me he saved my life so I gave the hell up.

He knocked at my door.

“What do you want?” I asked. I didn't open the door. He could just tell me what he wants without seeing me.

“Buksan mo ang pinto. May sasabihin ako,” sabi niya.

“Pwede mo na sabihin nang hindi ko iyan binubuksan. Two minutes... no, one minute. I’ll give you a minute para makapagsalita. Matutulog na ako pagkatapos.”

“Kung sakaling may naramdaman kang kakaiba, sabihan mo agad ako. Maliwanag ba?”

“Don’t tell me hina-hunting ka na ngayon dahil sa mga taong pinatay mo?”

“Hindi ka ba natatakot sa akin?”

I paused. There’s a part of me scared but there’s also a part that I shouldn’t. It’s true that he has those dangerous, yet beautiful eyes but I didn’t know why I’m calm at this very moment. Hindi ako natatakot na mamatay dahil niya. Kaya lang ako pumapayag na nandito siya ay dahil sa utang na loob ko sa kanya.

Darn, if he didn’t come that night, he isn’t here in my house. Sa halip na sagutin ang kanyang tanong ay ako ang nagtanong sa kanya.

“Anon’ng pangalan mo?” I should know the beast’s name.

“Ang pangalan ko ay Hiro. Ano’ng pangalan mo?”

“Time’s up! Matutulog na ako.” Nagtakip na ako nang kumot sa buong katawan. He didn’t ask again. Mabuti naman na maayos siyang kausap. Hiro... Kung ganon ay Hiro pala ang pangalan ng estrangherong lalaking iyon.

The next morning, naabutan ko si Hiro na nakatingin sa labas ng bintana sa baba. He’s still wearing the same shirt since the day I saw him. Wala ba siyang balak na magpalit ng damit?

“Magandang umaga,” bati niya nang makita ako.

“Maaga ka palang gumigising,” tanging nasambit ko. I didn’t tell him good morning because there was no good when he was still inside my house. I hope that I could find as early as I could the thing he’s looking for para mawala na siya sa buhay ko. “Siyanga pala, ano’ng bagay ba ang hinahanap mo? Sisimulan ko na ang paghahanap sa school mamaya.”

“Isang Dyamante. Kailangang mapabalik sa akin iyon sa lalong madaling panahon.”

“Dyamante? Are you crazy? Malamang nasa sanglaan na iyon kapag may nakapulot noon! Wait, bakit ka naman may diamond?”

Bigla kong naisip ang napakalaking salapi na matatanggap ng taong nakakuha niyon. That person was surely lucky.

“Hindi pwede!” He gritted his teeth. I even saw his fist clenched. This is the first time I saw him this mad. It looks like he really needs the diamond. But what for?

“Look, akala ko kung ano’ng bagay lang ang sinasabi mo pero diamond? You’ve got to be kiddin’ me. Imposible na makita pa natin iyon.” He has to face the truth. Sa dami nang mga magnanakaw ngayon, imposible talaga.

Saranghae to the 10th PowerWhere stories live. Discover now