Chapter 4: Chain

782 35 15
                                    

Dedicated to: Lindy Caryl & Alyza Geraldine Abacan. 

==

Chapter 4: Chain

“This is so unreal. Tyra Park already has a boyfriend.” I heard someone said.

Nagbubulungan ang bawat estudyanteng nadadaanan namin. Hindi rin maipagkakaila na kumikinang ang mga mata ng mga babae sa lalaking katabi ko. I look at Hiro and he’s just walking seriously. Gumagalaw ang buhok niya dahil sa hangin na tumatama sa kanya. Nagtataka siyang tumingin sa akin kaya nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa ito, basta ang alam ko kailangan kong iwasan ang mga titig niya.

“Saan ba tayo pupunta?”

“Sa registration office, mag-e-enroll ka. Hindi ba gusto mong pumasok dito?”

“Oo. Pero may pera ka ba?”

“Mabuti naman naisipan mong itanong iyan. May pera ako pero paubos na dahil sayo. Nararamdaman ko na ang pagkagutom ko sa susunod na Linggo,” sarkastiko kong sagot.

Nang makarating na kami sa registration office ay ibinigay ko na ang mga requirements na kailangan ni Hiro. He’s already 22 years old pero ang magandang excuse ay nag-stop siya sa pag-aaral kaya magiging magkaklase kami.

“Paki-fill up na lang nito,” sabi ng babae sa registrar.

“Ilagay mo ng tama yung mga sinabi mo sa akin ha? Make sure na magkakatulad yung ipinasa natin sa ilalagay mo dyan,” bulong ko sa kanya.

“Totoo naman ang edad, kaarawan at pangalan na ibinigay ko sayo.”

“Yeah right. Just write.”

I was amazed on how he writes. Malinis at madaling maintindihan na parang mas maganda pa ata sa sulat kamay ko. Nang matapos na siya ay ibinigay na ang kanyang schedule na katulad nang sa akin. Of course kailangan magkasama kami. Baka mamaya may sumugod siyang kaaway dito na kasing lakas niya, ako pa ang mapagbuntungan. For the very first time, I need someone who can protect me.

Nagbayad na kami sa cashier and voila, welcome to Shoriken High Mr. Hiro Farkas!

“Totoo ba ang surname na sinabi mo sa akin?” I asked.

“Totoo. Bakit?”

“Wala lang. Naisip ko lang na may surname pala ang mga katulad mo?”

“Natural dahil tao ako.”

“What the— seryoso ka? Tao ka talaga?” Napatigil ako sa gulat. Pwede ba 'yon? Tao na may kapangyarihan?

“Ano bang tingin mo sa akin? Tao ako katulad ninyo.”

“Pero may kapangyarihan ka... at saang planeta ka ba galing? Akala ko halimaw ka or some sort of alien.”

“Planeta? Sa ibang mundo ako galing, at hindi ako isang halimaw o alien. Tao ako pero ang tawag sa mga katulad ko ay Aserian.”

My mouth hanged open. Ito pa lang ang impormasyon na nalalaman ko pero hindi na ako makapaniwala. Lalo na siguro kapag nalaman ko na ang iba pa.

“Tell me everything, Hiro. Pero mamaya na lang pagdating sa bahay dahil baka mabaliw ako sa mga malalaman ko pa. Sa ngayon, kailangan na natin pumasok.”

Nasa tapat kami ng class room. Hinarap ko siya at bumuntong-hininga.

“You just have to introduce yourself. Act normal and please lang, don’t ever tell them about your super power. Baka pagtawanan ka nila!”

Saranghae to the 10th PowerWhere stories live. Discover now