Chapter 5: Revix

980 44 24
                                    

Dedicated to TorpengNilalang (I don't know your real name so I just put your username)

I'll dedicate the next chapter sa readers nitong Saranghae. :">

==

Chapter 5: Revix

If he doesn't want to talk, then fine. I'm Tyra Park and I wasn't born to please someone. I cooked for dinner, naghayin ako ng pagkain nang walang imik. Kumain lang ako nang kumain hanggang sa nagsalita na rin siya.

"Habang hindi ko pa napagtatagumpayan ang misyon ko, gusto kong matuto ng maraming bagay sa mundong ito."

Pinagmasdan ko siyang mabuti habang nagsasalita. Tila na wala ang expressionless na si Hiro. Unti-unti ay nagkakaroon na siya ng expression. Marunong na siyang magalit, ma-disappoint, tumawa at ngumiti. There's something in this man that I can't explain.

"Okay. Mag-explore ka lang sa mundong ito. Wala naman pumipigil sayo. I don't know a bit in your world pero malaya ka ditong mag-explore. There's just one thing you can't do here, kill innocent people. Hindi mo pwedeng ipakita sa ibang tao ang kakayahan mong iyan dahil pwede iyan mag cause ng malaking distraction sa publiko. Arasso?"

"Naiintindihan ko. Huwag kang mag-alala dahil nasa isip ko na ang bagay na iyan." He paused for a while. "Napansin kong gumagamit ka ng ibang lengwahe maliban sa ingles at salita niyo rito."

I smiled. I didn't know know I was unconsciously saying korean term like Arasso. He's a keen observer.

"I don't know if you have a single idea about this, pero dito sa lugar namin, gumagamit kami ng salitang Filipino at English. Sa ibang lugar or bansa, gumagamit sila ng ibang lengwahe na mahirap talagang intindihin. Sa lugar ba ninyo, Tagalog rin ang salitang gamit niyo?"

"Ta-ga-log? Iyon ba ang salitang ginagamit natin ngayon?" I nodded. "Hindi ko alam kung ano ang tawag sa salita namin, pero iyon na ang nakasanayan ko simula bata pa lang. Kung ganoon ay hindi talaga nagkakaiba ang mundong ito sa mundo namin dahil sa ibang lugar ay may mga tao rin kaming hindi maintindihan ang lengwahe," wika niya.

This was my first time talking to someone this long and with sense. Noon ay puro pangbabara lang sa kausap ang nasasabi ko but now's different. It felt good. I learned a lot from him and he learned a lot from me. We're exchanging different views and opinions about our world.

"A-ra-sso? Ano'ng ibig sabihin noon? Malimit ko iyong naririnig sayo."

"It's a Korean term for Understand or Maliwanag ba" Para siyang batang ngayon pa lang nagkakamuwang sa mundo. Parang hindi siya ang mapanganib na si Hiro na dapat kong layuan.

"Ano ang Korean?" mabilis niyang tanong pagkatapos ko lang sagutin ang isa niyang tanong.

"Lahi. I'm half Filipino and Half Korean. I have a Korean father na hindi ko pa nakikita kaya nagse-self study ako minsan ng Korean terms para if ever na magkita na kami, maiintindihan ko siya. While my Mom is a Filipino, yung mga taong nakatira talaga sa lugar na ito... but she passed away a long time ago."

"Gusto mo bang makita ang ama mo? Puntahan natin siya." I chuckled.

"Napakalayo noon. Malayong-malayo!" Natatawa ako sa pinag-uusapan namin. "At mahirap makita ang taong ayaw magpakita, Hiro. Anyway, I don't want to talk about it. Baka masira ang mood ko."

Tila nag-isip siya. What is he thinking?"

"Pareho lang din tayo, Tyra. Kalahating Aserian ako at kalahating Warlem," he said.

He already told me that Aserian are people with magical power, at ngayon naman ay sinabi niya sa akin ang tungkol sa Warlem. Iyon daw ang tawag sa mga warriors nila. Pagkapanganak pa lang ay may lalabas na agad na markang kulay pula sa kaliwang braso nila kapag sila ay Warlem na nakatakdang maglingkod sa kanilang lugar. Kapag walang marka, ibig sabihin isa kang Median, o sa madaling salita ay ordinaryong tao.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 23, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Saranghae to the 10th PowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon